bc

His Substitute Bride’s Secret Baby

book_age12+
detail_authorizedAUTHORIZED
61
FOLLOW
1K
READ
billionaire
like
intro-logo
Blurb

After marrying Brylle Garcia, nalaman ni Chelsey Suarez na nahihirapan siyang magbuntis. Sinubukan nila ang lahat, pero years passed and wala pa ring resulta. In the end, nagtagumpay lang siyang mabuntis through IVF.

Akala niya, finally, matutupad na ang pangarap niyang magkaroon ng sariling pamilya.

Pero isang araw, hindi sinasadyang narinig niya ang usapan ng asawa niya at ng mga kaibigan nito.

"Grabe, bro. Ang ruthless talaga ng plano mo," natatawang sabi ng isa. "Ginamit mo mismo ang asawa mo para ipagbuntis ang anak ninyo ng ex mo. Kapag nanganak na siya, kukunin n'yo lang ang bata at iiwan siya."

Ngumiti lang si Brylle, walang kahit kaunting guilt sa mukha.

"Masakit manganak. Hindi ko hahayaang pagdaanan 'yon ni Monica" casual niyang sagot. "Besides, matagal nang gusto ni Chelsey ng anak. Binibigay ko lang naman sa kanya ang gusto niya."

Parang gumuho ang mundo ni Chelsey.

So that was the truth.

The baby she was carrying wasn't hers and Brylle's child.

Anak pala iyon ng asawa niya at ng babaeng hindi nito kailanman nakalimutan.

Galit, sakit, at betrayal ang sabay-sabay na bumalot sa kanya.

Pero habang pilit niyang tinatanggap ang katotohanan, may isa pang mas nakakagulat na rebelasyon ang naghihintay sa kanya sa ospital.

Mababa pala ang sperm count ni Brylle.

At dahil sa isang malaking pagkakamali sa IVF procedure, napagpalit ang mga embryo.

Ibig sabihin...

Hindi anak ni Brylle ang dinadala niya.

Ang totoong ama ay isang misteryosong lalaki—isang napakamakapangyarihan at maimpluwensyang tao na walang nakakaalam kung sino.

Napatulala si Chelsey.

The husband she loved had betrayed her. Ang pamilyang pinangarap niya ay nakabase pala sa kasinungalingan.

Pakiramdam niya, wala nang taong tunay na nagmamahal sa kanya.

Pero pagkatapos ng lahat ng luha at sakit, isang desisyon ang ginawa niya.

If nobody loves me, then I'll learn to love myself.

Itutuloy niya ang pagbubuntis. Bubuuin niya ang sarili niyang buhay. At balang araw, pagsisisihan nilang lahat ang ginawa nila sa kanya.

Kaya nang matapos ang divorce proceedings, umalis si Chelsey nang nakataas ang noo at walang balak lumingon.

Pero saka lang natauhan si Brylle.

Saka lang niya na-realize kung ano ang nawala sa kanya.

"Chelsey!" desperado niyang sigaw habang hinahabol siya. "Please, don't leave me! Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon!"

Bago pa makasagot si Chelsey, isang matangkad na lalaki ang biglang lumapit mula sa likuran niya.

Agad siya nitong hinila sa bisig nito at mahigpit na niyakap.

His presence alone was enough to silence everyone around them.

Malamig nitong tiningnan si Brylle bago ibinaba ang tingin kay Chelsey.

Then, in a low and dangerous voice, he asked,

"I heard you're carrying my child?"

