without limitsUpdated at Dec 29, 2021, 15:19
Di matanggap ni yna ang ginawang pangloloko ng kaniyang nobyo. mahigit tatlong taon na sila nitong magkasintahan kaya hindi kailangan man sumagi sa isip nyang lolokohin siya nito.
Nang gabing tinapos nya ang lahat sa pagitan nilang dalawa ay napagisipan ni yna magsaya sa isang kilalang bar. Ito ang unang beses nyang makapasok sa ganoong klaseng lugar kaya naman ay nakakapanibago sa kanya ang lahat, Hindi niya inakalang masaya palang sumubok ng mga bagay na noon pa man ay di nya nasusubukan hanggang sa tuluyan nya nang makalimutan ang totoong dahilan kung paano sya humantong sa ganoong sitwasyon. Nanlalabo ang paningin ni yna sa paligid epekto ng iba't ibang alak na sinubukan nyang inumin ngunit kahit na ganun ay hindi iyon naging dahilan upang makita nya ang isang lalaki nakatitig sa kanya sa di kalayuan.
tumayo ito at dahan dahang lumapit sa pwesto ni yna..
"miss, I think you're already drunk.."
pagkatapos non ay tila nawala si yna sa kanyang sarili..