BaliwUpdated at Oct 10, 2020, 00:24
Ang mga tao'y madalas magkagusto at magmahal sa taong may maganda/guwapong itsura, maganda ang tindig ng katawan, maayos ang katayuan sa buhay at higit sa lahat, matino ang pag-iisip.
Sino ba naman ang mas gugustuhin ang isang taong may sira sa utak?
Karamihan sa atin ay nagmamahal ng isang taong walang problema sa pagdedesisyon, kayang ikontrol ang mga bagay-bagay at walang kahit na anong sagabal. Kung mayro'n man, hindi ganoon kalala.
Habang si Coner... nahulog ang kaniyang loob sa isang babaeng, sabihin na lang nating isang baliw — isang babaeng hindi matino kung mag-isip, isang babaeng nasilayan niya lamang sa mental hospital.
Nakatatawa hindi ba? Pero, iba na talaga siguro kapag puso ang umiral.