chapter one
Au POV.
NAGBABASA ako ng libro sa kama ng bestfriend ko habang sya ay dada ng dada sa likuran ko.
"AYU!"sigaw nito sa akin kaya napalingon ako sa kanya.
"Oh"maikling aagot ko.
"Ano ba talaga? di kita magets sabi mo dito ka muna eh limang araw na ah!" Nagtatakang tanong nya sa akin.
"Eh Ano kase a-"
"Sabihin mo nga ang totoo naglayas kaba ha!?"sigaw nya ulit sa akin
This time natahimik ako.hindi ko kasi talaga alam kung paano ko sasabihin.nung gabing nalaman kong buhay ang ama ko umalis agad ako sa bahay at naglayas.naisipan kong pumunta dito sa kaibigan kong si Yuki.
Magisa lang si yuki dito nasa abroad kasi ang mga magulang nya kaya okay lang na mag stay ako dito.
Bumalik ako sa ulirat ng sumigaw ulit sya.
"Ayu! Ano?"
"Ano kasi may pumunta kasing lalaki sa bahay." Mahinahon kong sagot.
"Ano!bakit?" Sigaw nya kaya tinakpan ko yung tenga ko ang ingay kasi talaga ng babaeng to.
"Pwede bang wag kang sumigaw." Sabi ko sa kanya para kasing manok.
"Eh aanoo ngaah."pabulong nyang sabi sakin.
"Sabi nung lalaki sya daw yung tatay ko."paliwanag ko dito.
"Ano! D-diba matagal nang patay yung tatay mo?" Tanong nya sakin.
"Yun na nga eh sabi ni mama baby palang ako namatay na yung tatay ko." Sabi ko sabay tayo at pumunta sa banyo.
"Halerr baka pinaprank ka lang ni tita." Aniya
Bumalik ako at umupo sa kama nya.
"Sa tingin mo alam ni mama yung mga prank prank na yan?"
Umupo sya sa tabi ko habang sinusuklay nya yung mahaba at itim nyang buhok.
"Pero kasi habang sinasabi yun nung lalaki ayun sa nakikita kong reaksyon ni mama parang totoo tense na tense kasi sya."pagpapaliwanag ko kay yuki.
Napatigil sya sa pagsusuklay at tumingin sa akin pinanliitan nya ako ng mata.
"Baka buhay pa nga yung tatay mo nilihim lang ni tita. Ano bang first impression mo dun sa lalaki.?"
"Mayaman."maikling sagot ko.
Nagulat ako ng niyakap ako ni yuki.inalog alog nya rin ang balikat ko
"Wah! Congrats mayaman kana!"masayang aniya.
"Ano kaba!, anong mayaman sinasabi mo?"sabi ko.
"Syempre sabi mo mayaman malay mo mayaman yun tapos kukunin kana nya." Aniya.
"Ewan ko sayo, sige uuwi na ako bye."
Dire diretso akong lumabas sa bahay nila yuki.pagkarating ko sa tapat ng pinto ng aming bahay ay saktong bumukas iyon.
Nanlaki ang mata ni mama at wala itong imik na bumalik ulit sa loob.pagpasok ko nadatnan ko yung lalaking dumalaw samin nung gabing naglayas ako.
"Anong ginagawa mo dito?"deretso kong tanong.
"Anak gu-"pinutol ko kaagad ang sasabihin nya.
"Anong karapatan mong tawagin akong anak,sino kaba! matagal ng patay ang tatay ko!"sabi ko rito na may halong galit.
"Autumn!"pagalit na saway ni mama.
Kaya imbis na makipagusap ako sa kanila ay pumasok nalang ako sa kwarto ko.narinig ko pa ang katok ni mama sa pinto,pabagsak kong inihiga ang aking pagod na pagod na katawan ipinikit ko nalang ang aking mga mata para matulog at hindi na sila pinansin.
Nagising ako sa malakas na katok tinignan ko ang oras sa keypad ko 5:31 pm na pala.
Pinagbuksan ko kung sino man ang kumatok at tumanbad sakin si mama.isasara ko na sana yung ng pigilan ito ni mama.kaya sa huli pinapasok ko sya sa maliit kong kwarto.
Umupo sya sa kama at narinig ko ang malakas nyang pagbuntong hininga.
"Anak hindi mo dapat sya ginanon."Aniya
Lumingon ako sa kanya at umupo sa tabi nya.
"Nay sino po ba yun?diba sabi mo patay na si itay e-h a-ano yun nay?"tumutulo na yung luha ko habng tinatanong ko yun sa kanya.
