
Dahan dahan ang ginawa kong pag hinga, habang dahan dahan kong binubuksan ang pintuan ng kwartong pilit kong tinatakasan.
Bumungad sa harap ko ang nagkalat na kagamitan, mga papel na basta nalang iniwan. Upuang lagi kong inuupoan habang pinagmamasdan ko ang akin mahal sa kanyang kinahihigaan.
Unti unting namuo ang maliit na luhang aking tinatakasan, kasabay ng paglamon ng aking isipan ang nanumbalik na sakit ng aking nakaraan. Pilit kong inihakbang ang aking paa.
Hindi kona napigilan ang aking luhang matagal ng namahinga, napaluhod ako habang sunod sunod na bumabagsak ang luhang namuo sa mata ko.
Pag ngiti nya habang lumalapit sya sa harap ko, pag hawak ko sa maiinit na kamay nito habang pinagiisa ko ito, mga mata nitong mapupungay na laging pinapakalma ang kabuoan ng katawan ko, mga haplos nito sa pisnge ko na nagpapakalma sa pagpapabilis ng t***k ko sa araw araw na kasama ko sya, mga yakap nitong nagpapainit ng katawan kong naglalamig sa pagmamahal na hiningi ko, mga malalambot na labi nitong dinadala ako sa kaligayahang diko matatamo kong wala ang babaeng pinakamamahal ko.
Napayakap ako sa tuhod ko habang nakatitig sa upuang kaharap ko, napatigil ako ng pag iyak ng makita ang babaeng pinaka mamahal ko, ngumiti ito ng nagpakalma sa nagwawalang puso ko.
Dahan dahan ang paghingang ginawa ko habang nanginginig ang kamay kong pilit inaabot ang kamay nito sa harap ko.
Bumagsak ulit ang mga luha ko ng unti unti na itong nilalamon ng liwanag ng araw, kumakaway ito habang malaking nakangiti sa harap ko.
"Zenaaaaaaaaaa!" malakas na sigaw ko at pilit na tumayo sa kinauupuan ko at tinangkang habulin ito ng maglaho na ito.

