Story By WannaReadMyStory
author-avatar

WannaReadMyStory

ABOUTquote
WannaReadyMyStory started writing in March 2019 with her first book entitled Giovanni\'s Anni under a series called Erasthai. She went hiatus for 1.5 yrs and started writing again in May 2021. She has now completed 8 books, and currently working on new stories. Writing has always been her escape, and her way to protect her fragile self. AUTHOR\'S MESSAGE: Hi, kung bago ka sa aking timeline, gusto kong malaman mo na ang aking istorya ay pawang gawa ng aking malikot na isip. Ang iba sa mga ito ay mature at adult content. Kung nais mo pa din itong basahin, narito ang pagkakasunod-sunod: Erasthai Series Book 1: Giovanni\'s Anni (COMPLETED- Need coins) Book 2: No Ide, No Entri (COMPLETED- Free via watch ads) Book 3: Love, Remi (COMPLETED- Free via watch ads) Book 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED- Need Coins) Book 5: To be announced Buenavista Brothers Book 1: Trail Buenavista (Completed- Need coins) Book 2: Chase Buenavista (Completed- Free via watch ads) Book 3: Cruel Buenavista (Completed- Need coins) Stand Alones: BRITTLE HEARTS (Need coins, ongoing) LIPS OF DOUBT (ON-HOLD, Updates TBA) MUNDUM DE SOMNIORUM (Genre: Erotic-Fantasy, Free, ongoing, 20+ chapters are posted) GRANDIOSONG PALARO (Genre: Mystery/Thriller, Free, ongoing, 20+ chapters are posted) THAT ONE TIME I MET BRAYDEN JACKSON (Genre: Erotic-Romance, ongoing, need coins,120+ chapters are posted) FB: Wrms Dreame (I-add niyo po ako! Usap tayooo)
bc
GRANDIOSONG PALARO
Updated at Oct 30, 2023, 16:23
Gaano kahalaga ang apatnapu’t apat na milyong piso? Para sa mahihirap na mamamayan sa labas ng Siyudad ng Siklo, iyon ang diyos. Ang tanging bagay na makapagsasalba sa kanila mula sa patuloy na pagkain ng malapit na ring maubos sa imbak ng daga, at ang makapagbibigay sa kanila ng kaligtasan mula sa napipintong kanibalismo. At ang diyos na iyon ay isang beses lamang sa isang taon kung dumalaw sa kanilang sektor. Iyon ang gantimpala na makukuha ng tatanghaling kampeon ng Grandiosong Palaro: ang taunang palaro ng Siyudad. Kaya naman sa paparating na araw na iyon, ay buo na ang desisyon ni Faizal na sumali roon upang mailigtas ang kaniyang pamilya. Iyon lamang ang nag-iisang araw na maaaring makapasok sa mataas na pader ng Siyudad ang mga katulad nilang nasa mahihirap na Sektor. Ang desperasyon na mabago ang kanilang buhay ang nagtulak sa kaniya na sumali sa daan-daang mga aplikante ng palaro. Ngunit sa pagpasok niya sa Siklo, ibang laro ang matutuklasan niya: ang laro ng buhay at kamatayan, ang laro ng luha at hinagpis, at ang laro ng takot. Nalaman niyang hindi ang apatnapu’t apat na milyong piso ang diyos, kundi ang mga nagpapatakbo sa larong iyon. Ngayon, sa sunud-sunod na kamatayan ng kaniyang mga kasamahan, sisiguraduhin niyang siya ang tatanghaling kampeon, at ang premyo ay ang mga lihim ng Siklo. Anong kapalaran ang naghihintay kay Faizal?
