haosbdnsmalUpdated at Jul 25, 2022, 09:53
t 5wyPa isa lang ako. NGAYON lang to😴
Nalulungkot ako. Iwas over thingking na sana ako kaso kakagaling lang sa trangkaso. Nandyan yung habang nakahiga ka, nakapikit, nilalagnat, masakit ang ulo, tapos biglang papasok sa isip mo na kailangan mong tumayo kasi pareho kayo ng anak mong sakit, need mag luto, magpakain ng aso, maglinis ng dumi nila, maglaba, mamalengke, magwalis etc.
Then habang naglalaba, over thingking malala na naman kasi nandyan na naman yung
"Mama, nagugutom ako."
"Mama, gusto ko ng ganto."
Then ikaw na hindi mo maintindihan kung saan na pupunta yung pera mo. Yung 1 month mong pinagpaguran isang linggo lang. At yung kakasya naipangbili mo na ng gamot.
Pinakaayaw ko sa lahat yung wala akong pera. Tapos maaalala ko na naman yung "business" ko sana.
Yung mga perang sinugal ko para dun. Pinuhunan ko dun na sa sahod ko lang din naman kinukuha. Tapos na bobogus pa! Na s-scam pa!
As a single mother na tulad ko na hindi naman malaki ang sahod sa pagkakatulong need ko ng sideline hanggat maaari.
Pero Ayun na nga, wala na yung business ko🤣🤣
Tina-ry ko maningil. Malaking halaga din. Hindi ko ini-entertain sa isip ko na dinadahilanan lang ako, lamang parin sakin yung lalawakan ko isip ko sa sitwasyon nila na sinasabi nila. Okay, mabait tayo e!
Hirap naman humiling na lawakan din nila isip nila at ipaintindi rin ang sitwasyon mo, dahil iseseen lang naman nila messages mo.🤣🤣 At Hahaba lang lalo listahan ng pangako nila sayo🤡
Pareho pareho lang naman tayong may struggles. Pero wag po tayong pikit bulag sa responsibilidad sa salitang binitawan natin sa taong pinagkakautangan natin. MATUTONG MAGBAYAD!
Actually, nakakatawa ako. Sila nakikita ko post nila tuloy lang sila sa negosyo nila sa pagpopost ng item at ako eto dilemma iniisip. Sinong talo?🤦♀️