Story By Iron Lady
author-avatar

Iron Lady

bc
Faded Love
Updated at Jan 10, 2023, 15:45
Hindi krimen ang magmahal at walang batas na nagbabawal magmahal ng tapat sa isang tao. Pero napiit ako sa bilanggoang walang rehas. At natikman ko ang lupit ng kamay ng isang berdugo na nagbibigay sakin ng sakit na lumalatay sakin balat, at lumalason sakin kaisipan na pumapatay naman saking pusong marubdob na nagmamahal sa kanya, ang tanging kasalanan ko lang ay mahalin siya.... . . Inabuso ko ang pagmamahal niyang akala ko'y walang hanggan. Pero sa paglipas pala ng mga araw ay unti-unting naglalaho at kumukupas din ang pagmamahal niya sakin. . Kung kailan handa na akung bumuo ng isang pamilya saka naman siya nawala. Ang dating sakin ngayon ay hindi ko maangkin. Nasa tabi ko lang siya pero hindi ko maabot. Nasa harap lang niya ako pero hindi niya ako nakikita. Kung gaano niya ako kamahal nuon ngayong higit niya akung kinasusuklaman. Labis kung pinagsisihan ang mga nagawa ko. Kumupas man ang pagmamahal niya sakin pero dito sa puso ko taging siya lang ang itatangi habang ako'y nabubuhay. Totoo ngang lahat ng bagay dito sa mundo ay may hangganan. Na pagdumating ka sa dulo'y babawiin na niyang lahat ng meron tayo na pinahiram lang niya sa'tin. Kaya kung mahal mo ang isang tao ipakita at iparamdam mo sa kanya. Huwang kang mahiyang sabihing mahal mo siya. . . . Kahit sino ka pa mamahalin kita yayakapin ko lahat ng nakaraan mo mabuti man ito o masama. Ang importante ang ngayon at bukas at hindi ang nakaraan dahil hindi tayo mabubuhay ng mga napagdaanan natin karanasan, sila ang masisilbil aral sa atin. Ang mga yon ang magbibigay tibay at lakas sa atin, upang maging matatag ang ating relasyon. "I'll shall pass through this world just once. So all the good things that I can do and any kindness that I can show, Let me do it now, let me not deeper or neglect it, For I shall not pass this way again."
like