Story By Celeste Avery
author-avatar

Celeste Avery

ABOUTquote
Hi, I'm a new author. Hope you can love my stories and enjoy your reading.
bc
Ang Lalaking Inarkila Ko, Bilyonaryo Pala!
Updated at Nov 2, 2026, 02:00
Anak sa pangalawang asawa ng isang don si Maverick. Mukhang masunurin ito, ngunit may paghihimagsik ng kalooban, may malamig na personalidad, mailap na nilalang, at makapangyarihang lalaki sa bansang Pilipinas! "Sabihin mo kung paano mo ako pasasalamatan ngayon?" Ang tila singlamig ng yelo, buo, at puno ng kapangyarihan na boses na iyon ang umalingawngaw sa kaniyang pandinig. Namula at uminit ang mga tainga ni Sarina sa kaba. Alam niyang hindi siya makakaiwas dahil sa tuwing sinasabi iyon ni Maverick ay nagiging sunud-sunuran siyang parang daga na takot sa isang pusa. Ano ba ang nagawa niya? Paano siya nagkautang ng loob ng ganito karami sa sa lalaking ito? Nagkamali yata siya ng taong napaglaruan… dahil ang itinuturing niyang ordinaryong lalaki ay isa palang makapangyarihang bilyonaryo sa Pilipinas!
like
bc
The Billionaire's Secret Wife
Updated at Nov 2, 2026, 16:51
Ang homewrecker ang kumuha sa tatay niya. Ang anak naman ng homewrecker ang umagaw sa boyfriend niya. Sabi nga nila, sa isang relasyon, ang taong hindi mahal ang totoong third party. Nang magmakaawa sa kanya ang ex-boyfriend niya, walang pag-aalinlangang pinili ni Mayumi na makipaghiwalay. Hindi lang iyon, bigla rin siyang nagpakasal sa isang lalaking mas guwapo pa rito. Ang napangasawa niya sa whirlwind marriage nila ay isa lang daw ordinaryong office worker. Sinabi nito pa noon sa kanya na sa sobrang busy nito sa trabaho at wala na itong masyadong oras para makasama siya. Para kay Mayumi, okay lang naman iyon. Twenty-five na siya, at wala na rin siyang gana na magsimula pa ulit ng panibagong relasyon. Kaya ayos lang sa kanya na magkaroon sila ng sariling distansiya sa isa’t isa. Kahit magkahiwalay sila ng kama kapag natutulog, wala naman siyang problema roon. Pero hindi niya inakala na ang lalaking matagal niyang napabayaan ay darating din sa puntong hindi na kayang magtiis. Isang gabing malakas ang ulan at bumabagyo, palihim itong pumasok sa kama niya, niyakap ang payat niyang baywang, at mariing sinabi habang nagngingitngit ang mga ngipin, “Mayumi, ako ang asawa mo!” Hindi lang siya ang asawa niya—isa rin siyang billionaire tycoon ng Makati City na nagkakahalaga ng bilyon-bilyon. Kahit na nagkasundo silang huwag makialam sa buhay ng isa’t isa, pinilit pa rin siya nitong magkaanak para rito.
like
bc
Mr. Elizalde’s Secret Wife
Updated at Nov 2, 2026, 02:00
“Okay lang ang secret marriage, pero magkahiwalay ng kwarto? No way!” Si Allana Villareal, isang genius surgeon, ay na-drug ng isang walanghiyang lalaki kasama ang sarili niyang best friend, dahilan para mapunta siya sa kama kasama ang kapitbahay niyang si Jayce Elizalde. Pagkatapos ng gabing iyon, napilitan silang pumirma sa isang “secret marriage contract,” kung saan napagkasunduan nilang maghiwalay pagkatapos ng dalawang taon. Si Jayce Elizalde—ang kinatatakutang devil incarnate ng business world—ay nagsisi agad sa araw na na-register ang kanilang marriage. Bakit nga ba kailangan niyang itago ang asawa niya? Kung asawa niya ito, bakit kailangan itong maging lihim? Isang araw, habang may financial live broadcast, biglang nagtanong ang isang reporter: “Mr. Elizalde, paano naman po ang wedding ring na suot ninyo sa ring finger?” Tamad na iniikot ni Jayce ang wedding ring sa daliri niya. May bahagyang ngiti sa labi niya habang kalmado niyang sinabi, “Oh, mahiyain lang kasi ang wife ko.”