like
bc
LOGAN'S SECRET OBSESSION (THE SDS SERIES 1)
Updated at Oct 17, 2023, 20:13
WARNING: SPG/R18+This story is in Taglish Language and contains mature scenes. This is a free story. Enjoy!***Logan Johnston learned life the hard way. He was born out of unwanted pregnancy and his mother despised him so much. Kaka-graduate pa lamang niya noon ng highschool ng iwan silang dalawa ng kapatid niya ng kanilang ina. Kinailangan niyang pumasok sa kung anu-anong trabaho upang matustusan pagkain, tirahan, pati na rin ang pag-aaral ni Laine, ang half-sister niya. Tumigil siya sa pag-aaral, at sa edad na disi-nuwebe, siya na ang tumayong magulang ng kaniyang kapatid.Ngunit talaga yatang mailap sa kanila ang suwerte. Nabuntis kasi nang maaga ang kaniyang kapatid at hindi pinanagutan ng nakabuntis dito. At makalipas ang ilang buwan, kinailangan nila ng malaking pera upang makapanganak ito.Doon niya nakilala si Shan Elton Xanders, isang lalaki na naghahanap ng kapwa nito lalaki upang maitayo ang isang sikretong agency: ang SDS. At ang agency na iyon, s*x ang hatid na serbisyo. Logan willingly joined Shan in order to save his sister's life. Makalipas ang ilang taon, napakarami nang nagbago sa kanilang buhay. Napagtapos niya ang kaniyang kapatid, nakapagtayo ng negosyo na lumago at nakilala sa buong mundo, at nakapagpundar ng ari-arian. Because of the secret 'Services,' he became a billionaire, and now, after twelve long years, gusto na niyang iwan ang SDS.But there is a one rule. To leave the SDS, he must find a wife who will genuinely love him despite the fact that he is a male hooker.That's when he met Rebecca Watkins. A mystery woman who came from a prominent family but is willing to pay him a million for his service. He promised himself that Rebecca will be his last client before leaving SDS. Ngunit tila kakaibang misteryo ang bumabalot kay Rebecca at hindi niya maiwasan ang unti-unting pagkahulog ng kaniyang loob sa dalaga...
like
bc
THAT ONE TIME I MET BRAYDEN JACKSON
Updated at Nov 28, 2022, 22:25
NOTE: SA MGA MAY GUSTONG SPG AGAD, HINDI PO NINYO IYON MABABASA KAAGAD SA ISTORYANG ITO. SA CHAPTER 45+ PA PO IYON MAGSISIMULA DAHIL MAHABA ANG DEVELOPMENT NG LOVE STORY NG ATING MGA BIDA. THANK YOU! Brayden Jackson. Iyon na yata ang pinakasikat na pangalan sa Pritil. Kilala ng lahat at talagang pinagkakaguluhan ng mga babae at mga binabae sa kanilang lugar. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa pamangkin na iyon na Aling Marina? Guwapo na, may pinag-aralan at tila hulog ng langit sa kabaitan. Maging si Aymee ay may lihim din na pagtingin sa binata. Ngunit dahil mas mahalaga sa kaniya ang pag-aaral, minabuti niyang huwag na lamang makigulo sa mga babaeng may pagtingin din dito. Nakuntento na lamang siya sa pagsilay sa binata sa paminsan-minsang pagbili nito sa tindahan na kaniyang binabantayan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, isang hindi kilalang numero ang tumawag sa kaniya. At ang mas nakagugulat pa ay boses iyon ni Brayden, pinapupunta siya sa lumang lighthouse ng Pritil. Sa kaniyang pagkabigla, hayun si Brayden. Dala ang kaniyang paboritong bulaklak, walang pag-aatubili siyang binigyan ng isang mabilis na halik sa labi, at nagtapat sa kaniya ng pag-ibig. Ngunit kinabukasan ay tila bigla itong naging ibang tao, at bigla na lamang nawala… Nalaman na lamang niya kay Aling Marina na uuwi na ito sa Amerika, upang ipagpatuloy roon ang kolehiyo nito. Naiwan siya ng biglaan, at doon niya napagtanto na ang halik na ibinigay nito ay halik ng pamamaalam. At lumipas ang mga araw, mga buwan, taon… wala na ang mga babaeng halos araw-araw na nag-iiwan ng regalo rito. Hindi na maingay ang pangalang Brayden Jackson. Ngayong ilang taon na ang lumipas, nagising na lamang si Aymee sa maingay na kumosiyon sa labas ng tindahan. At nang buksan niya ang bintana ng kaniyang kuwarto, ang mukha ni Brayden sa kabilang teresa ang agad niyang nakita! Hindi lamang iyon, wala na ang mala-anghel nitong ugali. He is now a rude, annoying womanizer. Hindi na ito ang Brayden noon. The past years have changed him. Matuloy pa kaya ang naudlot nilang pag-iibigan, kung tila hindi na naaalala ng binata ang ginawa nitong panggugulo sa kaniyang puso at isip bago ito umalis noon?
like
bc
BRITTLE HEARTS
Updated at Nov 18, 2022, 00:21
WARNING: SPG, R18+ Enrico Oliver Villegas came from a reputable family. But even with his family’s good name, he chose to create his own path and pursue the course he likes the most: education. Having the opportunity to teach children the basics is one of his long time dreams. Talagang mahilig siya sa bata. Kaya naman nang maipanganak ng nag-iisang babaeng minahal niya ang panganay niyang anak ay abot langit ang kasiyahan niya. Ngunit doon rin niya nalaman ang tunay na ugali ng babaeng minamahal. Ang pangmamaliit nito sa propesyon niya, at ang pag-iwan nito sa kanilang mag-ama ang dumurog sa puso niya. Now, he needs to take care of his three-months-old daughter alone. At nang mag-limang taong gulang na ang kaniyang anak, Olivia is starting to find the love of a mother. Kaya sinubukan ni Oliver makipag-date sa kung sinu-sinong babae upang makahanap ng makapagbibigay ng kasiyahan ng anak. Ngunit sa kamalas-malasan, lahat ng nakikilala niya ay walang pakialam sa kaniyang anak. He also realized that he's more desperate to get Olivia a mother than getting himself a partner. Until he met Ashley Corazon. Isang babaeng nakipagsapalaran sa Maynila upang mapaganda ang buhay. Ashley ended up as Olivia’s nanny. At talaga namang napalapit ang loob ng bata sa dalaga. Ngunit hindi lamang pala ang puso ni Olivia ang nabihag ni Ashley, kundi pati ang mailap na puso ni Oliver. Ngunit ang kasiyahang iyon ay saglit lamang pala. Dahil ang biglaang pagbalik ng dati niyang asawa at ang pagpapakilala nito bilang tunay na ina ni Olivia ang sisira ng lahat. Will they still have the blissful ending… kung buo na ang desisyon ni Ashley na talikuran ang mag-ama?  
like
bc
MUNDUM DE SOMNIORUM (The World of Dreams)
Updated at Sep 7, 2022, 06:58
Mayhem Genesis' reality is not really something any person would want. Her life's crumbly. No friends, has zero information about her parents who left her, and casted away from the orphanage when she was roughly twelve years old. Eventually, her hunger to survive this cruel, greedy world had elevated. And a car graveyard satiated it. She found her own little world in the middle of the graveyard, inside an old icecream truck. A world between primitive and modern. Her life is finally starting to have a glimpse of hope. With her dogs, few people who is concern about her state of living, and college diploma in the making. She began to pull everything together: shelter, part-time job, enough money. Until she turned twenty. She had nightmares every night. Vivid images of someone's death. It is as if she experiences death too. She can feel the coldness in her bones, the stab, the dripping blood. She suffered for a whole year. Nang hindi na niya kinaya ang pakiramdam ng mga saksak, napilitan siyang gumawa ng paraan. Kahit hindi siya sigurado sa 'paraan' na iyon, binasa niya ang lahat ng libro na may kinalaman sa mga panaginip. At nang may sapat na siyang kaalaman at lakas ng loob ay sinubukan niyang baguhin ang mga panaginip. She successfully turned it into beautiful dreams. Ang managinip ng maganda gabi-gabi at matakasan ang realidad ay napakasaya. Hindi niya alam na ang bawat pagmanipula niya ay mayroong kapalit. Unti-unti niyang natuklasan ang tunay niyang pagkatao. At nakilala ang iba't ibang taong may kinalaman sa pagkamatay ng kaniyang mga magulang at pagkasira ng buhay niya sa Realidad. At isa na roon ang Hari, na nagnanais wakasan ang buhay niya. Regno, the highest in position in the Dream World, ordered his son, Nightmare, to kill Mayhem-- an Exceptis, a destroyer of the balance between the two worlds. Matatakasan pa kaya ni Mayhem ang kaniyang tadhana, sa lalaking napalapit na sa kaniyang puso at isip, kung ang katumbas pala ng lahat ay ang kaniyang kamatayan?