"Manang mana ka sa kanya anak." Pagtingin ko kay mama tumutulo narin yung luha nya."kukunin kana rin nya sakin."Aniya kaya napatigil ako.
"A-ano? Anong sinasabi mo nay!"pagalit kong tanong dito.
Kaya naman napatayo sya at pinunasan ang luha ko.
"Anong kukunin ang kapal ng mukha nya!"singhal ko.
Kaya naman niyakap ko si nanay
"Wag kang magsalita ng ganyan anak, hindi mo pa alam kung ano yung totoo."aniya
"Anong totoo nay? Eh malinaw naman na wala syang kwenta!"sigaw ko.
Nagulat ako ng bigla nya akong sampalin
Sobrang sakit...nasaktan ako hindi dahil sa sakit na natamo kung hindi dahil sa sakit sa damdamin kahit kailan hindi pa ako nasaktan ni inay.Ngayon palang...
"Mamaya ko nalang ipapaliwanag sayo pag naging mahinahon kana hindi yung ganito nagiging bastos ka."Aniya at lumabas na sa aking kwarto.
Hindi ko mapigilan ang luhang tumulo galing sa mga mata ko sobrang nasaktan ako. ayos na sana yung buhay namin kahit mahirap kami masaya na sana.
Nang mahimasmasan ako ay lumabas ako sa kwarto dumeretso ako sa kusina nakita ko dun si Epoy na kumain.tinatong ko sya kung nasan si inay.
"Nasa kwarto ate,hindi pa yun lumalabas kanina pa."Anito.
Kaya pumunta ako sa kwarto ni inay nakabukas ang pinto nito nakita ko syang umiiyak kaya nilapitan ko sya at niyakap.
Kinuwento ni inay lahat lahat ng tungkol sa tatay ko kaya nabawasan ang galit ko sa kanya.tampo nalang na matatawag itong nararamdaman ko sa tatay ko.
Ang kwento ni inay nung bata pa daw ako nagabroad daw si itay nuon kaya hindi ko na sya nagisnan. may nangyaring hindi maganda sa ibang bansa hinuli daw si itay ng mga pulis sa abroad at ikinulong ng sampong taon.kaya nag asawa si inay ito ay ang ama ni epoy na dalawang taon ng patay.
nang makalaya daw si itay ay ibinalik sya ng agency sa pilipinas ngunit hindi nya na alam kong nasaan na ang pamilya nya sa hinaba haba ng panahon na nakakulong si itay ay nawalan na sya ng kumunikasyon samin.Kaya nagapply ulit si itay sa ibang agency at sa tulong ng mga kaibigan nya ay nakapagtrabaho sya ng maayos sa ibang bansa at nakaipon.
Umuwi si itay sa pilipinas at ginamit nya ang kanyang naipon upang magtayo ng negosyo at lumago ito.kaya naging isa na si itay sa mga successful businessman dito sa pinas at sa ibang bansa.
Magisa lang si itay at hindi na nag asawa pang muli.nuon paman ay hinahanap na kami ni itay at nagyon nya lang kami nahanap sa hinaba haba ng panahon.kaya ng mahanap daw kami ni itay ay hindi na sya nag aksaya pa ng panahon na magpakilala labis ang saya ni itay.Ngunit na sorpresa ata sya sa kung paano ko sya pakitunguhan.
Kaya pala nung mga nagdaang araw.dama kong parang may gustong sabihin si inay sa akin.pero hindi nya sinabe kaya napanguhan tuloy ako ng galit kaya sana dumalaw ulit si itay para makahingi ako ng tawad sa kanya.
Hindi na ako naghapunan matapos ang mahabang kwentuhan namin ni inay kanina.
Naramdaman kong bumukas ang pinto.babangon na sana ako ng marinig ko ang malakas na buntong hininga ay alam ko na kung sino yung pumasok kaya nagpanggap nalang akong tulog.
Sinusuklay nito ang buhok ko gamit ang kanyang kamay.
Imumulat ko na sana ang mata ko ng marinig ko ang sinabi nito parang tinusok ng napakaraming karayum ang puso ko...
"Mahal na mahal kita,kahit hindi ka nanggaling sa sinapupunan ko ay ikaw parin ang anak ko mahal na mahal kita anak."pagkatapos ay tumayo ito at lumabas.
Ang sakit___________________
_________________
__________
_____
__
A/N: don't forget to comment, follow me on watty @Manuannn for more updates. votes and have a nice reads.