MOMMY FOR HIRE: BREAKING THE CEO'S WALLUpdated at Jan 29, 2026, 06:41
Dahil sa kagustuhang makuha ang kustodiya ng mga bata, napilitan ang bilyonaryong si Kerill Wang na maghanap ng babaeng magsisilbing ina ng kanyang mga anak sa loob ng tatlong buwan. Dito niya nakilala si Charlene Rosarios, ang probinsyanang lumuwas sa Maynila upang maghanap ng trabaho. Kinontrata niya ito kapalit ng isang milyong piso. At dahil desperada ang babae na makahanap ng pera, tinanggap niya ang alok lingid sa kanyang kaalaman na papasok siya sa pintuan ng impyerno.Hindi mababait ang mga anak ni Kerill at nasanay na silang palaging may bagong babaeng ipinapakilala ang tatay nila sa kanila, kaya ginagawa nila ang lahat upang mapaalis siya.Makakayanan kaya ni Charlene ang lahat ng pagpapahirap na mararanasan niya sa loob ng higanteng mansyon na iyon? Hanggang kailan niya matitiis ang masasakit na salita ni Kerill tungkol sa kanyang pagkatao? Makukuha niya kaya ang loob ng mga bata?Sundan ang nakakatawa, punô ng emosyon at pag-ibig na kwento na nagsimula lang sa isang papel ng kontrata. Mahahanap kaya nila ang tunay na pagmamahal kung lahat ay matatapos lamang sa loob ng tatlong buwan?