like
bc
One-night Stand with My Professor
Updated at Oct 21, 2026, 03:00
Parang gumuho ang buong mundo ni Cassy Torres. Ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon ay wala iba kundi ang kanyang propesor sa unibersidad. At higit pa rito, lalo siyang nabigla nang malaman niyang nagdadalang-tao na siya.   Nanginginig ang mga kamay habang inilalapag niya ang resulta ng pregnancy test sa harap ni Professor Liam Montenegro. Binigyan siya nito ng dalawang pagpipilian, kung itutuloy ba niya ang pagpapalaglag, o kung magpapakasal sila.   Sa huli, walang nagawa si Cassy kundi tanggapin ang tadhana at pakasalan ang sarili niyang guro. Pagkatapos ng kasal, magkahiwalay pa rin sila ng kuwarto at parang magkakilala lang.   Hanggang sa isang gabi, biglang lumitaw si Liam sa pintuan niya habang may bitbit na unan. “Puwede bang dito muna ako? Nasira kasi ang heater sa kuwarto ko.”    
like
bc
His Substitute Bride’s Secret Baby
Updated at Sep 30, 2026, 03:00
After marrying Brylle Garcia, nalaman ni Chelsey Suarez na nahihirapan siyang magbuntis. Sinubukan nila ang lahat, pero years passed and wala pa ring resulta. In the end, nagtagumpay lang siyang mabuntis through IVF. Akala niya, finally, matutupad na ang pangarap niyang magkaroon ng sariling pamilya. Pero isang araw, hindi sinasadyang narinig niya ang usapan ng asawa niya at ng mga kaibigan nito. "Grabe, bro. Ang ruthless talaga ng plano mo," natatawang sabi ng isa. "Ginamit mo mismo ang asawa mo para ipagbuntis ang anak ninyo ng ex mo. Kapag nanganak na siya, kukunin n'yo lang ang bata at iiwan siya." Ngumiti lang si Brylle, walang kahit kaunting guilt sa mukha. "Masakit manganak. Hindi ko hahayaang pagdaanan 'yon ni Monica" casual niyang sagot. "Besides, matagal nang gusto ni Chelsey ng anak. Binibigay ko lang naman sa kanya ang gusto niya." Parang gumuho ang mundo ni Chelsey. So that was the truth. The baby she was carrying wasn't hers and Brylle's child. Anak pala iyon ng asawa niya at ng babaeng hindi nito kailanman nakalimutan. Galit, sakit, at betrayal ang sabay-sabay na bumalot sa kanya. Pero habang pilit niyang tinatanggap ang katotohanan, may isa pang mas nakakagulat na rebelasyon ang naghihintay sa kanya sa ospital. Mababa pala ang sperm count ni Brylle. At dahil sa isang malaking pagkakamali sa IVF procedure, napagpalit ang mga embryo. Ibig sabihin... Hindi anak ni Brylle ang dinadala niya. Ang totoong ama ay isang misteryosong lalaki—isang napakamakapangyarihan at maimpluwensyang tao na walang nakakaalam kung sino. Napatulala si Chelsey. The husband she loved had betrayed her. Ang pamilyang pinangarap niya ay nakabase pala sa kasinungalingan. Pakiramdam niya, wala nang taong tunay na nagmamahal sa kanya. Pero pagkatapos ng lahat ng luha at sakit, isang desisyon ang ginawa niya. If nobody loves me, then I'll learn to love myself. Itutuloy niya ang pagbubuntis. Bubuuin niya ang sarili niyang buhay. At balang araw, pagsisisihan nilang lahat ang ginawa nila sa kanya. Kaya nang matapos ang divorce proceedings, umalis si Chelsey nang nakataas ang noo at walang balak lumingon. Pero saka lang natauhan si Brylle. Saka lang niya na-realize kung ano ang nawala sa kanya. "Chelsey!" desperado niyang sigaw habang hinahabol siya. "Please, don't leave me! Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon!" Bago pa makasagot si Chelsey, isang matangkad na lalaki ang biglang lumapit mula sa likuran niya. Agad siya nitong hinila sa bisig nito at mahigpit na niyakap. His presence alone was enough to silence everyone around them. Malamig nitong tiningnan si Brylle bago ibinaba ang tingin kay Chelsey. Then, in a low and dangerous voice, he asked, "I heard you're carrying my child?"
like
bc
Carrying the Billionaire CEO's Heir
Updated at Sep 3, 2026, 21:00
Isang araw, buong tapang na nagtapat si Rhian Tala Sebastian kay Aries San Mateo na buntis siya. Kinabukasan, wala pang isang araw ang lumipas, nasa Hall of Justice na sila para sa isang biglaang kasal. Walang engrandeng seremonya, walang paghahanda, isang kasal na ginawa dahil sa sitwasyon na kinasangkutan nila. At nang sumapit ang gabi, lumipat na agad si Tala sa mala-mansion na bahay ni Aries sa Forbes Park. Bilang executive assistant ni Aries, kabisado ni Tala ang ugali at galaw ng kanyang boss. Alam na alam niya na walang bagay na ibinibigay nang libre ang isang lalaking tulad ni Aries San Mateo. Kaya nang sabihin nito ang mga kondisyon ng kasal nila, hindi na siya nagulat. "Kapag naipanganak mo na ang bata, maghihiwalay na tayo," malamig na sabi ni Aries. "At sa akin mapupunta ang custody ng anak natin." Dahil baon si Tala sa sarili niyang mga problema at wala siyang laban sa isang lalaking may kapangyarihan, pera, at impluwensya tulad ni Aries, alam niyang mahirap ipaglaban ang karapatan niya bilang ina. Wala siyang nagawa kundi ang tumango at pumayag. Pero habang lumilipas ang mga araw at patuloy na lumalaki ang tiyan niya, unti-unting nagbago ang ihip ng hangin. Ang dating malamig at walang pakialam na si Aries San Mateo ay nagsimulang magpakita ng isang panig na hindi pa nakita ni Tala. "Ms. Sebastian, don't forget your prenatal checkup this month. Magpasama ka sa driver." "Tala, kailan ang checkup mo ngayong buwan? Sabihin mo sa akin para ma-remind kita."       "Tala, sa ika-15 ang checkup mo, tama? I'll clear my schedule. Ako na ang sasama sa'yo." "Wife, bukas na ang checkup mo! Naka-pack na lahat ng kailangan natin, pati baby bag." Hindi namalayan ni Tala na ang lalaking dating parang bato ay unti-unting natutunaw dahil sa maliit na buhay na lumalaki sa kanyang sinapupunan. At nang unang maramdaman ni Aries ang pagsipa ng kanilang anak sa tiyan ni Tala, hindi niya napigilan ang saya sa kanyang mukha. Hindi ito maipinta sa sobrang tuwa. Sa isip-isip ni Tala, mukha na itong kakaiba sa sobrang laki ng ngiti nito, malayo sa seryoso at malamig na CEO na nakilala niya noon. Nakatitig si Aries sa kanya habang nakapatong pa rin ang kamay sa kanyang tiyan. Pagkatapos, bigla itong nagsalita sa mahinang boses. "Wife..." Napatingin si Tala sa kanya. "Pwede bang huwag na tayong maghiwalay?" Natigilan siya.   "You can have the baby..." Ngumiti si Aries habang mahigpit na hawak ang kamay niya. "And you can have me, too.”
like