Our Story Stopped at Chapter 10Updated at Apr 12, 2026, 01:25
Si Xiatros De Villa ay kilalang tagapagmana ng kanilang pamilya. Ngunit, sa kabila ng kanyang tinatamasa sa buhay ay hindi niya aakalain na mahuhulog siya sa isang simpleng babae na ang hilig ay magpinta. Si Ellisa, ang una niyang naging kasintahan at gusto niyang makasama sa buhay.
Sa araw ng kanilang unang anniversary, ipinagdiwang nila ito sa isang tahimik na campsite, kung saan saksi ang mga bituin sa unang halik na binitawan ni Ellisa kay Xiatros. Ang masasayang pangyayari ay nagtuloy-tuloy pa hanggang sa mag Propose si Xiatros kay Ellisa mula sa itaas ng Ferris wheel.
Kasabay nito, daan-daan na drone ang lumipad mula sa kalangitan—bumuo ito ng mga ilaw na unti-unting naging mga salitang… “Will you marry me?”
At sa pangyayari na ito, tinanggap ni Ellisa ang kanyang alok.
Naging ganap rin ang kanilang pag-iisang dibdib—isang pagmamahalan na akala ng lahat ay perpekto at walang hanggan.
Subalit, hindi lahat ng kuwento ay may masayang wakas. Dulot ng isang trahedyang hindi niya inaasahan, nawala ang nag-iisang babaeng minahal niya.
Paano haharapin ang bukas, kung ang taong dahilan ng lahat ay wala na?
Ito ang pagsisimula ng kuwento na akala ng lahat ay may happy ang ending ngunit ang totoo ay puno ng pighati na dulot ng masamang pangyayari.