The Dream
Xavier’s POV
Habang naglalakad ako sa kalye patungo sa University na aking papasukan, unti-unti kong napansin ang kakaibang pagbabago sa aking paligid. Ang dating mataong daan, at walang humpay na ingay ng mga sasakyan ay dahan-dahang naglaho. Maging ang liwanag na hatid ng sikat ng araw ay unti-unti napalitan ng dilim na tila isang kisapmata lamang ang pagitan ng naging umaga at gabi.
“A-anong nangyari? N—nasaan ako?” I muttered softly to myself as I scanned my surroundings.
Nagpatuloy ako sa paglalakad pilit inuunawa kung ano ang nangyari ng mga oras na 'yon, kung bakit ako napadpad sa lugar na 'to, at kung bakit pakiramdam ko sobrang pamilyar sa'kin kung nasaan ako.
Napatingin din ako sa suot kong relo subalit laking pagtataka ko dahil hindi man lang ito gumagana. Maging ang dala-dala kong cellphone na nasa loob ng aking bag ay hindi rin mabuksan pero sa pagkakaalam ko full charge pa ang battery nito.
“f**k!, Why isn’t it working?!, kung kailan.... kailangan kong gamitin sabay naman nagluko” I said in frustration “ P—Pero, sa pagkakaalala ko nagcharge naman ako, hindi ko ba naayos ang pagsaksak sa outlet? I added.
After putting my phone back into my bag, I suddenly heard a voice echo through the silence of the night. I immediately followed the sound, and to my surprise, I saw a familiar house filled with people.
“W-why are there so many people at this time of night?” I said to myself, filled with confusion.
Naglakad pa ako ng kaunti at sakto may isang babae akong nakausap na nagmamadali na wari’y gustong makahanap ng tulong.
“ah, Miss, puwede ho bang magtanong bakit maraming tao sa bahay na 'yon at ano po ang nangyari? “ I asked her.
“Kailangan nila ng tulong" the woman replied
I immediately spoke again, trying to ask another question.
“Tulong? para saan po?” I asked
But the woman didn’t answer anymore—she hurriedly walked away.
“What the.... Bigla na lang akong nilayasan? Hindi man lang sinagot ang katanungan ko bago umalis? At para sa'n ba iyong tulong na 'yon, May sunog ba? P-pero kung may sunog man, d-dapat… “ I stopped mid-sentence and looked around to check if there were any signs of it.
“Sigh…” I let out a deep breath. “Bakit kasi nagmamadali 'yong babae”
I continued walking until I finally reached the house. There were a lot of people gathered around the entrance, but I didn’t hesitate to push my way through the crowd.
“Excuse me, excuse me” I said as I tried to push through the crowd.
Nasa harapan na ako ng pintuan ng marinig ko ang pagtangis at pagwika ng mga bata na nasa loob.
“Papa! Gumising ka na Papa, nakikiusap ako! Pa!” These were the words I kept hearing—children crying uncontrollably inside the house.
Nakaagaw ng pansin sa akin ang isa sa mga bata habang nakatalikod sila sa mismong pintuan ng bahay kaya hindi ko maaninag ang mukha nito. Sa tansya ko mga hindi lalampas ang edad sa labing tatlo na taong gulang ito na hawak sa pisnge ang isang lalake habang umiiyak. Nakita ko rin ang isang babae at mga kapatid nito na wari ko rin ay ina ng bata at kapatid na umiyak sa tabi ng lalake na hindi gumigising.
“Wala bang gustong tumulong sa kanila para dalhin sila sa Hospital ?” Ani ko sa mga tao na imbes na tumulong e ang ginawa ay tumingin na lang sa nangyayari.
“May tinawagan ng ambulansya para dalhin sila sa Hospital” a woman replied.
“Anong oras? kapag wala ng buhay ang pasyente dahil sa sobra bagal dumating!”
I snapped at her, anger slipping into my voice.
Napansin kong nag-usap-usap sila pero hindi ko ito marinig. Mga ilang minuto ang lumipas ng mga sandaling 'yon, Nakita ko ang mukha ng nakahiga na lalake. Mula ro'n bigla na lang may bigat na tumama sa aking katawan, na para bang, na para bang hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan, na halos tumulo ang aking mga luha na hindi ko namamalayan. Kasabay ng pagluha ko ay siyang pagbaling ng atensyon ng bata.
“Kuya! Tulong po! Si papa po dalhin po natin s'ya sa Hospital” The child pleaded, crying desperately as he looked up at me.
Nang mga sandali na 'yon, halos blangko na ang aking pag-iisip, sapagkat nasaksihan ko muli ang mga pangyayari na nagdulot sa'kin ng hindi matutumbasan na sakit hanggang sa paglaki ko. Sa puntong 'yon, naintindihan ko na ang batang 'yon ay ako at ang nakahiga na lalake ay ang aking ama.
“Pa!?” I whispered, my voice trembling as the words slipped from my lips. At that moment, tears slowly began to form in my eyes.
At mula sa kinatatayuan ko, hindi ko na namamalayan na unti-unti humahakbang na pala aking mga paa sa nakahiga na katawan ng aking ama hanggang sa ang tahimik kong paghikbi ay napalitan ng malakas na hagulhol sa pag-iyak.
“Pa! Gising! Pa!“ I cried out repeatedly, clutching his body tightly in my arms as tears streamed down my face.
Wala na akong naging pakialam sa mga taong nasa paligid kahit na pansin kong nagtataka ang mga ito sa naging reactions ko.
Sa patuloy kong pag-iyak na yakap ang aking ama, nakarinig ako ng tunog na nagmumula sa'king tainga, hindi ko malaman kung ano ang tunog na 'yon hanggang sa... bigla na lang bumalik ang aking ulirat.
Nagising ako ng dahil sa alarm ng orasan, It's already 6:00 am na, ito ang oras upang mag-asikaso para pumasok sa University. Pero, bago ako tumayo mula sa kama napansin ko na may tumutulo sa mga mata ko.
"Luha ba ito?" Ani ko, agad-agad ko itong pinunasan. Sa mga sandali rin na 'yon, naalala ko ang mga pangyayari na naging dahilan ng pagluha ko.