I always wanted to write since I was a kid. They say I\'m a dreamer and a hopeless romantic and they are right. When I close my eyes my mind automatically runs and create kilig stories which I love to share to everyone.
I hope I can imagine more stories to prove that love is timeless and real.
Malas. Yan ang palaging nasa isip ni Sam pag nakikita niya si Mark Lester dahil palaging may masamang nangyayari sa kanya sa tuwing nagkakatagpo ang kanilang mga landas.
Pusang itim kung tratuhin niya ito. Pinangingilagan. Kinakatakutan.
Lapitin yata siya ng malas dahil mula elementary hanggang kolehiyo ay palaging nagkakatagpo ang kanilang mga landas.
Ngayong naka-graduate na siya ng kolehiyo, nakahinga na siya ng maluwag-luwag dahil nakahanap siya ng trabaho sa Estados Unidos.
Limang taon siyang naging malaya sa sumpa ngunit kinailangan niyang bumalik sa Pinas para alagaan ang kanyang may sakit na ama.
Akala niya di na sila ulit magkukrus ng landas. Hanggang sa pinatawag siya sa opisina ng kanyang boss. Parang may puwersa na nagpapahinto sa kanyang pumasok ng pinto ngunit huli na nang pagbukas niya ng pinto ay napatingin siya sa mga matang pamilyar na pamilyar sa kanya.
Bumalik ang takot sa puso niya. Lalo na ng makita niya ang mga mata nitong galit habang papalapit sa kanya.
Mas lalong lumaki ang katawan nito at pakiwari niya hindi na ito yung pusang itim na nakilala niya noon. Isa na itong mabangis na jaguar na magdudulot ng panganib ulit hindi lang sa buhay niya pati na rin sa puso niya.
"Hindi ka na makakatakas sa'kin," ani nito. Nanunuot ang mga tingin nito at pakiwari niya'y sa tingin palang ay kaya na siya nitong angkinin.
Magagawa pa kaya niyang makatakas sa sumpa ng lalaking ito?