Yuki Hannah and her DiaryUpdated at Aug 17, 2026, 08:26
!! 𝐑𝐞𝐦𝐢𝐧𝐝𝐞𝐫 for readers 🍷 Content Warning: Mature Themes (16+)
Hi, ako si Lheanne Roxas, isang dalagang nangangarap maging Writer. At tutuparin ko yun sa abot ng makakaya ko, 10 taong gulang palang ako nung nagsimula ako magsulat, short stories palang yung mga sinusulat ko sa notebook noon, habang tumatakbo ang oras, na-isipan ko'ng gumawa ng mga mahahabang stories, yung may mga kabanata, may mga chapters, at heto na'nga yun, ang pang 29 na story na nagawa ko, at sana magustuhan ninyo.
Please be advised that this story contains potentially disturbing content, including graphic depictions of violence, murder, human trafficking, torture, and other illegal acts, once again, this is Lheanne Roxas, goodluck.
Tittle: 𝐘𝐮𝐤𝐢 Hannah and her Diary.
Description:
Paborito ko ang tag-ulan,Pero ayoko'ng ma-basa sa katotohanan.
May isang Murder case na naganap nung 2011, unfortunately, it was claim as a suicide dahil wala naman silang nahanap na ibedensya para magpatunay na isa talaga itong Murder Case, it was the case of Mr. Xander Queron.
Habang patagal na ng patagal ang kaso, Unti-unting natutunaw ang mga ebedensya,
Natatakpan ng putik ang mga kasinungalingan.
Isinara ang kaso dahil sa tagal na nitong pina-inimbistigahan, pero lumipas ang ilang taon—wala paring nakuhang impormasyon at kahit ni-isang ibedensya, ay wala.
At may sumunod ulit,Sa ika-22 palapag ng Tower C, Cubao, may isang silid na kahit ilawan mo pa ang buong paligid, hindi mo pa rin makikita ang sulok.
Kahit ang mismong buwan na nagbibigay liwanag para makita ang katotohanan ay naiilang.
At ito ang pangalawang Murder case na naganap nung 2012, sa mismong rooftop, it was the case of Ms. Hannah Mendez.
Doon din natagpuan ang isang pink na Diary.
Hindi mo na dapat kailangan ito'ng buksan para lang malaman ang katutuhanan.
Ang nakasulat sa loob?
Hindi kwento.
Kundi paanyaya.
Pero tuwing 12:00 ng gabi, maririnig mo ang isang music box na tumotunog galing sa rooftop, may kasabay na tawa ng isang mahinhin na boses ng dalaga.
Sumasayaw ito sa rooftop mag-isa, sa pinaka gilid, kung saan makikita siya ng buong mundo.
Naka-tiptoe lang habang walang kahit anong saplot na suot sa paa habang paulit-ulit na sinasabi:
“𝐒𝐮𝐦𝐚𝐬𝐚𝐲𝐚𝐰 𝐚𝐤𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐤𝐨. 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚’𝐲𝐨…”
• • • •
Isang dalaga na parang anghel sa lupa, siya si Hannah Mendez, 18 taong gulang, isang sikat na Ballerina, pangarap ng lahat.
At siya ang pinaka-unang dalaga na tumalon mula sa rooftop na ‘yon… pero hindi ang huli.
Kagaya nung sa first murder case, pinalabas lang na suicidal ang nangyari sa biktima, pero yun ba talaga ang totoo?
Sabi nga nila, walang sekreto na hindi naibu-bunyag.
May mga silid na walang bintana.
At may mga silid na walang ilaw.
Pero ang pinaka-delikado?
Ang silid na walang anino.
Doon walang maitatagong kasinungalingan.
Doon walang makakatakas sa tunog ng sariling paghinga.
𝐀𝐭 𝐬𝐢 𝐇𝐚𝐧𝐧𝐚𝐡…𝐧𝐚𝐫𝐢𝐫𝐢𝐧𝐢𝐠 𝐧𝐲𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 ng yun.
At doon, sa loob ng apat na pader na walang kahit isang lihim, may isang babae na nakarinig ng huling salita ng sarili nyang kapatid bago ito mawala.
“𝐀𝐭𝐞… 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐤𝐢𝐭𝐚.”
At ang boses na iyun, ay nanggaling kay Xander Queron, kapatid mismo ng isang Detective na nag nga-ngalang Yuki Queron, 15-taon na niyang hinahabol ang kaso ng kapatid nya, and she is seeking for justice.
At,
𝐃𝐮𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐫𝐚𝐧.
15 taon na rin siyang tumatakbo palayo sa sagot.Sabi nila, suicide.
Sabi ng ebidensya, suicide.
Pero may isang tao na labag sa kalooban na isara kaagad ang kaso dahil narinig nya mismo, ang boses ng biktima sa isang recording…hindi yun tunog ng taong gustong mamatay.
Tunog iyon ng taong binigyan ng “𝐩𝐚𝐠𝐩𝐢𝐩𝐢𝐥𝐢𝐚𝐧.”
Kung bibigyan ng pagpipilian si Yuki Queron sa dalawang kaso ng tao'ng mahal nya,
Sino ang uunahin nya?
Sino ang pinakamahalaga sakanya?Sa lungsod na ito, ang “pagpipilian” ay isang negosyo.
Isang negosyo na may malaking presyo.Isang negosyo na may pangalan sa likod ng lahat.
Isang negosyo na tinatawag ng mga pulis na 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐐𝐮𝐢𝐞𝐭.
Habang lumalalim ang imbestigasyon, unti-unting bumubukas ang mga pintuan ng katutuhanan: Isang psychiatrist na nagbebenta ng kamatayan.
Isang Mayor na nagtatago ng dalawang anak.
Isang Governor na handang sunugin ang lungsod para sa katahimikan.At isang Deputy chief na mas malapit kay Yuki kaysa sa akala niya.
Lahat sila may motibo.
Lahat sila may lihim.
Lahat sila may dugo sa kamay.
Pero ang tanong na hindi matantanan ni Yuki ay ito:
𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐬𝐢𝐥𝐚 𝐚𝐲 𝐬𝐢𝐧𝐮𝐧𝐠𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠, 𝐬𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐠 𝐭𝐨𝐭𝐨𝐨?
At mas delikado pa— 𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐬𝐢𝐥𝐚 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐧𝐚𝐧, 𝐛𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐰𝐚𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐥𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧?
Ang pangalan mo...Hindi mo pa alam, pero mula sa unang pahina, ikaw na rin ay nasa silid na iyon.
Handa ka’na ba?