like
bc
BEWITCHED BY THE PURPLE LADY
Updated at Jul 27, 2022, 17:38
Warning: R18+ SPG, PLEASE READ AT YOUR OWN RISK. Enrique Olin Villegas hates purple. Kung pwede nga lamang niyang kamuhian lahat ng kulay na may kinalaman sa kulay na iyon ay ginawa na niya. That color depicts one thing for him: bruises. Hindi lamang iyon, that particular guy who caused him the hatred loves wearing a t-shirt in that color. Tampulan siya ng tukso mula pa pagkabata. Kilala na nga siyang punching bag ng mga bully sa eskwelahan. Dahil iyon sa pagiging kolektor ng basura ng kaniyang ama at pagiging tindera ng kaniyang ina; na kahit kailan hindi niya ikinahiya. Ngunit sabi nga sa kasabihan, 'bilog ang mundo.' Ang pamilya nila ang isa sa naging depinisyon ng 'from rugs to riches.' Mula sa pagiging isang kahig, isang tuka, sila na ngayon ang may-ari ng pinakasikat na bakery sa loob at labas ng bansa. They own several branches around the world and became one of the most richest families in the country. Makalipas ang ilang taon, the hatred is still there, at nadala niya iyon hanggang sa pagpapatakbo ng kanilang kumpanya. He fires everyone he sees using something purple. Little did he know, isang babae palang mahilig doon ang bibihag ng puso niya. Hindi lamang puso... Kundi ng buong pagkatao niya. It is as if he is bewitched. Anita Yu, a lavender farmer, awakened his hidden desires. Kahit anong pigil niya roon, may kakaibang pwersa talaga na naghahatak sa kaniya papalapit sa babaeng iyon. And so, he let his desires take over, and vowed to seduce her no matter what it takes. Ngunit ano ang kaniyang gagawin kapag nalaman niya ang tunay na pagkatao ni Anita? Ano ang kaniyang gagawin kung ang babae palang bumihag ng kaniyang puso ay kapatid ng lalaking naging bangungot ng kaniyang pagkabata? Will he be willing to forgive for the sake of his love? Or will he just forget that he was once bewitched by the purple lady...?
like
bc
BUENAVISTA BROTHERS 3: Cruel Buenavista
Updated at Feb 24, 2022, 08:46
Kind Liliya Belmesova needs cash. A lot of cash. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humiling na sana umulan ng pera mula sa langit. Just a week ago, she found out that her deceased mother has a huge debt on loan sharks. At naging dahilan iyon para kunin ng mga ito ang bahay na naiwan sa kaniya ng yumaong ina at maubos ang maliit niyang ipon bilang wedding organizer. Ngunit hindi pa din iyon sapat. She's now a homeless gal who wanders on the streets of Russia. Hindi na niya alam kung saan pa siya pupulutin. Kaya naman gamit ang natira niyang pera, bumuo siya ng desisyon... Now, Kind Liliya Belmesova San Esteban is on her way to find her long lost brother, Treb Ylop San Esteban to get some help. Ngunit iba yata ang nahanap niya. A real life genie. Cruel Buenavista is a business tycoon who offered her three wishes, at sino ba namang mag-aakala na kaya nga nitong paulanan siya ng pera? Her mother's debt was gone in a blink of an eye. But her wishes also have conditions. And it made her wear an invisible placard that says: Kind of Cruel. She needs to be Kind Liliya Belmesova Buenavista. Makakatakas pa ba siya sa kondisyon na ito? Gayung wala na siyang magawa kundi ang sundin ito at iorganisa ang sarili nilang kasal?
like
bc
ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel
Updated at Sep 28, 2021, 16:59
Mirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his mouth. Talagang tampalasan. He can even spell 'f**k' in different languages. Sa dinami-rami ng barko niya, ay ganun na din yata kadami ang babaeng nalangoy niya. At isa lang ang masasabi niya, na lahat yata ng 'dagat' ay iisa ang kulay. Iisa ang lasa. Nakakasawa. But one night changed everything. When he saw her. Her beauty captivated something inside him. Ngunit gaya ng mabilis na paghampas ng mga alon, ay mabilis ding nawala ang babaeng ni hindi man lamang niya nalaman ang pangalan. And he promised to find her at all cost. And when he do... his heart nearly dropped. Because... she's a mermaid? ----------------------------------------------------------- A/N: Opo, hindi po kayo nagkakamali ng basa. At alam ko ding sinabi kong tatapusin ko muna ang story ni Trail. Pinag-isipan ko talaga ito buong araw, and I came up with this decision, na isusulat ko na talaga ang story ni Mirkov. Habang hindi pa nagsisimula ang klase hahaha. ???? Sana po suportahan niyo din. Lab ko po kayong lahat. ?
