My isang tao ang nagsabi sa akin... Hangga't may isang nagbabasa ng mga novela mo, huwag na huwag kang hihinto! Patuloy ka pa ring magsulat. Patuloy ka pa rin mangarap! Balang-araw ang nag-iisang reader mo ay hihigit pa sa isang milliong magtitiwala at susuporta sa'yo!♥️
Noong high school pa lamang si Lou, pangarap na niyang maging isang singer at songwriter. Kaya naman laking-tuwa niya nang may isang taong nag-alok na turuan siyang gumawa ng mga kanta at abutin ang kanyang pangarap.
Si Taru.
Ang kanyang secret crush na kalaunan ay naging first boyfriend niya.
Ngunit hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong lumalim ang kanilang pagmamahalan. Bigla na lamang naglaho si Taru na parang bula matapos nitong makausap ang Mama ni Lou. Walang paliwanag. Walang paalam. Basta na lamang itong nawala sa buhay niya.
Tatlong taon ang lumipas.
Isang araw, hindi makapaniwala si Lou nang marinig niya ang sarili niyang komposisyon na kinakanta ng sikat na singer na si Aya. Paano napunta kay Aya ang kantang siya mismo ang sumulat? At bakit hindi man lang siya nabigyan ng pagkilala bilang tunay na songwriter?
Determinado siyang makuha ang hustisya para sa sarili, kaya nagtungo siya sa Lyrica Company upang magsampa ng reklamo at kasong plagiarism laban sa management na humahawak kay Aya.
Ngunit hindi niya inaasahang sa mismong araw na iyon ay muli niyang makikita ang taong minsang nagpatibok sa kanyang puso.
Si Taru.
Ang lalaking nag-iwan sa kanya ng napakaraming tanong at sugat na hindi pa rin naghihilom.
Masakit ang muli nilang pagkikita. At sa halip na makahanap ng kasagutan, mas lalo lamang nadagdagan ang bigat na nararamdaman ni Lou. Kaya naman nagpasya siyang kalimutan muna ang lahat at magpakalasing kasama ang kanyang mga kaibigan.
Ngunit isang aksidente ang tuluyang magbabago sa kanyang buhay.
Pagmulat niya ng mga mata, natuklasan niyang wala na siya sa sarili niyang katawan.
Nasa katawan na siya ng babaeng matagal niyang iniidolo.
Nasa katawan na siya ni Aya!
Bakit siya napunta sa katawan ng singer na pinagsasakdal niya dahil sa pag-angkin sa kanyang kanta? Ano ang tunay na koneksiyon nilang dalawa? At higit sa lahat, may kaugnayan ba si Taru sa lahat ng nangyari?
Sa pagkakataong ito, hindi lamang ang katotohanan sa likod ng kanyang ninakaw na kanta ang kailangan niyang tuklasin. Kailangan din niyang alamin kung bakit sa katawan mismo ni Aya siya nagising.
EVER SINCE HIGHSCHOOL, Lou had dreamed of becoming a singer and songwriter. So, she was overjoyed when someone offered to teach her how to write songs and pursue her dream.That someone was Taru.Her secret crush, who eventually became her first boyfriend.However, their love story never had the chance to blossom. Taru suddenly disappeared without a trace after speaking with Lou's mother. No explanation. No goodbye. He simply vanished from her life.Three years passed.One day, Lou could hardly believe her ears when she heard one of her own compositions being performed by Aya, a famous singer. How did the song she had written end up in Aya's hands? And why hadn't she been given any credit as its rightful songwriter?Determined to seek justice, Lou decided to visit Lyrica Company and file a complaint against the management handling Aya, accusing them of plagiarism.But she never expected to come face-to-face with someone from her past on that very day.Taru.The man who had once made her heart flutter, only to leave her with countless unanswered questions and wounds that had never fully healed.Their unexpected reunion was painful. Instead of finding the answers she had been longing for, Lou only found herself drowning in even more heartache. Unable to bear it all, she decided to forget her problems for a while and get drunk with her friends.But one accident would change her life forever.When she opened her eyes, she discovered that she was no longer in her own body.She was now living in the body of the woman she had admired for so long.She was now Aya!Why had she ended up in the body of the very singer she had accused of stealing her song? What was the real connection between her and Aya? And most importantly, did Taru have something to do with everything that had happened?This time, Lou would have to uncover more than just the truth behind her stolen song. She would also have to discover why she had awakened in Aya's body.
SA BAWAT SECRET AGENT ng Alice's Secret Wonderland ay may kanya-kanyang ranggo na nagsisilbing pagkakakilanlan nito sa kakayahan bilang isang magaling na agent. Ang mga agent na katulad ni Lyra na hindi umabot ang ranggo sa one hundred list ay maituturing na Low Rank Agent na nabibilang sa numbers ng baraha ni Alice. At ang pinakamataas na baraha ay ang siyang namumuno sa kanila ay tinawag ng lahat sa Codename na ALICE. Ito ang may kontrol sa lahat maski sa mga kilala at maimpluwensyang tao ng bansa. Sa kanilang secret organization, ang mga secret agent naman na may ranggo mula sa ika-labing tatlo hanggang sa ranggong uno ay mga mysteryosong tao. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na identity ng mga ito. Maski ang kinakatakutan na si Agent Alice ay walang pagkakakilanlan, kung ito ba ay isang babae o isang lalaki.Kaya naman ganoon na lang ang naging reaction ni Lyra nang magpakilala si Agustin sa kanila. Hindi ito basta-basta agent lang na katulad niya. Pero imbes na matuwa siya sa kanyang nalaman ay napuno ng pangamba ang kalooban niya. Matapos rin kasing pumirma ng kontrata ang pitong kapatid niya bilang mga secret agent ng Alice's Secret Wonderland ay halos araw-araw na siyang nakakabalita ng pagpatay ng mga opisyales. Mahal na mahal ni Lyra ang kanyang pitong kapatid. Kaya inilalaan niya ang kanyang buhay para maalagaan at maprotektahan ang mga ito kahit alam niyang nasa taning na buhay nilang walo matapos nilang pumirma ng kontrata. Habang lumalaki ang mga ito ay unti-unti nang umaangat sa ranggo ang kanyang mga kapatid. Pero kasabay rin nito ang unti-unti nilang pagtuklas sa tunay sa pagkawala ng kanilang magulang at ang tunay na nasa likod ng Secret Organization na kinabibilangan nila.
DAHIL SA KUMALAT na video scandal, bigla na lang nawala na parang bula si Aimee Acidera. 'Ni Isa sa mga kaibigan nito ay walang nakakapagsabi o nakakaalam kung saan na nga ba ang dalaga, at kung ano na ang nangyari sa pinagbubuntis nito.
Pero limang taon ang lilipas, isa-isang makakatanggap ng mystery box ang may kinalaman sa pagkawala ni Aimee. Kalakip sa kahon na iyon ang isang katanungan...
"Are you willing to take a Risk for the Stranger's Challenge?"
Sampung tauhan na may sampung iba't ibang laro ang ihihanda para sa kanila. Ikaw handa ka bang tanggapin ang hamon ng isang estranghero?