Welcome to the world of moonbay☺️
This is my first time to share my stories that comes from my imagination . I hope that you will enjoy it. Thank you and God bless ☺️
Blurb:
Upang matustusan ang kumakalam
na sikmura Lalo na ang kaniyang lola, kailangan ni Zoe gumawa ng masama. Subalit mapag laro ang tadhana sapagkat makikilala at makikita niya ang kaniyang nabiktima na siya pa lang magiging boss niya. Magbabago ba ang pagkakakilala sa kanya ng binata?
Tunghayan natin ang kwento ni
"Lotus del Mundo at Zoe Pad Reyes"
Blurb:
Lumuwas ng Maynila si Jella para maghanap ng trabaho. Ngunit, nakakailang pasa na siya ng kanyang resume ay wala pa ni isa ang tumatawag sa kanya. Nababahala na siya dahil paubos na ang perang dala niya para sa pag-hahanap ng trabaho. Wala pa man din siyang masiyadong ka kilala roon. Ang tanging tiyahin lang niya pero ayaw niyang tumuloy doon dahil matapobre ito sa kanilang magkapatid noong nasa probinsiya pa ito. Sa kanyang paglalakad sa kalsada'y nabangga siya ng isang kotse at nawalan siya ng malay at sa kanyang paggising ay ibang lugar na ang kanyang kinaroroonan at dito niya makikilala ang lalaking animoy kakain ng tao. Walang iba kundi si Rowin. Inakusahan siya nitong siya ay nagpabangga para lamang sa pera. Sa sobrang inis ng dalaga ay sinampal niya ito at nabigla na lamang siya ng halikan siya ng isang Rowin Cortez.
The love story of
Rowin Cortez and Jella Madrigal
Si Hector o kilalang "Thor" Gael Santillan ay isang raketero at madiskarteng lalaki sa kanilang bayan. Papasukin niya lahat ng disenteng trabaho upang may maipangtustos sa kanyang apat na kapatid at sa kanyang nanay. Hindi sapat ang kinikita niya sa pagraraket kaya kailangan niya ng matatag na trabaho para sa pamilya niya, kaya tinulungan siyang makapasok ng kanyang kaibigang si Jc sa kompanyang pinagtatrabahuan nito bilang isang Janitor. Sa paglalakad niya papuntang building ng DFCI ay nabunggo siya ng magarang kotse. Bumaba ang magandang may-ari nito at Pinagsalitahan siya nito ng masasakit. Sa inis niya ay sinipa niya ang kotse nitong kasing kinis ng balat ng babae.
"magkikita pa tayo miss".. Bulong ko. Kung di lang ako naghahabol ng oras ay baka patulan ko pa ang babaeng 'yon. Maganda nga ubod naman ng sama ng ugali. Dugtong pa niya.
Si "Corrine Del Fuego" bente dos anyos Taga Pagmana at bagong CEO ng DFCI o DelFuego' s Construction Inc. Sa sobrang pagmamadali niya ay nabunggo niya ang isang lalaking papatawid papunta sa building nila. Sa inis niya ay binabaan niya ito at binulyawan. Lalo siyang nainis dahil sinipa ng lalaki ang bagong car wash niyang kotse. Hindi dapat siya ma stress. Dahil ito ang first day niya bilang CEO at need din niya ng Beauty rest para sa nalalapit niyang kaarawan. Ngunit nasira ang araw niya sa lalaking hambog na nabunggo niya. Pagtatagpuin pa ba sila ng tadhana? Tunghayan natin ang kanilang kwento.
-"Thor and Corrine love story -
-nakakatawa
-nakakaiyak
-nakakakilig
Si Marga ay desi otso anyos at nag-aaral sa kolehiyo. Isa sa siya sa mga pinag-aaral ni Don Lorenzo Sandoval sa kanilang bayan. Nagdaos ng selebrasyon ang Don para sa lahat ng iskolar nito at na kilala niya si Rex, ang panganay na anak ni Don Lorenzo. hindi lingid sa kaalaman ni Marga na pinaghihinalaan siya ng asawa ng Don na may relasyon sila ng dahil sa pagiging malapit ng matanda sa kanya.
Si Rex, bente anyos, matipuno at siyang namumuno sa negosyo ng kanyang amang si Don Lorenzo. Niligawan at umibig siya sa simpleng babae, subalit salungat sa mata ng kanyang ina. At taliwas naman ito sa kanyang ama. Pinilit niyang paniwalaan ang kanyang sarili na mali ang mga akusasiyon ng kanyang ina na may relasyon ang amang Don at ng babaeng mahal niya. Ngunit nakita mismo ng dalawang mata niya kung ano ang namamagitan sa dalawa. Umalis siya ng bansa dala ang sakit na idinulot ng babae sa kanya. At nabalitaan niyang namatay ang kanyang amang kasama nito ang babae niya.
Poot at galit ang naramdaman niya sa mga sandaling iyon at sa kanyang pagbabalik,
Hindi na siya si Rex Sandoval na kayang paikotin ng babaeng pinili niyang mahalin. Sisingilin niya ang babaeng sumira ng kanyang pamilya, at sumira ng pagkatao niya. Ngunit kaya ba niyang panindigan ang kanyang paghihigante kung hanggang ngayon ay mahal pa niya ang babae?