bc

Heartthrob: Hero Yamada

book_age16+
59
FOLLOW
1K
READ
dare to love and hate
boss
comedy
bxg
lighthearted
female lead
male lead
city
enimies to lovers
actor
like
intro-logo
Blurb

Gwapo, macho at talaga namang makalaglag panty. Ilan lang iyan sa mga bagay na makakapag-describe kay Hero Yamada, ang pinakasikat at pinaka-in-demand na heartthrob na tinitilian at pinapantasya ng mga kababaihan at kabaklaan. Pero para kay Ginny Sison, wala siyang makitang special quality sa sikat na artistang kinahuhumalingan ng lahat. Hindi siya mababaw para lang maakit sa panlabas nitong katangian. Para sa kanya, mukhang mayabang at playboy si Hero Yamada. Idagdag pa dito na hindi siya nagalingan sa pag-arte nito sa una at huling pelikula ng aktor na pinanood niya. Never, as in NEVER siyang kikiligin kay Hero Yamada at NEVER niya itong papansinin kahit pa makita niya ito sa personal.

Ngunit mapagbiro ang tadhana, naging Personal Assistant siya ni Hero. At parte ng trabaho niya ang araw-araw at oras-oras na makasama ito. And worst of all, siya ang personal na mag-aasikaso sa mga pangangailangan ni Hero! Mapanindigan kaya ni Ginny ang sariling pangako na hindi kiligin sa charisma ni Hero? Pero bakit bumibilis ang pintig ng puso niya pag tinititigan siya ng aktor?

chap-preview
Free preview
1
Nakasimangot si Ginny na pinagmasdan ang mukha ng kanyang Nanay Gina at ng kanyang kapatid na si Gillian. Panay ang patak ng luha ng kanyang nanay at ang kapatid naman niya ay obvious na nagpipigil ng pag-iyak. Kahit nagpapahid ng luha ang kanyang nanay, regular din ang patak ng luha nito kaya mapula na ang mata nito gayundin ang ilong dahil sa pagsinghot. Si Gillian naman ay maya't-maya ang buntong-hininga dahil sa pagpipigil nito na mapaiyak. Sinulypan niya ang TV kung saan tutok na tutok ang kanyang nanay at kapatid habang nanunuod ng pelikula. Sa screen ng telebisyon ay nakabalandra ang gwapong mukha ng pinakasikat na artista sa ngayon, si Hero Yamada. Ang eksena, hawak nito ang kamay ng leading lady na nakahiga sa hospital bed. Ang bidang babae ay maysakit at mukhang mamamatay na dahil naghahabol na ito ng hininga. Si Hero naman ay hinahalikan ang kamay ng babae at umiiyak na nagpapaalam dito. Ilang sandali pa ay pumikit na ang mata ng nakahigang babae at lumakas ang pag-iyak ni Hero. Gusto ni Ginny na masuka. Ang pangit umarte ni Hero Yamada. Ang OA. Cringey. Maya-maya pa ay natapos na ang pelikula at lumabas na ang mga credits. Sinulyapan muli ni Ginny ang nanay at kapatid. Mukhang napaiyak na din si Gillian dahil mugto na din ang mata nito. Sabay pang nagpunas ng luha ang dalawa. "Alam nyo, para kayong baliw. Iniiyakan nyo iyong eksena na iyon eh ang pangit umarte ni Hero. Para natatae." Malakas na wika niya habang nagtitimpla ng kape. Tiningnan niya ang bilog na wall clock, 6:30 pa lang ng umaga, may apat na oras pa siya para makapunta sa job interview. Tumayo sa sofa si Aling Gina at lumapit sa kanya. "Ang galing kayang umarte ni Hero! Kita mo nga, napaiyak ulit kami ni Gillian kahit tatlong beses na namin napanood yung Another Chance." "Oo nga, Ate. At saka bihira na yung tulad ni Hero na bukod sa gwapo na, ang galing pang umarte." Segunda ni Gillian. Umupo ito sa bangko sa harap niya at saka naglagay ng hotdog sa plato. "Sana pag nagka-boyfriend ako, kasing-gwapo ni Hero. O ang mas maganda, si Hero mismo yung maging boyfriend ko! Haaayyyy" Napaismid si Ginny. "Yung ganoong lalaki ang gusto mong maging boyfriend? Eh mukhang playboy yun eh!" "Hindi kaya!" Kontra sa kanya ng kapatid. "Ikaw talaga, Ate. Porke't niloko ka lang ni Nico, akala mo lahat ng gwapo eh manloloko. Eh hindi naman ganoon kagwapo yung ex mo eh!" Napasimangot siya sa sinabi ni Gillian dahil binanggit na naman nito ang hinayupak niyang ex. "Hoy, Gillian! Tigilan mo nga yang pagbanggit sa pangalan ng walanghiyang lalaki na iyon. Ang aga-aga ha!" "Tumahimik na nga kayong magkapatid. Pag-uuntugin ko kayo." Singhal sa kanila ni Aling Gina. "Bilisan nyo dyan. Ikaw, Gillian, bilisan mo. Lagi ka na lang late sa klase mo. At ikaw, Ginny. Saan na namannang lipad mo?" Humigop siya ng kape at saka kumagat sa hotdog. "May job interview ako ngayon, Ma. Sa channel JRN 11." Bumagsak ang kutsara ni Gillian at napatigil ito sa pagkain. "Sa JRN?! Pag natanggap ka doon, palagi mong makikita si Hero!" "Gaga! Job interview pa lang. At saka kahit makita ko si Hero, hindi ako makikitili at makikipagsiksikan para ma-meet siya. Yuck!" "Napaka-OA mo naman!" Nakanguso na wika ni Gillian. Muli nitong itinuloy ang pagkain. "Ganda ka? At saka sabagay, as if naman papansinin ka ni Hero. Tingnan mo naman yang gupit mo, apple cut ba yan? Parang pineapple cut." Conscious siyang napahawak sa buhok habang nagtatawa ang kapatid. Inirapan niya ito. ************** "Bayad po! Makikisuyo!" Abot ni Ginny sa bayad sa jeep. Kinuha iyon ng isang estudyante at iniabot sa driver. "Salamat." Muli siyang lumingon sa labas ng sasakyan at napasimagot. Kabi-kabila ang billboard at tarpaulin na nakapaskil ang mukha ni Hero Yamada. Umikot ang mata niya. Si Hero Yamada ang pinakasikat na heartthrob ngayon. Simula ng lumabas ito sa isang teleserye ng JRN 11 four years ago, dire-diretso ang naging project nito dahil sa dami ng mga babae at bading na fans nito. Nabasa pa niya sa isang magazine na ang last five films na pinagbidahan ni Hero ay kumita ng mahigit 100 million pesos kaya itinuturing itong bankable star. Hindi naman maitatanggi ni Ginny na gwapo talaga si Hero Yamada. Matangkad, tisoy, singkit at macho. Sino bang babae at bakla ang hindi magkakainteres kay Hero Yamada maliban sa kanya? Dahil sa kasikatan ni Hero, hindi mabilang na endorsements na ang ginawa nito. Naiirita na nga siya dahil ilang TV commercials ng aktor ang lumalabas tuwing manonood siya ng paborito niyang program ni Jessica Soho. Idagdag pa ang mga naglalakihang billboard na nakalagay ang mukha ni Hero na kita ang perfect teeth at ang singkit na mata nito. Pero para kay Ginny, walang appeal sa kanya si Hero Yamada. Napanood niya ang pelikula nito na First Crush at talaga namang disappointed siya. Pakiramdam niya ay walang ka-effort-effort ang pag-arte ng lalaki. Hindi man lang siya kinilig o nadala ng akting nito. Iyon na ang una at huling beses niyang nanood ng pelikula nito. Ever since, ipinangako niya sa sarili na hindi siya kikiligin kay Hero Yamada dahil wala itong galing sa pag-arte. At para sa tulad ni Ginny na isang movie buff, mataas ang standard niya pagdating sa aktingan. "JRN!" Malakas na sigaw ng driver ng jeep kaya natauhan siya sa pagmumuni-muni. Mabilis siyang bumaba ng sasakayan. Napahinga siya ng malalim ng makita ang mga building ng JRN 11 na nasa isang malaking compound. Bukod sa offices, nandito din sa compound ang mga studio kung saan tine-tape ang mga variety at news shows kaya naman 24 hours na maraming tao sa compound sa dami ng mga studio audience at mga fans na tumatambay para makakita ng mga artista. Ang JRN 11 ang isa sa pinakamalaki at pinakasikat ng TV Network na may exclusive contract kay Hero Yamada at iba pang mga sikat na celebrities. Ang mga tv shows ng JRN 11 din ang palaging nangunguna sa ratings dahil sa ganda at kalidad ng mga shows na inilalabas nila. Box office din palagi ang mga pelikula ng network at karamihan sa mga iyon ay bida si Hero Yamada. Ibinigay niya ang kanyang ID sa guard sa entrance kapalit ng gate pass tapos ay naglakad papasok sa compound ng network. Tiningnan niya ang suot na grey blazer at black pants and heels. Tamang-tama para sa job interview. Habang naglalakad papasok, inilibot niya ang tingin sa paligid. sa dulong kanan ay may mga taong nakapila, ang iba ay pare-pareho ang suot na damit na halatang manonood ng isang sikat na noontime show. Sa isang bahagi naman ay may grupo ng mga kabataang babae na may bitbit na mga tarpaulin. Marahil ay naghihintay ng artista. Ang iba naman ay naka-uniform at may buhat na mga props na gagamitin marahil sa isang show. "Hi! I'm here for the job interview." Nakangiting wika ni Ginny sa receptionist ng makapasok sa lobby ng main building. "Your name please." "Ginny Sison." Nagtype sa keyboard ang receptionist at binasa ang lumabas sa computer monitor. "Ms. Ginny Sison, you are scheduled for an interview, 9th floor, Room 911. Please proceed to the elevator and tap the passkey on the elevator screen. No need to push a button." "Thank you." Kaagad siyang naglakad sa pasilyo at pumunta sa hilera ng mga elevator. Pinindot niya ang button sa labas at nakita na nasa 15th floor pa ang elevator. Pinasadahan niya ng tingin ang sarili sa salamin at inayos ang apple cut na buhok. Muli niyang sinulyapan ang paligid ng lobby at nakitang walang ibang gagamit ng elevator maliban sa kanya. Ding! Tumunog ang elevator at saka bumukas. Kaagad siyang pumasok doon and tapped the passkey sa maliit na screen sa loob. Lumabas ang number 9. "Hold the door, please!" Narinig ni Ginny na wika ng lalaking may malalim na boses. Mabilis niyang hinawakan ang pinto upang hindi agad ito magsara at makapasok ang kung sinumang lalaking iyon. Pumasok ang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na sunglasses, brown leather jacket, kupas na maong pants at brown leather shoes. Nakasuot din ito ng baseball cap. Naamoy din ni Ginny ang pabango ng lalaki. Amoy mamahalin. "Thanks!" Nakangiting wika nito sa kanya kaya kita niya ang magandang ngipin nito na halatang alaga ng mamahaling dentista. Gumanti siya ng ngiti dito at bahagyang umatras para makapag-tap ng passkey ang lalaki. Sumarado ang pinto ng elevator na sila lang dalawa ang nasa loob. Tahimik niyang minamasdan ang pagbabago ng number sa screen ng muling magsalita ang lalaki. "I guess, pwede tayong magpicture dahil pinigilan mo na magsarado ang elevator?" Wika nito. Napatingin si Ginny sa lalaki at halos bumagsak ang panga niya sa sahig ng elevator kung hindi niya napigilan ang sarili. Hindi niya napansin na inalis na ng lalaki ang suot nitong sunglasses at baseball cap kaya kitang kita niya ang wavy na buhok nito pati na din ang singkit nitong mata. Malaki ang ngiti nito kaya labas pa din ang pearly whites nito at ang mapulang labi nito dahil sa pagkatisoy. Nakatingin lang siya sa lalaki kaya muli itong nagsalita. "Ang sabi ko, pwede ka na sigurong magpa-picture sakin kasi pinigilan mong magsarado itong elevator." "At bakit ako magpapa-picture sayo? Sino ka ba?" Hindi man sinasadya ay mataray ang dating ng pagkakasabi niya kaya naman halatang nagulat ang lalaki. Mukhang taken aback ito sa tanong niya kaya umayos ito ng tindig, hinawi ang buhok, nilakihan pa lalo abg pagkakangiti kaya halos mawala na ang mata nito at saka inilahad ang palad sa kanya. "Ako nga pala si Hero Yamada."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.4K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

NINONG III

read
417.1K
bc

Womanizer LAWYER ( Tagalog )

read
378.3K
bc

SADISTIC PLEASURE ( Tagalog )

read
205.4K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

Stan's Obsession (Last Story of Womanizer)

read
102.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook