Chapter 1
Ako si "Thor" bente kuwatro anyos at ang isa pa nilang tawag sa akin ay "Eros" buhatero, konduktorero, sakakero, at singingtero at huwag lang ang sabongero dahil mauubos lang ang pera doon. Sabi nila, kayod kalabaw daw ako dahil walang araw na di ako nagpapahinga para magtrabaho. Kailangan kong kumayod para kay nanay at sa apat akong kapatid. Panganay ako kaya ako ang tumatayong Padre de pamilya sa amin. Ulila na kami sa ama dahil namatay sa aksidente si tatay sa jeep na ipinapasada niya na pagmamay-ari nang aking ninong. Ilang taon na rin akong tumigil sa pag-aaral mula ng mamatay si tatay. Kaya nag-iipon ako para makapag-aral uli at para makasabay sa aking mga kapatid.
Madaling araw pa lang ng Linggo ay nandito ako sa palengke para magbuhat ng banyera banyerang isda at para may maiuwi naring ulam para sa bahay. Sa 300pesos na porsiyentohang kita ay may pagsasalohan na kami. Bagama't kulang ay laking tulong na ito sa amin.
"Thor, ijo, iuwi mo na ito sa inyo dahil sobra sa kilohan itong isda ".. Sabi sa akin ni aling Maring na inabot sa akin ang isdang nakasupot.
" salamat po aling maring. Sige ho at mauna na ako sa inyo"..
"salamat din sa'yo ijo".. Sabi nito at tumango na lamang ako at tinungo na ang daan para makauwi nang maaga sa bahay at mailuto na ang isdang bigay sa akin ni aling Maring.
"kuya!"... Sambit ni Thork sa akin. Ang bunso naming kapatid. May pasa
lubong ba kami saiyo?" Lambing nito sa akin. Ginulo ko ang kanyang buhok at umupo ako sa bangko.
"siyempre.. Ako pa ba?.. Sabi ko at ipinakita sa kanya ang nakasupot na pansit at puto na di ko na kinain kanina para may maipasalubong ako sa kanila.
"yeheey!".. Naglulundag na sabi niya.
Napangiti na lamang ako sa kanya.
"isalin mo na sa plato. Si nanay ba nandito? " tanong ko dito.
" naku, kuya, Tinawag ni Ms. Mila para maglaba sa kanila. Sagot nito sa akin. Napakunot ang nuo ko.
Sinabi ko naman sa kanila na tumigil na sila sa paglalaba. Sabi ng isip ko. Tumayo ako at tinawag na ang mga iba ko pang kapatid, para iluto itong dala kong ulam at makakain na rin kami.
"Thorn! Torie! Thara!.. Asaan ba kayo at umagang umaga ay di ko kayo makita dito sa loob". Sambit ko na nilapag na sa mesa ang dala kong lulutoing isda. Nagsipasok naman ang mga kapatid ko na abot tenga ang ngiti nila. Hindi na iba sa akin ang ganitong awra nila, pero iba ang ngiti ng mga ito ngayon.
Si Hethorn ang sumunod sa akin, sumunod naman sa kanya si Hethorie, si Hethara naman ang pang apat at nag-iisang babae at si Hethork ang bunso namin. Kung napapansin niyo ay puro may "He" ang pangalan namin. Herman kasi ang pangalan ni tatay at Martha naman ang pangalan ni nanay.
akala nang mga kaklase ng mga kapatid ko ay half half kami dahil sa klase ng kanilang pangalan. Half rice pwede ba dahil nagtitipid kami sabi ng isip ko.
"alam mo ba kuya, may limang daan kaming kinita kanina". Sabi ni Thorie na ipinakita sa akin ang bago at mukhang galing pa sa bangko ang five hundred pesos. Kumunot ang noo ko.
"Saan niyo nakuha yan?" tanong ko
"hay naku kuya. Alam mo ba iyong nakita mo noong isang araw na mga projects dito sa bahay?" tumango ako.
Sa mga kaklase ko 'yon. Pinagawa sa akin at nagpatulong naman ako kila kuya Thorn. Ibinigay namin kanina sa kani kanilang bahay. tapos ito yong mga bayad nila"..pagpapaliwanag ni Thara sa akin.
"Kayo tlga!! pero sa susunod ay huwag na kayong tumanggap ng ganoong project. Kaya, di niyo na nahaharap ang mga aralin ninyo at gawa in dito sa bahay".. Dugtong ko pa.
