Story By Mikael Lustre
author-avatar

Mikael Lustre

ABOUTquote
Loner at tahimik, iyan ang unang mapapansin sa kanya kapag isinama sa kumpol ng mga tao. Lumaki na halos karugtong na ng dagat ang sarili. Madalas, makikitang nakaupo sa dalamapasigan at pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Iyon ang kahulugan ng payapa para sa kanya. Minsan, nangarap siyang balang araw magpapatayo siya ng bahay na yari sa salamin at nakalubog sa dagat. Iyon ay dahil, palagiang manghang-mangha siya sa daigdig na mayroon sa ilalim ng tubig at sa mga kakaibang nilalang na naroroon. Sa mga manunulat na gaya niya, magsulat kayo hindi para magpa-impress o mag-express lamang. Magsulat kayo dahil mayroon kayong sasabihin at ibig ibahagi. Sa mundo ng pagsusulat, katumbas ninyo ang isang diyos. Magagawa ninyo ang lahat nang inyong nais.
bc
KALISKIS (Munting Handog - Book 1)
Updated at Sep 7, 2020, 00:21
Simula na ng bakasyon. Ito ang panahon na pinakahihintay ni Roselda. Magagawi na naman siya sa dalampasigan upang mamulot ng kabibe at batotoy. Subalit nang bakasyong iyon, higit pa sa kabibe at batotoy ang kanyang natagpuan. Nakipagkaibigan siya sa isang engkantong lalang ng tubig at nananahan sa ilalim ng karagatan. Napalis siya sa mundo ng mga engkantong-tubig. At sa kanyang huling pag-ahon, siya ay nabago habam-buhay. Anong hiwaga ang kanyang natagpuan? Inyong tunghayan ang kanyang istorya. Sumama ka't ating sisirin ang k'wento sa likod ng mga... KALISKIS.
like