like
bc
BUENAVISTA BROTHERS 2: Chase Buenavista
Updated at Aug 29, 2021, 11:09
Three words to describe Chase? He doesn't chase. He is definitely one of those happy-go-lucky guys who enjoy their freedom to the fullest. At gaya ng mga kapatid niya, hindi niya hahayaang mawala iyon sa kaniya. Kaya bago pa makahanap ang mga magulang niya ng babaeng ipapakasal sa kaniya at makakakuha ng kainosentehan niya (oh, note the sarcasam please) sisiguraduhin niya munang matutupad niya lahat ng pangarap niya. Yeah, who says happy-go-lucky bastards doesn't have a dream? Well, fuck it bitches because he does have one. And that is to be the most handsome teacher in the whole wide world. Sounds crazy? Yes, he is crazy. But when he met Faith Roces, he definitely cursed his name. Because the woman has some kind of an unknown force to make him chase her. Tame her. ...desire her. Pero sa sinama-sama pa ay mukhang hindi gumagana ang charms niya dito. And that is freaking frustrating! Curse chasing Chase. Iisang babae na lamang ang gusto niyang maghabol sa kaniya ngayon. He doesn't care whether a lot of woman wants to chase him. Because he is now... chasing Faith. -----------------------------------------------------------
like
bc
LIPS OF DOUBT
Updated at Jul 9, 2021, 21:51
Donalene Rodriguez’s life is already perfect. She has reasonable-paying job, good friends who’ll protect her no matter what, and two beautiful doggos. Her life is indeed perfect. Living alone for almost eight years thought her a lot of things. She learned to be independent, to take care of her things, and to protect her inner peace. She never had problems in terms of intimate relationships. Maybe that is because she never really had a long-time partner. Magmula noong iwan siya ng dalawa niyang ex-boyfriends, because of her bad habit, hindi na siya pumasok pa muli sa relasyon. At hindi siya nagsisisi roon. Dahil naging tahimik ang walong taon niya. No boy-problems, ika nga. She had a lot of time for herself, and for her dogs. Tila si Kupido na yata ang na-bored sa love life niya at bigla na lamang siyang pinana. Lawrence Gallego, the only heir of Gallego Group of Hospitals, got her attention. Full attention. Hindi niya maintindihan ang puso at bigla na lamang tumibok para sa lalaki. At hindi lang yata pana ang ibinigay sa kaniya ni Kupido kung hindi pati na rin isandamakmak na suwerte, dahil umamin ang binata na gusto rin siya nito matapos ang walang palyang pagpapapansin niya rito. Ngunit talagang malayo pala ang pagitan ng ‘gusto’ sa ‘mahal.’ Oo nga at gusto siya ng binata, ngunit hindi siya nito mahal. Oo nga at saglit niyang nakuha ang atensiyon ng binata, ngunit ang mga mata nito ay hindi pala maaalis sa totoo nitong mahal. At ano naman ang laban niya sa ilang taon? Gayung saglit pa lamang silang magkakilala ng binata. Everything is truly unfair. Handa na kaya siyang pumasok muli sa isang relasyon matapos ang walong taong pagproprotekta sa sarili, kung ang lalaking isinisigaw ng kaniyang puso ay may iba palang minamahal? And what will she do if she learned that Lawrence’s unrequited love is already married with someone else?
like
bc
BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)
Updated at Mar 25, 2021, 03:50
Trail never liked his controlling parents. Ngunit gaya ng palagi nitong itinatatak sa kukote nilang magkakapatid, hangga’t nasa puder sila ng mga magulang, wala silang karapatan magreklamo sa lahat ng ipinag-uutos ng mga ito. Kahit pa tungkol iyon sa personal nilang mga buhay. So, he gave himself a right to. Umalis siya sa bahay nila at gamit ang ipon ay bumuo siya ng sariling buhay malayo sa pangongontrol ng kaniyang mga magulang. But as what his name is, it seems like he is always leaving some footprints. Ayun nga lang, hindi ang mga magulang niya ang nakadiskubre niyon. Kundi ang makulit na babaeng kamukat- mukat mo ay Pursue pa ang pangalan na kahit yata ipagtabuyan mo ay parang lintang nakakapit na sa balat niya. Could he possibly run away from this girl if he is always leaving a trail for her to pursue him? Oh wait, is he leaving a trail for a purpose? ----------------------------------------------------------------
like
bc
ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)
Updated at Mar 24, 2021, 20:55