"gusto lang namin makatulong sa'yo kuya eh".. Sabi nman ni Thorie. Napangiti na lamang ako at nilapitan sila.
"sapat na sa akin na nag-aaral kayong maigi". Yakang yaka 'to ni kuya"..ako pa ba eh, malakas ito! " turo ko sa aking sarili. Nagkatawanan naman kaming lima." Basta, dito lang kayo at tulungan niyo na lang si inay at itabi niyo yang pera para sa nalalapit na graduation niyo. O", Thorn, Ikaw ang kuya dito' pag wala ako ha"..
"Oo naman kuya".. Ako yata ang pangalawang pogi na anak nila tatay at nanay". Sabi nitong nagpacute pa.
"pogi daw o".. Eh, nabasted naman ni Mirasol".. Kantiyaw naman ni Thorie. Namula naman ang mukha ni Thorn
"totoo ba 'yon, Thorn? binasted ka ni Mirasol?" tanong ko. Senior High na si Thorss at sa edad ng kapatid kong desi otso ay talagang masasabi kong binata na nga talaga ito.
"eh, kuya, ' pag sinagot daw niya ako eh, wala daw siyang mapapala sa akin. Dahil mahirap daw tayo at walang maibili ng regalo". Sabi nitong nagkakamot ng ulo.
"Hayaan mo na at bata ka pa naman. Marami pang babae diyan at hindi mo deserve si Mirasol. Tama nga naman siya. Mahirap tayo at may kaya sila". Pangaral ko sa kanya. Tumango na lamang siya.
"Eh, ikaw kuya, Kelan mo ipapakilala sa amin ang jowa mo".. Sabat naman ni Thork.
"Oo nga naman kuya".. Sabi naman ni Thara.
"Nililigawan nga, wala eh! Jowa pa kaya?" Sabat naman ni Thorie
"Dami kayang chicks ni kuya".. Sabi naman ni Thorn na kumindat pa. Dahil kaklase niya 'yong kumukuha ng cell number ko noong isang gabi na inimbitahan kaming kumanta sa kaarawan ng kanyang kaklase. Ngunit tinanggihan ko ito. Desi siyete lang kasi ang babae.
" Kayo talaga".. Ako na naman ang nakita niyo ". Kung magkakajowa man ako eh, iyong tanggap tayo na ganito ang buhay natin". Kaya kayo, mag-aral mabuti ha, para di nila kayo maliitin. Sabi ko sa kanila.
"Kuya, pagkatapos ko sa Senior High ay magtatrabaho na ako, para ikaw naman itong mag-aral".. Sabi pa ni Thorn sa akin. "Eighteen naman na ako kuya, kaya pwede na akong magtrabaho".. Dugtong pa niya. Nagsisagutan naman ng "Oo nga kuya". ang mga kapatid ko.
"h'wag niyo na akong isipin.Sabi ko naman sa inyo ay "AKO PA BA?" Sabi kong ipinakita ang muscles ko. Nagtawanan na lang kami at nagpatiuna na ako na maliligo dahil nagtext si Marcus na may praktis kami ngayon at hindi ko sila makakasalo sa tanghalian. Dalawa o tatlong beses sa isang linggo ko lang makasama ang mga kapatid ko sa hapagkainan at nakakaunawa naman silang apat lalo na si nanay at kung hanapin man ako ni nanay ay alam nila kung saan ako naroon.
"THOR!! namis kita pre!".. Sabi ni Jake na kadarating lang niya kahapon galing Taiwan at nagbabakasyon lang siya dito sa Pilipinas at dahil namimis na raw niya ang pagbabanda ay pumunta siya dito. Lima kami sa bandang The AJMT Band.. Si Marcus ang Pianista at minsan ay navovocalista din kung wala ako. si John at Jake naman ang gitarista noon pero si John na lang ngayon ang siyang nag gigitara. at Si Ariel naman sa drum at ako ang kanilang vocalist o Singingtero ang tawag sa akin ng mga kapitbahay namin dahil isa ito sa mga sideline ko.
"Hindi ba makakapunta si Jc dito ngayon?" tanong ni Ariel na nagpapapak ng popcorn na dala ni John.
"tumawag siya sa akin kanina na hindi raw siya makakapunta".. Sabi naman ni Marcus. Si Jc ay siyang kontak namin sa mga event organizers. Siya ang humaharap at nakikipagdeal sa mga event na kumukuha sa amin.
