Cheers to RevengeUpdated at Apr 12, 2025, 03:00
Akala ni Annika Hollands ay mayroon siyang perpektong buhay. Sa edad na 19, pinakasalan ni Annika ang kanyang high school sweetheart, at napagkasunduan nilang maghintay munang magkaanak hanggang matapos sila ng pag-aaral at magkaroon ng kani-kanilang karera. Naging doktor si Annika at nagkaroon ng sariling klinika sa Family Health, habang ang kanyang asawa na si Jeffrey ay naging isang makapangyarihang defense attorney.
Pitong taon silang masaya at pareho pa ring bata. Sa isip ni Annika, ayos ang lahat sa pagitan nila, at mas lalo siyang nagtitiwala sa kanilang pagsasama ni Jeff, kahit na hindi sila madalas magkita gaya ng kanilang nais. Sobrang abala sila pareho sa kanilang mga karera, at bihira silang magkasama sa bahay, lalo na sa isang kama. Pero nararamdaman ni Annika na may magiging magandang pagbabago sa buhay nila kapag nakabuo na sila ng isang masayang pamilya.
Ngunit sa kasamaang palad, isang masamang balita ang nasagap ni Annika mula sa matalik niyang kaibigan at kapwa doktor, may ibang babae si Jeff. Nasaktan si Annika sa natuklasan niyang pagtataksil ni Jeff at nangakong gaganti sa kanya at sa kabit nito dahil sa ginawang panloloko sa kanya. Sa kaniyang paghihiganti, nakilala ni Annika ang isang makapangyarihang negosyante na alam din ang pakiramdam ng pagtaksilan ng taong nangakong magmamahal ng habangbuhay.
Ang twist? Ang lalaking iyon ay ang dating asawa ng kabit ni Jeff. Kaya naman nagkasundo silang magtulungan ni Annika. Sa pagtupad nila sa kanilang planong paghihiganti, unti-unti namang nahuhulog ang loob ng lalaki kay Annika. Makakamit kaya ng mga nanakit sa kanya ang nararapat sa kanila? Basahin upang malaman kung paano magtatapos ang kwento ng paghihiganti ni Annika.