WARNING: SPG/MATURE CONTENT. THIS STORY CONTAINS EXPLICIT SCENES. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK. Dear Edward, Habang binabasa mo ang sulat na ito, malamang ay nasa himpapawid na ako sakay ng eroplano. Lalayo na ako kagaya ng gusto mo. Alam mo, magmula nang makilala kita noon, ako na yata ang pinaka naging makasariling tao. I want you all by myself, even though you don’t want me and can’t even spare me a glance. You know that I love you, right? My heart is beating for you, and you only. Lahat ng pagmamahal ko, pati ang para sa sarili ko, I’ve given it all to you. Pero kahit anong gawin ko, siguro talagang hindi na darating yung araw na mamahalin mo din ako. And it hurts. It hurts like hell. Like my heart is being shattered into million pieces. Lalayo ako, hindi dahil iiwan na kita. Kundi dahil gusto kong mahanap mo na ang kasiyahan sa iba na hindi mo nahanap sakin. At kahit ako ang aalis, pakiramdam ko, ako pa din ang naiwan. Kasi yung kasiyahan ko, sayo ko nahanap at hindi sa iba. But I don’t want to be selfish anymore. I love you so much that I will finally let you go. That I’ve finally have the courage to love myself too. I’m sorry that I’m not the woman you can be proud of. I tried. I tried to be in the same circle as you. But I’m not sorry that I am me. Kasi kung hindi ako ito, baka hindi kita nakilala. Baka hindi kita nagawang mahalin. Kasi kahit gaano pa kasakit ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko pa din magawang pagsisihan lahat ng segundo na nagkasama tayo. I’ll cherish it. Every second. Everything. Go and find your happiness. And I’ll go too and try to find the happy version of me that I was once. You’ll always be my handsome husband. And I’m sorry that I can’t be your Fat Remi anymore. I love you, goodbye. Love, Remi ----------------------------------------------------------------
like
bc
ERASTHAI SERIES BOOK 2: No Ide, No Entri (COMPLETED)
Updated at Mar 24, 2021, 03:15
WARNING: SPG/MATURE CONTENT. THIS STORY CONTAINS EXPLICIT SCENES. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK. Jameson Ramirez promised to love his first love to his grave. And when she went missing, he bowed to find her and never to love any other woman than her. He treated women like cars. Pwedeng gawing koleksiyon. Madaling bilhin, madaling palitan. But when he met Idelaide “Ide” Famini, everything has changed. Lalo na at kamukha ito ng first love niya. Nabali lahat ng paniniwala niya at tila ba isa itong napakalakas na magnet na humahatak sa kaniya. Ngunit alam niyang hindi ito ang first love niya. Kapatid ito ng first love niya. Ni Iyah Famini. And now Iyah is back, tutuparin niya ang pangako ditong ito lamang ang mamahalin niya hanggang kamatayan. But why does it feels like something is missing? Is it his cars? Nah. Women? Double nah. Oh shit, he just remembered. NO IDE, NO ENTRI. -----------------------------------------------------------
like
bc
ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)
Updated at Mar 23, 2021, 19:11
WARNING: SPG/MATURE CONTENT. THIS STORY CONTAINS EXPLICIT SCENES. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK. Paano kung magkita uli ang dating magkasintahan makalipas ang anim na taon? Si Giovanni Alejandro, isang bilyonaryong nagmamay-ari ng isa sa pinakasikat na Airlines sa buong mundo, na iniwanan ni Annina Palmez, isang dating waitress sa restaurant ng kaibigan ni Giovanni. Si Annina ay isang ulila na lumaki sa isang bahay-ampunan, at lahat ng alaala ng kaniyang pagkabata ay nabura sa kaniyang isip sa hindi malamang kadahilanan. Sa kanilang muling pagkikita, ipinangako ni Giovanni sa sarili na pagbabayarin niya si Annina sa ginawa nitong pang-iiwan sa kaniya. Ngunit tila unti-unti niyang kinain ang kaniyang mga salita...dahil hindi niya mapigilan ang muling pag-usbong ng damdamin niya para sa dalaga. At ika nga, 'walang lihim ang hindi nabubunyag.' Hindi naglaon ay nalaman niya ang tunay na dahilan ng pag-iiwan sa kaniya ni Annina. Samantala, unti-unti namang bumalik ang mga naburang alaala ni Annina. Nanumbalik sa kaniya ang lahat ng pangyayari dalawampu't isang taon na ang nakararaan, at naalala ang tunay na koneksiyon niya kay Gio. Ang abandonadong gusali, ang paborito niyang libro, ang gulong na duyan... At ang kapahamakan na kanilang tinakasan. Makamit pa kaya nila ang inaasam na kaligayahan, kung isa pang kapahamakan ang naghihintay na sumira sa kanila? Subaybayan ang kuwento ng kanilang pag-ibig. ---------------------- No part of this book can be copied. Plagiarism is a crime. All rights reserve @ 2019
like