bc

KALISKIS (Munting Handog - Book 1)

book_age12+
283
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Simula na ng bakasyon. Ito ang panahon na pinakahihintay ni Roselda. Magagawi na naman siya sa dalampasigan upang mamulot ng kabibe at batotoy.

Subalit nang bakasyong iyon, higit pa sa kabibe at batotoy ang kanyang natagpuan. Nakipagkaibigan siya sa isang engkantong lalang ng tubig at nananahan sa ilalim ng karagatan.

Napalis siya sa mundo ng mga engkantong-tubig. At sa kanyang huling pag-ahon, siya ay nabago habam-buhay.

Anong hiwaga ang kanyang natagpuan?

Inyong tunghayan ang kanyang istorya. Sumama ka't ating sisirin ang k'wento sa likod ng mga... KALISKIS.

chap-preview
Free preview
Prologo
Sa dalampasigan, isang babae ang nakaupo sa buhanginan. Siya'y nagmamasid sa malayo, kung saan ang papalubog na araw ay humahalik sa kanluran. At ang langit ay nakukulayan ng lila, kahel at rosas. Nababahiran ng kalungkutan ang maamo niyang mukha. Ang kanyang mga mata na ubod ng rikit ay naaninagan ng masidhing pagkalumbay. Sampong taon na rin ang nakalipas magmula nang sila ay magkakilala, at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin mabura sa kanyang balintataw ang pait ng kahapon. Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha na kanina pa namumuo sa gilid ng kanyang mga mata. Dumaloy ito sa kanyang namumulang pisngi sa kabila ng morena niyang balat at tuluyang bumagsak sa mapuputing buhangin. Wala sa sariling napahawak siya sa kwentas na nakasabit sa kanyang leeg. Sampong taon na nakaraan at ang lahat ay sariwa pa rin sa kanyang alaala. At kagaya ngayon, kung saan marahang humahampas ang alon sa dalampasigan at ang araw ay papalubog sa kanluran, nakilala niya ang isang... engkantong dagat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
248.8K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.9K
bc

NINONG III

read
417.3K
bc

My Son's Father

read
590.1K
bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
265.7K
bc

Married with the Engineer

read
344.9K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook