Story By Angelica Lalaine Sam
author-avatar

Angelica Lalaine Sam

bc
The Devil's Daughter
Updated at Nov 14, 2019, 21:36
Ilang daang taon nang namumuhay si Satana sa puder ng kanyang amang si Hades. Ilang daang taon na rin niyang pinagtitiisan makita ang mga kaluluwang walang ibang ginawa kung hindi ang maglakad ng maglakad ng pabalik-balik sa kaharian nila. Sa sobrang pagkabagot ay napagdesisyunan niyang tumakas at magpunta sa mundong ibabaw, ang lugar na matagal na niyang nais mapuntahan. Ngunit dahil sa pagtakas niya ay nakatakas rin ang ilan sa mga kaluluwang namamalagi sa kaharian nila. Bilang parusa kay Satana, ipinahanap sa kanya ni Hades ang lahat ng kaluluwang nakatakas at kailangan niya itong ibalik sa kanilang kaharian sa loob lamang ng isang daang araw.
like