Story By Anny Pelly
author-avatar

Anny Pelly

ABOUTquote
Author and an Early Childhood Educator
bc
No Title
Updated at Jan 5, 2023, 14:58
Galit ang tanging naramdaman ni Dale matapos patayin ang kaniyang pamilya. Gusto niyang malaman kung sinong gumawa nito, kung anong pakay nito at kung anong atraso nila rito. Gusto niyang managot ang taong may kagagawan nito. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman kung sino ang pumatay sa kaniyang magulang at kapatid. Pangako niya sa sarili na madurusa ang taong iyon sa kulungan. Mahanap niya kaya ang taong hinahanap? O mananatili na lang misteryo ang pagkakapatay sa kan'yang pamilya. They believed that, "Title will give a strength to people, but the truth is, your strength will give you a title." "I'll fight, find and seek even without a Title!"
like
bc
Terror in Academy
Updated at Jul 24, 2022, 23:47
Eirene Academy, isa sa paaralang kinikilala at tinitingala mula sa labas dahil sa bali-balitang ang lahat ng mga mag-aaral dito ay may angking galing at katalinuhan. Kaya lamang, ang loob ng paaralan na ito ay nababalot ng misteryo na hindi pa nabubunyag. Misteryo na dahilan din upang katakutan ng mga mag-aaral sa loob. Kamatayan, iyan ang kahahantungan ng mga mag-aaral na hindi pasasakop sa paaralan. Kung isa ka sa lalabag o isa ka sa hindi susunod sa rules sa loob, sa isang kisap-mata, maaari ka nang mawalan ng buhay. Pipiliin mo bang tumakas kung ang maaaring kapalit nito ay ang iyong buhay kapag nahuli ka ng mga nasa mataas na opisyal ng paaralan? "Disobedience turns to death."
like
bc
Win Over Mr. Perfect
Updated at Feb 5, 2021, 08:16
Dahil sa kahirapan, nagsusumikap at nagtatiyaga si Sonny na makapagtapos ng pag-aaral. Hindi siya susuko kahit pa marami sa kaniyang mga kaklase ang binubully siya dahil sa estado ng kaniyang buhay. One time, ininsulto siya ng anak ng principal ng William University na si Ken. Sinabihan siya nito na hindi siya bagay sa paaralang iyon. Ken challenged her, kung matatalo niya si Ken sa academics aaminin nito na nagkamali siya at magso-sorry ito sa kaniya. Ngunit, kapag si Ken ang nanalo ay kusa siyang aalis sa William University at aaminin niya na hindi talaga siya bagay sa paaralan. Will she win or not? Magawa niya kayang matalo si Ken Krizian D. William na isang perpekto dahil sa taglay nitong kayamanan, kagwapuhan at higit sa lahat ay katalinuhan? O matatalo siya at kusang aalis sa sikat na paaralan?
like