Story By ROSAS
author-avatar

ROSAS

ABOUTquote
NASA "W" ORANGE APP PO NAKA UPLOAD ANG IBANG STORIES KO. https://www.wattpad.com/user/iamROSAS
bc
NEW STORIES
Updated at Apr 9, 2026, 00:22
I have new stories that I am planning to upload here soon. First is the Smith Family Series. I Am Georgia featuring Georgia Elizabeth Smith-Sy Bad Man featuring Anthony Lloyd Smith-Yee When He Loves Her featuring Blake Lloyd Smith Yee If you love powerful characters, intense emotions, and stories filled with passion, drama, and danger, then the Smith Family stories are for you. I also have stories that are not connected to my previous ones. My Lovely Girl is a romcom story. If you want something fun, light, and full of moments that will make you laugh and smile, then this story is for you. Painted Skin is also not connected to any of my previous stories. If you love trauma, pain, and revenge stories that will hit hard, then this one is definitely for you. I hope you will support my upcoming stories and join me once I start uploading them.
like
bc
When Georgina Falls in Love
Updated at Apr 1, 2026, 09:43
Paano nga ba magmahal ng taong may mahal nang iba? Si Georgina Elizabeth Smith-Sy ay anak at kapatid ng isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa mundo. Kilala sila hindi lang sa legal na negosyo kundi pati sa illegal na kalakaran. Isang apelyidong kinatatakutan at iginagalang ng lahat. Nasa kanya na ang lahat. Yaman, kapangyarihan, at impluwensya. Pero sapat na ba ang lahat ng iyon para makuha ang puso ng lalaking mahal niya? Sa kabila ng lahat ng kaya niyang ibigay, iisa lang ang hindi niya makuha. Ang pagmamahal ng lalaking unang nagpatibok sa puso niya. Isang lalaking nananatiling nakakulong sa nakaraan at sa alaala ng babaeng minahal niya nang buong puso. Isang babaeng wala na. Isang babaeng hindi na kailanman babalik. Pero paano kung ang pinakamahirap na kalaban ay hindi ang mga taong buhay, kundi ang alaala ng isang taong patay na, ngunit patuloy na nabubuhay sa puso ng lalaking mahal mo? Hanggang kailan kakayanin ni Georgina na ipaglaban ang isang pusong hindi naman sa kanya? At sa huli, pipiliin ba niyang manatili at magmahal, o palalayain ang sarili mula sa isang pag-ibig na hindi kailanman magiging kanya?
like
bc
Couple or Trouble
Updated at Jul 15, 2020, 18:42
Hindi lahat ng pagtanggi ay kayang tanggapin. Lalo na kung ikaw si Bettina. Nagsimula ang lahat sa isang business appointment na hindi niya nakuha. Isang bagay na labis niyang ikinagalit, lalo na nang harap harapan siyang tanggihan ng lalaking iyon. Sa mundong ginagalawan niya, hindi uso ang salitang no. Kaya para sa kanya, ang ginawa nito ay hindi lamang simpleng pagtanggi kundi isang matinding pagyurak sa kanyang pagkatao. At dahil doon, sinigurado niyang makakaganti siya. Pinahiya niya ito mismo sa harap ng kasama nito, walang pag aatubili at walang pakundangan. Ngunit hindi niya inaasahan na sa simpleng eksenang iyon, may isang taong muling magigising ang interes. Sa unang pagkakataon, may isang babaeng nakakuha ng atensyon ni Thunder. Isang babaeng malakas kumain. Isang babaeng kakaiba sa lahat ng nakilala niya. At sa kabila ng lahat, hindi niya maitatanggi ang paghanga sa taglay nitong kagandahan at sa hubog ng katawan nito na tila ba hindi naaapektuhan ng dami ng kinakain nito. Sa halip na magalit sa ginawa nito, isang ngiti ang kusang sumilay sa kanyang mga labi. Isang ngiting agad na naunawaan ng kanyang kaibigan. Trouble. And he likes it. Sa kabila ng magulong simula, tila may kakaibang koneksyon na unti unting nabubuo sa pagitan nilang dalawa. Pero paano hahantong sa pagmamahalan ang dalawang taong nagsimula sa gulo? At paano kung ang isang simpleng pagtanggi ay maging simula ng isang relasyong hindi na nila kayang takasan? From enemy to wifey. How? 💍🔥
like