"Marami raw pinapagawa ang boss nila, kaya di makaalis. Tulad ni Thor ay busy din siya kahit Linggo". Sambit naman ni John na ibinato sa akin ang isang piraso ng popcorn.
"Hayaan na natin si Thor. Talagang kayod kalabaw yan. Kaya nga wala pang jowa yan 'till now sabi naman ni Marcus na nginisihan pa ako.
"Oo na..." ako na' yong single sa inyong lahat".. Patutsada ko sa kanila
"Vocalist, pero alang jowa??" Pang-aasar naman ni Jake
"Noong isang gabi nga ay may kumukuha ng cell number niya". Sabi ni Ariel. Aba, pinagtutulongan ata ako ng mga ito sabi ng isip ko.
"Naku! Di naman niya ibinigay. Nainlove yong girl sa boses ng pare natin".. Ani naman ni John.
"langya kayo!" eh, minor de edad yon. Kasohan pa 'ko ng child abuse. At isa pa ay dagdag pasanin lang yon sa buhay ko at baka pagtawanan pa ang keypad kong cellphone. Sabi ko naman na sumubo ng popcorn.
"Bente kuwatro ka na pre!! pero Virgin pa yang lips mo!".. Kantiyaw na naman ni Marcus. Nagsitawanan ang mga ito at naiiling na lamang ako.
"Nasa kalendaryo pa naman ako mga pre".. Kayo talaga!! Apple of the eye niyo ako palagi".. Kunwaring tampo ko sa kanila. Nagsitawanan muli sila at inundayan pa ako ng mahinang suntok ng mga ito at bigla na lamang silang natahimik. Ganito kaming magkakaibigan. Kahit ako ang pinakamahirap sa kanila'y hindi nila ako itinuturing na maliit at naiiba sa kanila. Kaya, kahit pasulpot sulpot ako sa banda ay Okey lang sa kanila at naintindhan naman nila ang sitwasyon ko bilang panganay sa apat kong kapatid.
May oras din talaga na gusto ko nang sumuko, pero lalong walang mangyayari kung iyon ang gagawin ko. Ano pa't palayaw ko ang pangalang "THOR" kung magiging mahina ako sa loob at labas.
Simula nung mamatay si tatay ay di ako umiyak kahit gustong gusto kong sumigaw ng iyak. Ipinangako ko iyan sa aking sarili. Pero ang pangako ko pa
la na iyon ay di maiiwasang mabali.
May gabi na umiiyak ako" at ikinokubli ko yon sa mga kapatid ko at kay inay. Sabi ko sa sarili ko, hindi dapat ako umiyak dahil lalaki ako. Ngunit mahirap pa lang maging panganay. Responsibilidad mo lahat ng mga kapatid mo. at di ako ang taong nagsasabi ng problema sa mga kaibigan ko dahil kilala nila ako kung may itinatago ba ako sa kanila o wala.
Isa sila sa taong mga tumulong sa akin at saksi noong namatay si itay. Sa pagpapalibing, sa pag-aay0s ng mga dapat kakailanganin. Apat na taon nang wala si itay pero masakit pa rin sa akin. Dahil natatakot siguro akong harapin ang isang Responsibilidad.
"mag-iiyakan ba tayo dito?".. Basag ni John na nangingilid na ang luha. Natawa na lamang ako sa kanya.
"Magrerehearse na ba tayo o drama, drama muna".. Dugtong naman ni Marcus.
Tinapik nila ako at niyakap yakap pa. Ganyan kaming magkakaibigan . Hindi nawawala ang asaran pero nanriyan pa rin ang pagdadamayan. Tumayo na kami at tumungo na sa music room nila Marcus at nagsipwesto na kami sa aming mga pwesto. Audience namin si Jake. Dahil 2 weeks lang naman siya dito sa Pilipinas kaya sinusulit niyang kasama niya kami.
(CORRINE's POV)
"Yes, Dad ".. I'm still here in Department Store. Is mama there in office? ah, Okey daddy. I'll be there in a minute and I'll bring you lunch dad". Sagot ko kay daddy dahil kanina pa siya tawag ng tawag. Naroon din daw si Lance sa opisina. "well, hindi na iba sa akin ang bagay na 'yon". Sabi ng isip ko. Bumibili ako ng damit para susuotin ko sa nalalapit kong kaarawan. A black slit dress at di masiyadong kita ang cleavage ko para sa aking birthday at pencil skirt para sa pag-upo ko bukas bilang CEO. Pagkatap0s kong magbayad ay dumaan muna ako sa restaurant para magtake out ng lunch namin ni daddy at dumiretso na ako sa opisina.
"Oh!"...The princess is here!.. Salubong sa akin ni Lance. He give me a smack kiss in my face at pinanliitan ko la mang siya ng aking mga mata. Napangiti na lamang ito.
"Hi, dad".. Did you miss me right away? Baling ko kay daddy at yumakap ako sa kanya.
" Not really my Princess".. Biro nito na ginulo ang buhok ko.
"Pa!!!.. I'm not kid anymore". Don't mess my hair".. Reklamo ko at sinuklay ko ang buhok ko gamit ng aking mga daliri.
"Hahaha!" You are no longer a child, but you're still my baby, Princess".. Lambing niya sa akin. Tumikhim naman si Lance.
"ehem!"..ahm, Tito".. Tawag niya kay daddy. I have something for you". Sabi ni tong may kinuha sa bag at iniabot ang mamahaling alak ang Bourbon Whiskey at Vermont 802spirits.
"Oh!".. This is really for me? ".. Thankyou Lance I will drink this later". Sabi ni dad sa kanya.
"Your always welcome, Tito". I know that you will like that wine". Ngiti nito.
"ehm, kindly eat our lunch dad?" Putol ko sa usapan nila.
Napatango naman si daddy. "Sabayan mo na kami iho at pag-usapan na rin natin ang pag-iinvest mo ngayong si Corrine na ang uupong CEO bukas at kung may gusto kang idagdag sa birthday celebration ng aking unica hija".
"okey tito".. Sagot naman ni Lance at inumpisaan na naming kumain. Buti na lang at good for three ang inorder kong pagkain. After naming maglunch ay inumpisahan na ni dad idiscuss ang mga papeles at ang magiging pwesto ni Lance sa kompanya. Dahil siya ang may-ari ng 30percent shares dito sa DFCI ay siya ang Chief Operating Officer o "COO".
Nireview ko na rin ang mga papeles na irerepresent ko para bukas. Tumawag ako sa Secretary ni dad dahil napag- alaman kong may kaibigan itong mga bandarista at iyon ang suggestion ni Lance para sa celebration ng aking kaarawan sa susunod na sabado.
"Yes Miss. Del Fuego".. Sagot nito.
"Come into dad's office now!".. Diin kong sambit sa intercom. Agad naman itong pumasok sa opisina ni dad.
"Good afternoon, Miss Del Fuego, Sir Vergara, and to you Sir Del Fuego". Pagbibigay niya ng galang sa amin.
"Have a seat, JC" .. Sabi ko naman.
I heard from the finance Department that you have a friend from the band? "
" Yes, Ms. Del Fuego". Sagot nito
"Are they free on Saturday?" tanong ko uli. "Did I give you an invitation for my Birthday?" tuloy ko.
"Yes. they're free on Saturday and I have one invitation, Ms. Del Fuego". Tango nito pero halatang tense dahil sa pagbaba at pagtaas ng Adam's apple nito.
"Okey. Good to hear that". How about to hired a new janitor".. Did Ms. Ana tell you about that yesterday?" parang napaisip saglit ang secretary ng daddy niya na secretary na rin niya bukas.
" She told me about that earlier, Ms. Del Fuego". Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Lance. "baka nakalimutan po niya". Habol nito.
"Siguro nga dahil walang pasok ngayon". Kaya na excite magbakasyon saglit. It's okey Lance. Kung may kakilala ka sana ay papuntahin mo na siya dito bukas at magdala ng resume with any valid I. D.". Sabi ko dito. Kailangan talaga natin ng janitor para maorient narin siya ni Kuya Simon bukas" .dugtong kong muli sa kanya.
" sige po Ms. Del Fuego". Anito
"Okey. You may leave now and thanks to you dahil kahit linggo ay nandirito ka sa kompanya".
Ngumiti ito at sumagot. "I'm just doing my job, Ms. Del Fuego. Sagot nito at nagpaalam na ito sa amin.
" Ang sipag talaga ng batang 'yon ". Sambit naman ni daddy." kaya di ako nagkamaling ipromote siya bilang sekretarya ko 1 year ago dahil sa didikasyon niya sa trabaho at-
" Hindi siya katulad ni Melody na laging nakatitig sa inyo dad at pinag-aawayan niyo pa talaga ni Mama".. Putol ko sa kanya.
"Ganyan kalakas ang appeal ni tito, Cone. Sabi naman ni Lance. Nagpanting naman ang tenga ko sa pagbanggit niya ng palayaw ko.
"Am I look like an Ice cream Cone, Lance?" tanong ko dito na ngumisi pa ang loko. Alam niya kasing ayaw na ayaw ko na tawagin akong CONE simula pa noong high school days namin.
"Maybe?" why? didn't you like it? " pang aasar pa niya. Napapangiti na lamang si daddy sa aming dalawa at hindi ko na rin siya pinatulan pa baka lalo pang humaba at di talaga siya magpapatalo. Nagpaalam na ako sa kanila at aayusin ko pa ang aking mga gamit at ta tawagan ko na rin si Cheche dahil kinumusta ko ang Nag-iisa ng branch ng clothing ko. Iyon na lang ang di ko iginive up, dahil fashion ko talagang magdesign ng sarili kong mga damit pero bumili parin ako sa department store para maiba naman sabi ng isip kong napapangiti na lamang ako.
"Yes, Ma'am".. Kinuha na po ni Ms. Danny ang kanyang dress. Tuwang tuwa po siya Ma'am at talagang nagustohan po niya ang pagkakatahi".. Sabi nitong parang kinikiliti
"Well, that's good. I will send you later my final design of Ms. Elaine's dress".. Sabi ko dito. Marami kasi akong ginawa kahapon para ayosin ang mga gamit ko dito sa office ni dad".pagtutuloy ko.
"ako po muna ang bahala dito Ma'am"..pahinga ka na para may lakas ka bukas at para maganda ang gising mong humarap sa mga investors niyo't mga kliyente niyo".. Anito. Bumuntong hininga na lamang ako at nagpaalam na sa kanya. Tama si Che che. Kailangan kong maging presentable bukas kaya kailangan ko ng umuwi ng maaga para makapag pahinga pa ako at makapag handa bukas. Nadaanan ko pa si JC sa food pantry na may kausap sa kanyang phone. Ang narinig kong sambit nito ay ang katagang
"Pagkakataon mo na ito pre, kaya 'wag mo nang palampasin. Para din sayo at sa mga kapatid mo at kay auntie Martha". Dugtong pa nito sa kausap sa phone niya. Napailing na lamang ako dahil nagmumukha na akong tsismosa dito sa pakikinig. Ewan ko ba kung bakit nakuha ni JC ang atensiyon ko, dahil siguro sa kausap nito. Bumaba na ako para makauwi at di na ako nag- abalang makinig pa sa usapan na kung sino man ang kausap niya.
(THOR's POV)
Pagkatapos naming kumain ng tanghalian dito sa bahay nila Marcus ay napatawag si Jc sa akin.
"Hello, pre.. O, napatawag ka? Akala namin ay nakalimutan mo na kami dito?"
"Busy talaga ako pre.. Napatawag lang ako kasi urgent kami dito ngayon sa DFCI. Baka gusto mong maging janitor dito pre? .. Full time ka dito at 20k per month ang sasahorin mo .. Balita niya sa akin.
"Talaga pre?".. Mangha kong sagot
"Oo, pre. kinausap kasi ako nang bagong CEO, at kung may kakilala daw akong gustong magtrabaho dito as a janitor dahil kulang sila dito. Urgent talaga kaya naisip kita agad". Sabi uli nito sa kanya.
" naku! magandang balita yan pre".. Tuwa kong sagot.
"Pagkakataon mo na ito pre. Kaya 'wag mo ng palampasin. Para din sayo at sa mga kapatid mo at kay auntie Martha".. Sabi pa muli ni Jc.
"Salamat pre ha. Nandiyan kayo palagi . Pasasalamat kong sabi sa kanya at ibinigay ko kay Marcus ang cellphone ko dahil may importanteng sasabihin ito sa kanya. Magkalipas ng ilang minutong pahinga ay ibinalita ko sa kanila ang sinabi ni Jc sa akin at natuwa sila sa nalaman at bumalik na kami sa pagpapraktis dahil mula sa walong lyrics ay nadagdagan ng pito ang aming kakantahin. Kailangan talagang magpraktis dahil may malaking event kaming dadalohan sa Sabado at kailangan ko ding umuwi ng maaga para makapag-handa bukas sa pagpunta sa DFCI at itinext na lamang ni JC ang mga kailangang dalhin.