Story By GYJones
author-avatar

GYJones

bc
Ang Bayang Naglaho
Updated at Nov 12, 2020, 20:31
Extra-terrestrial. Paranormal. Ang dalawang ito'y hindi nagkakalayo. Extra-terrestrial na ibig sabihin ay "outside of Earth," mga U.F.O.s, aliens, mga 'di maipaliwanag na phenomenon sa kalawakan. Paranormal nama'y "beyond normal," ghosts, ESP at iba pang misteryo na hindi mabigyang saysay ng siyensya, a.k.a ang supernatural. Hindi mapagkakaila na ang ibang bagay na paranormal ay maaaring extra-terrestrial in nature, and vice-versa. Pagsamahin mo ang dalawang ito at tiyak na may istorya ka na doble ang katatakutan. Pangunahing ehemplo ay ang pelikulang Dark Skies (2012), na cross-over ng alien abduction at poltergeist haunting. Sa Ang Bayang Naglaho, higit sa limang daang katao ang nawala na parang bula. Ito ba'y alien abduction o mas may malagim pa itong eksplanasyong paranormal? Isang bayan na naglaho. Tila hindi kapani-paniwala. Nguni't nangyari na ito sa kasaysayan. Ang American colony ng Roanoke noong 1587, Hoer Verde sa Brazil, 1923, at isang Inuit village sa Lake Anjikuni, Canada noong 1930, ay ilan lang sa mga unexplained mass disappearances. Sci-fi and horror meet sa Ang Bayang Naglaho.
like
bc
Alagad ng Diyos, Kampon ng Dimonyo
Updated at Nov 15, 2020, 05:21
Good vs. Evil. Ayon sa mga philosophers, sa kanyang most basic, Good ay bagay na beneficial o nakakatulong, Evil ay harmful, nakakasama. Kung moralidad ang batayan, Evil, ay bagay na hindi dapat ginagawa ng tao sa kanyang kapuwa, Good, ay ang tamang niyang pagtrato. Good and Evil ay nagkakaroon ng mas malalim na kahulugan kapag relihiyon ang usapan, at mas makulay na visual reference: Si Jesus Christ na tinetempt ng dimonyo sa disyerto ng Judea; Si Archangel Michael na kalaban si Lucifer. Hindi na ito Good and Evil lamang, kundi'y Good VS. Evil. Mapa-religion, philosophy o ethics, ito ang pangunahing paksa ng librong ito: Ang labanang nagaganap na since the beginning of time, hanggang sa pagwawakas ng lahat. Siyempre, hindi mawawala ang horror at suspense ng exorcism at excitement ng isang exciting na mystery story. Dahil ito ang ikatlong libro ng JHS, nagbabalik ang mga pangunahing karakter na sina Jules, Hannah at Father Sebastiano Markus at ang patuloy nilang pakikipaglaban sa dimonyo. Ito na din marahil, ang pinakamatindi nilang kaso ng exorcism na haharapin. Kapit, nagbabalik na ang JHS.
like
bc
Ang Dalawang Anino ni Satanas
Updated at Nov 14, 2020, 10:15
Satan. Lucifer. Beelzebub. The Devil. The Beast. Prince of Darkness. King of Hell. Ilan lang 'yan na mga pangalan na tawag natin sa dimonyo. Kung sa ibang bansa, siya ang diablo, djevel, duiwel, syaitan, udeveli, hudic, velnias, at marami pang pangalan na ang kahulugan lamang ay tumutukoy sa kasamaan--kampon ng kadiliman, pure evil, ang kalabang mortal ng Diyos. O sa pagkakataong ito, immortal. Pagka't ang mapanuksong dimonyo ay nasa lahat ng layaw ng mundo, handang akitin ang tao sa kasalanan. Ano nga ba itong pasinasyon natin sa dimonyo? Simula pa noong unang panahon, si Satanas ay laman na ng literatura. Hindi lamang sa bibliya, ang dimonyo ay lumabas na sa mga libro nina Dante Alighieri, John Milton, Wolfgang von Goethe, Mikhail Bulgakov, Mark Twain, Stephen King at marami pang iba. Ang pasinasyon sa dimonyo ay hindi lamang sa libro kundi pati na din sa art, musika at pelikula. In other words, napaka-irrestistible ng dimonyo...at hindi natin siya kayang i-ignore. Ang dimonyo ang pangunahing paksa ng "Ang Dalawang Anino ni Satanas." Ito ay istorya ng possession at esensya ng kasamaan na siguradong hahamon sa inyong pag-iisip. At dahil sequel ito ng "Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House," nagbabalik ang mga pangunahing mga karakter na sina Father Markus, Jules at Hannah.
like
bc
Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House
Updated at Nov 13, 2020, 03:47
Kabilang sa mga notorious na haunted house sa Pilipinas ay ang Laperal House sa Baguio, Bahay na Pula sa San Ildefonso, Bulacan, at Herrera Mansion o Bahay na Bato sa Tiaong, Quezon Province. Noong panahon ng ikalawang digmaan, ang mga bahay na ito ay saksi sa mga karumal-dumal na mga kaganapan: Mga babaeng ginahasa ng mga Hapon, mga taong pinugutan ng ulo, mga sundalong pinatay dito. Sa tatlo, ang Herrera Mansion ang pinakamalapit na inspirasyon para sa nobelang ito. Dito umano'y may makikitang dalawang multong mag-asawa na naglalakad sa hardin 'pag gabi, mga sundalong walang ulo, at tunog ng kinakaladkad na kadena sa loob. Nguni't, ang nobelang ito'y hindi lamang tungkol sa isang haunted house at ang malagim nitong mga sikreto. Ito'y tungkol din sa batang si Berta na anak ng isang simpleng magsasaka na sinapian ng isang malakas na dimonyo at sa grupo ng paranormal experts na siyang magpe-perform ng kanyang exorcism, sina Father Markus na exorcist, Hannah na psychic at si Jules na parapsychologist. Para matalo ang kampon ng kasamaan, kinakailangan ng grupo ng tulong mula sa ancient religious artifacts. THE EXORCIST MEETS INSIDIOUS MEETS THE DA VINCI CODE.
like