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Mrs. Garcia, mukhang successful ang IVF procedure mo this time." "Both you and the babies are healthy and doing well so far." Nakaupo si Chelsey Suarez sa harap ng reproductive specialist, hawak ang latest ultrasound report sa nanginginig niyang mga kamay. For the first time in a long while, a genuine smile appeared on her face. "Thank you, Doc," she said softly. "Looks like all the sacrifices were worth it after all." Hindi niya maiwasang maalala ang unang IVF attempt niya. It had failed. Takot siyang masaktan at madismaya si Brylle, kaya hindi niya sinabi ang buong katotohanan. Instead, palihim siyang sumailalim sa isa pang procedure habang sinasabing routine follow-up checkup lang iyon. Fortunately, the second attempt was successful. She was finally pregnant. At hindi lang isa. She was carrying twins. Akmang tatayo na sana si Chelsey nang may naalala siya. "Doc Ronquillo," she said, turning back. "Please don't tell Brylle about the first failed IVF cycle. Ayoko nang mag-alala pa siya tungkol doon. Tapos na rin naman." Dr. Ronquillo smiled and nodded. "Don't worry. Your medical information is confidential." Paglabas niya ng opisina, hindi napigilan ni Chelsey na mapangiti habang hinahaplos ang tiyan niya. Naalala niya ang araw na nalaman nilang parehong blocked ang kanyang fallopian tubes. Pakiramdam niya noon, gumuho ang buong mundo niya. Pero hindi siya iniwan ni Brylle. Instead, mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. "Don't be scared," he had told her gently. "Advanced na ang technology ngayon. We still have IVF. We'll get through this together." Naaalala pa rin niya kung gaano siya na-touch sa mga salitang iyon. Even Dr. Ronquillo couldn't help but praise her husband. "Mr. Garcia is a very devoted husband. You're lucky to have someone who supports you this much." At naniwala si Chelsey doon. Kaya kahit dalawang beses siyang dumaan sa masakit na proseso ng IVF, kahit ilang beses siyang umiyak sa takot at pagod, never siyang nagreklamo. As long as maipapanganak niya nang ligtas ang mga babies nila... As long as mabubuo at mananatiling buo ang pamilya nila... Sulit ang lahat ng sakit, pagod, at paghihintay niya. Excited na hinawakan ni Chelsey ang ultrasound photos bago maingat na itinago ang mga ito sa bag niya. Hindi na siya makapaghintay na makita si Brylle at sabihin ang balitang matagal na nilang hinihintay. May masayang ngiti sa mukha na umalis siya ng ospital at dumiretso sa Garcia Group Headquarters. Siguro dahil lunch break na, halos wala nang tao sa mga hallway ng kumpanya. Pagdating niya sa floor kung saan naroon ang CEO's Office, napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto. Hindi na napigilan ni Chelsey ang mapangiti. Excited siyang ibalita kay Brylle na magiging ama na ito. Akmang kakatok na sana siya nang bigla siyang natigilan. May narinig siyang pamilyar na boses mula sa loob. May halong pang-aasar ang tono nito. "Uy, Brylle. Pre, ang tapang mo talagang gawin 'to." "Pinapadala mo si Ate para magbuntis para kay Monica. Kapag nalaman niyang anak mo pala at ni Monica ang dinadala niya, baka magwala talaga 'yon." Biglang tumigil ang kamay ni Chelsey sa ere. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Isa iyon sa mga matalik na kaibigan ni Brylle. Biglang nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Nagkakamali lang ba siya ng dinig? Pero bago pa siya makapag-isip, narinig niya ang malamig na tawa ni Brylle. "Magwala?" mapanuyang ulit nito. "Anong karapatan niyang magwala?" Nanigas si Chelsey. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo. "Kung hindi niya niloko noon si Monica at pinilit na paalisin, hindi sana kami nagkahiwalay. Hindi sana napilitang umalis ng bansa si Monica." "Utang niya 'to sa amin. Bukod pa roon, dapat nga magpasalamat siya. Ang maipagbuntis at maipanganak ang anak namin ni Monica is already an honor for her." Parang may malakas na puwersang humampas sa dibdib ni Chelsey. Unti-unting nawala ang kulay sa mukha niya. Instinctively, ay napahawak siya sa tiyan niya. Hindi niya alam kung paano huminga at kung paano tatanggapin ang mga salitang naririnig niya. "Pero, Brylle..." alanganing sabi ng kaibigan nito. "Ang dami nang pinagdaanan ni Chelsey nitong nakaraang anim na buwan." Lalong lumamig ang boses ni Brylle. "Mahina ang katawan ni Monica." "Ayaw kong maranasan niya ang hirap at sakit ng pagbubuntis." "How could I let her suffer?" Sandaling tumahimik ang loob ng opisina. Pagkatapos ay muling nagsalita si Brylle. "And besides..." "Matagal nang gustong magkaroon ng anak ni Chelsey para sa akin." "Whether the child comes from Chelsey or Monica, anak ko pa rin naman iyon." Napailing ang kaibigan niya. "Grabe ka talaga, pre." Bahagyang natawa si Brylle. "Huwag mo akong sabihang walang puso." "Kapag nanganak siya nang maayos, bibigyan ko naman siya ng sapat na pera bilang kabayaran." Naputol ang usapan nang muling magsalita ang kaibigan niya. "Pero paano kung—" Alam na agad ni Brylle ang gustong sabihin nito. Matalim na pinutol niya ang salita nito. "Walang 'paano kung.'" Biglang tumigas ang boses niya. "At tandaan n'yo..." "Hinding-hindi niya dapat malaman ang tungkol dito.” "Huwag na huwag lang magkakaroon ng kahit anong problema ang anak namin ni Monica." Hindi na matandaan ni Chelsey kung paano siya nakaalis sa harap ng opisina. Nang mahimasmasan siya, nasa hagdanan na siya ng building. Nanginginig ang buong katawan niya. Kung hindi lang siya mahigpit na nakakapit sa rehas, baka tuluyan na siyang bumagsak sa sahig. Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata. So that was the truth. Yung batang buong ingat niyang inalagaan sa loob ng dalawang buwan... Yung batang handa niyang isugal ang lahat para maprotektahan... Ay para pala kina Brylle at Monica. Mula sa simula hanggang dulo, isa lang pala siyang instrumento. Isang taong gagamitin para ipagbuntis at ipanganak ang anak ng iba. Napakakatawa. Sobrang nakakatawa. Lahat ng pagmamahal, pag-aalaga, at pangakong binitiwan ni Brylle sa kanya... Puro kasinungalingan lang pala. Pero biglang may naalala si Chelsey. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya. Sandali... Hindi ba't nabigo ang unang IVF procedure niya? Ang pagbubuntis niya ngayon ay nangyari lang matapos ang pangalawang attempt. Kung ganoon... Anak ba talaga nina Brylle at Monica ang dinadala niya? O may iba pang nangyari na hindi niya alam? "Hindi..." Mahigpit niyang hinawakan ang tiyan niya. "Hindi pwedeng ganito lang." "Kailangan kong malaman ang totoo." Mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa mukha niya. Pagkatapos ay tumalikod siya at halos patakbong bumaba ng hagdan. Diretso siyang bumalik sa ospital. Pagdating doon, agad niyang hinanap si Dr. Ronquillo. Bukas ang pinto ng opisina nito. Wala na siyang pasensya para kumatok kaya dire-diretso siyang pumasok. At agad niyang nadatnan ang isang eksenang nagpahinto sa kanya. Galit na galit si Dr. Ronquillo habang pinapagalitan nito ang isang batang nurse na tuloy-tuloy sa pag-iyak. Nanginginig ang mga balikat nito habang desperado itong nagpapaliwanag. "Dr. Ronquillo, hindi ko po talaga sinasadya." "First time ko po kasing ma-assign sa sperm bank noon." "Mali po ang nabasa kong code..." Pagkarinig sa pagbukas ng pinto, sabay na napalingon ang dalawa. Nang makita si Chelsey, agad na nagbago ang ekspresyon ni Dr. Ronquillo. Nawala ang galit sa mukha nito at napalitan ng takot. Samantalang ang nurse naman ay biglang yumuko at mahigpit na pinisil ang laylayan ng uniporme niya. Malamig ang boses ni Chelsey nang magsalita. "Dr. Ronquillo." "Wala akong oras para makinig sa sermon ninyo." Diretso siyang tumingin sa doktor. "Sabihin ninyo sa akin ang totoo." "Kaninong embryo ang nasa tiyan ko?" Parang nawalan ng dugo ang mukha ni Dr. Ronquillo. Namutla ito nang husto. "Mrs. Garcia..." nanginginig nitong sabi. "A-Alam n'yo na po ba?" "Isa po itong aksidente." Mabilis nitong itinuro ang nurse sa gilid. "Siya po ang nagkamali." "Baguhan pa lang siya noon. Noong kumuha siya ng sample sa sperm bank dalawang buwan na ang nakalipas, mali po ang code na nabasa niya." "Late ko na po nalaman ang nangyari..." "At noong nalaman ko, huli na ang lahat." Maling code? Maling sample? Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Chelsey. Pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niya. Dahan-dahang bumaba ang tingin ni Dr. Ronquillo sa tiyan niya. Parang may gusto pa itong sabihin pero nag-aalinlangan. "Dr. Ronquillo." Matalim ang tingin ni Chelsey. "Who is the father?" Napapikit ang doktor. Pagkatapos ay mabigat itong huminga. At sa wakas, inamin nito ang katotohanan. "Mrs. Garcia..." "Ang sperm sample na ginamit para sa embryo na dinadala ninyo..." Bahagya itong natigilan. "Hindi po kay Brylle Garcia." Parang tumigil ang t***k ng puso ni Chelsey. "Ano'ng ibig ninyong sabihin?" "Paano naman ang egg cell ko?" Matigas ang boses niya habang nakatitig kay Dr. Ronquillo. "At kung may iba pa kayong itinatago sa akin, sisiguraduhin kong magsisisi kayo." "Ipapasara ko ang ospital na ito kung kinakailangan." "At hindi ako nagbibiro." Napalunok si Dr. Ronquillo. "Mrs. Garcia, sasabihin ko na po ang lahat." Huminga muna ito nang malalim bago nagpatuloy. "Ang embryo na nasa sinapupunan ninyo ay hindi gumagamit ng sperm sample ni Mr. Garcia." May inabot itong dokumento kay Chelsey. "Ang sperm sample po ay pag-aari ni Mr. Leon Ellison ng Ellison Group." Bahagyang kumunot ang noo ni Chelsey. Si Leon Ellison? Nagpatuloy si Dr. Ronquillo. "Dalawang taon na ang nakalipas, naaksidente po si Mr. Ellison at muntik nang mamatay." "Dahil limang henerasyon nang puro lalaki ang tagapagmana ng pamilya Ellison, nagpasya silang i-preserve at i-store ang sperm sample niya rito bilang pag-iingat." "Kalaunan, nakarekober naman siya." "Pero hindi na nila kinuha ang sample." Tahimik na nakinig si Chelsey habang unti-unting bumibigat ang pakiramdam niya. "Yung unang IVF procedure ninyo ang nabigo dahil mababa ang quality ng sperm sample ni Mr. Garcia. Nagkaroon din ng problema sa mga egg cell na nakuha noon." "Kaya noong pangalawang IVF cycle, kumuha tayo ng bagong egg cells mula sa inyo." "Alam n'yo naman po iyon." Dahan-dahang tumango si Chelsey. Naalala niya ang pangalawang procedure. "Ang problema po..." Nanginginig na ang boses ni Dr. Ronquillo. "Sa proseso ng fertilization, nagkamali ulit ng code na nakuha ang nurse." "Kaya ang ginamit na sperm sample ay hindi kay Mr. Garcia." Pakiramdam ni Chelsey ay may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya. Nanlamig ang buong katawan niya. "So..." Mabigat ang bawat salitang lumabas sa bibig niya. "Yung baby..." Tumango si Dr. Ronquillo. "Sa inyo po galing ang egg cell." "At biologically, anak ninyo po ang batang dinadala ninyo." "Pero..." Bahagya itong natigilan. "Hindi po si Brylle Garcia ang ama." Namutla si Chelsey. Sa loob lamang ng ilang oras, para siyang isinakay sa isang roller coaster ng mga pangyayari. Kanina lang, akala niya ginagamit siya bilang surrogate para kina Brylle at Monica. Ngayon naman, nalaman niyang nabigo pala ang embryo na para sana sa dalawa. At ang pangalawang IVF procedure na lihim niyang ginawa... Ay nagresulta sa pagbubuntis gamit ang sperm sample ng ibang lalaki. Para siyang binibiro ng tadhana. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o iiyak. Dahan-dahan niyang inilagay ang kamay sa tiyan niya. Biglang sumagi sa isip niya ang mukha ni Brylle. Yung Brylle na humawak sa kamay niya at nagsabing, "Don't be scared. Nandito lang ako." At yung Brylle na malamig na nagsabing, "It should be an honor for her to carry my child with Monica." Magkaibang mukha. Magkaibang tao. At pareho niyang kinamuhian sa sandaling iyon. Naramdaman niyang kumulo ang sikmura niya. Kung hindi nabigo ang embryo nina Brylle at Monica... Malamang ay dinadala niya ngayon ang anak ng asawa niya at ng ibang babae. Sa isip pa lang, gusto na niyang masuka. Maya-maya, ay kusang tumigil ang mga luha niya. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga ito gamit ang likod ng kanyang kamay. Pag-angat niya ng ulo, wala na ang sakit sa kanynag mga mata at puro lamig na lamang. Tahimik ang buong opisina at walang naglakas-loob na magsalita. Lumapit si Chelsey kay Dr. Ronquillo. "Ang nangyari rito..." Malamig ang boses na sabi niya. "Tayong tatlo lang ang makakaalam." Nagkatinginan si Dr. Ronquillo at ang nurse. "Mrs. Garcia, kami po—" Hindi na nito natapos ang sasabihin. Isang tingin lang ni Chelsey ang nagpatahimik dito. "Pwede kong palampasin ang pagkakamali ninyo." "Pero kapag may ibang taong nakaalam nito..." Bahagya siyang huminto. "Unang-una, sisiguraduhin kong magsasara ang ospital na ito." Pagkatapos ay tumingin siya nang diretso kay Dr. Ronquillo. "At pangalawa..." "Babawiin ang medical license mo at hinding-hindi ka na makakapag-practice pa bilang doktor habang buhay.” "Pangatlo..." Dahan-dahang ibinaling ni Chelsey ang tingin sa nurse. Namutla lalo ang babae. "Miss Nurse, sa tingin mo ba sapat na dahilan ang pagkakamali mo at ang pagtatago ninyo ng aksidenteng ito para makasuhan ka?" Bahagyang huminto si Chelsey bago malamig na nagpatuloy. "At para makulong ka ng ilang taon?" Agad na nanghina ang mga tuhod ng nurse. Halos maiyak na naman ito. "Mrs. Garcia, please..." "Hindi po kami magsasalita. Nangangako po kami." "Wala pong makakaalam nito." Mabilis ding tumango si Dr. Ronquillo. "Mrs. Garcia, please trust us. We won't tell anyone." Hindi na sila nilingon pa ni Chelsey. Sa lahat ng nangyari ngayong araw, isa lang ang ipinagpapasalamat niya. At least, sa kanya ang batang dinadala niya. Hindi ito anak nina Brylle at Monica. Hindi rin ito bunga ng pagmamahalan ng ibang tao. Ang batang nasa sinapupunan niya ay anak niya. At sapat na iyon. Tungkol naman kay Leon Ellison at sa pamilya Ellison... Hangga't walang magsasalita, walang makakaalam ng katotohanan. Huminga siya nang malalim bago tahimik na lumabas ng opisina. Sa bawat hakbang niya, lalong tumitibay ang isang desisyon sa isip niya. Kailangan niyang makipaghiwalay. Ayaw na niyang manatili kahit isang segundo pa sa pamilya Garcia. At lalong ayaw na niyang manatili sa tabi ni Brylle. Sa tuwing maaalala niya ang mga kasinungalingan nito, nasusuka siya. Mula ngayon... Sarili niya at ang anak niya na lang ang mahalaga. Pagod na pagod nang makauwi si Chelsey. Pagbukas niya ng pinto, kusang umilaw ang hallway dahil sa motion sensor. Tahimik ang buong bahay. Walang tao. Dati, akala niya isa itong mainit at masayang tahanan. Ngayon, para na lang itong isang magandang kulungan. Isang kulungang maingat na ginawa ni Brylle para panatilihin siyang nakatali rito. