A simple guy who loves books so much he can finish a novel in one sitting. Enjoys movies so he writes reviews. Vlogs about his hometown and friends. Employee in the morning and a DJ at night.
SPG!!!
Billionaire playboy. Iyan ang description ng lahat ng magazine kay Ander Guzman. Mayaman, gwapo, macho, maraming girlfriends, laman ng mga elite social gatherings at talaga namang umaapaw ang sex appeal. Kaya naman para sa simpleng babae tulad ni Carla na pinalaki ng mga relihiyosong mga magulang, suicide na maituturing ang magising nang hubo't-hubad at katabi sa iisang kama ang boss niya na si Ander Guzman.
Gwapo, macho at talaga namang makalaglag panty. Ilan lang iyan sa mga bagay na makakapag-describe kay Hero Yamada, ang pinakasikat at pinaka-in-demand na heartthrob na tinitilian at pinapantasya ng mga kababaihan at kabaklaan. Pero para kay Ginny Sison, wala siyang makitang special quality sa sikat na artistang kinahuhumalingan ng lahat. Hindi siya mababaw para lang maakit sa panlabas nitong katangian. Para sa kanya, mukhang mayabang at playboy si Hero Yamada. Idagdag pa dito na hindi siya nagalingan sa pag-arte nito sa una at huling pelikula ng aktor na pinanood niya. Never, as in NEVER siyang kikiligin kay Hero Yamada at NEVER niya itong papansinin kahit pa makita niya ito sa personal.
Ngunit mapagbiro ang tadhana, naging Personal Assistant siya ni Hero. At parte ng trabaho niya ang araw-araw at oras-oras na makasama ito. And worst of all, siya ang personal na mag-aasikaso sa mga pangangailangan ni Hero! Mapanindigan kaya ni Ginny ang sariling pangako na hindi kiligin sa charisma ni Hero? Pero bakit bumibilis ang pintig ng puso niya pag tinititigan siya ng aktor?
Ipinadala si Peter ng kanyang ina sa probinsya nito dahil sa pagrerebelde. Dito niya nakilala si Kim, ang boyish na babaeng kapitbahay ng tiyahin niya. Ang babaeng feeling close. Ang babaeng naghubad agad sa harap nya kaht hindi pa sila magkakilala. Ang babaeng kahit kung saan-saan siya isinasama ay pinagbibigyan niya dahil nag-eenjoy siya. Ang babaeng kalaunan ay mamahalin niya. Ang babaeng mamahalin din siya.
Pero sapat ba ang pagmamahalsa isa't-isa kung kalaban ninyo ang oras at pagkakataon? At makakaya ba ng pagmamahal na labanan ang isang aksidente na magbabago ng buhay nila?
Kayanin kaya nila ang magmahal hanggang sa huli o hanggang doon na lang sila sa lugar kung saan lumulubog ang araw?
Nang ma-discover nila na tatlong husbands na ni Nikki ang namatay, naintriga ang magkaibigang Althea at Jozel. Kinalkal nila ang nakaraan ni Nikki. Pinag-chismisan nila ito. Dahil dito, mapapatunayan nila na nakamamatay ang chismis.