Ang Lihim ni AndreaUpdated at Oct 18, 2021, 04:48
Prologue
"Ganyan pala siya. "
"Kunwari mabait, may itinatago rin pala siyang kalandian. "
"Akala ko iba siya. "
Araw araw,ganyang mga salita ang bubungad sakin kapag pumapasok ako sa eskwelahang ito. Hindi ko naman sila masisisi dahil lahat naman tayo, may kanya kanyang opinyon.
Nagdire-diretso nalang akong naglakad papunta sa principal's office.
Dala dala ko ngayon ang form para makalipat na ako sa ibang school. Ayoko na dito.
Hindi ako makakapagfocus sa pag-aaral kung palagi silang ganyan.
Sa totoo lang, simula first year highschool, honor student ako, scholar, pero simula nang mangyari yun, nag-iba na ang tingin nilang lahat sakin.
Pero hindi nila alam ang totoo.
Ako si Andrea Faye Onggoco, 17 years old. At nahuhusgahan ako ngayon dahil sa maling impormasyon na nalaman nila.
Isang bagay na dapat ay hindi na ipinagkakalat pa.