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Diretso siyang pumunta sa kwarto para mag-impake. Pero nang buksan niya ang walk-in closet, saka niya napansing napakakaunti pala ng mga gamit niya. Napangiti siya nang mapait. Noong panahong akala ng lahat na siya ang tunay na anak ng pamilya Suarez, halos magmakaawa ang pamilya Garcia na mapangasawa siya ni Brylle. Gusto nila ang koneksyon at kapangyarihan ng pamilya Suarez. Kahit si Monica noon ay minaliit nila dahil mahirap ang pamilya nito. Nagbigay pa sila ng pera rito para umalis ito ng bansa. Pero hindi alam ni Brylle ang lahat ng iyon. Hanggang ngayon, naniniwala pa rin itong si Chelsey ang dahilan kung bakit nawala si Monica sa buhay niya. Kaya kahit napilitan siyang magpakasal dahil sa kagustuhan ng pamilya niya, hindi niya kailanman napatawad si Chelsey. Ilang buwan matapos ang kasal nila, biglang nagbago ang lahat. Nalaman ng pamilya Suarez na hindi pala tunay nilang anak si Chelsey. Nang matagpuan nila ang kanilang biological daughter, agad na bumalik dito ang lahat ng pagmamahal, atensyon, at pag-aarugang dating para kay Chelsey. At si Chelsey? Parang isang taong hindi na kailangan. Isang taong madaling palitan at kalimutan. Kasabay noon, nag-iba rin ang pakikitungo ng pamilya Garcia sa kanya. Dati, halos hindi siya maabot ng mga ito sa sobrang pagtrato bilang future daughter-in-law. Ngayon, para na lang siyang isang pagkakamaling gusto nilang burahin. Wala na siyang halaga sa mga mata nila. Hindi na siya ang heiress ng pamilya Suarez na gusto nilang maging bahagi ng pamilya Garcia. Mula sa pagiging prinsesang kinaiinggitan ng lahat, naging pabigat siya sa paningin nila. Lalo na si Mary Garcia. Halos araw-araw, may bago itong paraan para iparamdam kay Chelsey na hindi siya karapat-dapat manatili sa pamilya. Para bang hinihintay na lang nitong mapagod siya at kusang humingi ng divorce. Pero may isang tao na hindi kailanman nagbago ang pagtingin sa kanya. Si Lola Garcia. Tuwing weekend, umuuwi ito mula sa nursing home. At sa buong pamilya Garcia, ito lang ang taong tunay na nagmalasakit at nagmahal kay Chelsey. Nang maisip niya ang matanda, napabuntong-hininga siya. Anuman ang mangyari, gusto niya muna itong makita. Kaya matapos mag-impake ng ilang damit, isinara niya ang maleta at nagtungo sa Garcia Mansion. Pagpasok pa lang niya sa sala, may isang bagay nang lumipad papunta sa kanya. "May lakas ka pang magpakita rito?!" Sigaw iyon ni Mary Garcia. Mabilis na umiwas si Chelsey. Isang mansanas ang biglang inihagis sa kanya. Mabilis na nakaiwas si Chelsey. Bumagsak ang mansanas sa sahig at gumulong sa paanan ng sofa. Lalong nagdilim ang mukha ni Mary. Walang sabi-sabing lumapit ito at itinaas ang kamay. Akmang sasampalin siya. Pero sa pagkakataong ito, hindi na basta tatanggapin ni Chelsey ang lahat. Mabilis niyang sinalubong ang kamay ni Mary at mahigpit na hinawakan ang pulso nito. "Tama na po.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.4K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
16.0K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.3K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
835.4K
bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
484.4K
bc

In Bed With Kuya Red

read
57.4K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook