I Slept with My CEO Best FriendUpdated at Mar 23, 2025, 03:12
EUNA was head over heels in love with her best friend since time immemorial. Mga bata pa lamang sila’y may lihim na siyang pagtatangi sa matalik niyang kaibigang si Ryker. She considered him not just her best friend, he was also her savior, her protector…her knight-in-shining-armor. Kaya naman iningatan niya ang damdamin niya rito hanggang sa sila’y magdalaga’t magbinata. But Ryker didn’t love her as much as she did. Ang tingin lang nito sa kaniya’y isang kaibigan at nakababatang kapatid na babae. She didn’t lose hope, instead she loved him still…in silence. She cherished her love for him in quiet whispers. Until one morning, she woke up in his bed…naked! Akala niya’y magkakaroon na ng katugunan ang pag-ibig niya. Ngunit wala itong maalala sa namagitan sa kanila. Ang masaklap pa sa lahat, inakala nitong si Cassandra ang nakasiping nito—ang babaeng mahal nito. Pinilit niyang kalimutan ang nangyari. She lived her life as if nothing happened. Okay na sana ang lahat para kay Euna, tanggap na niya. Ngunit nagulantang na lamang siya isang araw na nahihilo siya’t nagduduwal. She was pregnant! Pinlano niyang magtapat, but her world shattered into pieces. “I and Cassandra are getting married. She’s pregnant, Sab,” masayang balita ni Ryker sa kaniya. Ano’ng gagawin niya? Gusto niyang sabihin ang lahat sa binata. Gusto niyang ipaalala rito ang gabing may pinagsaluhan sila. Pero paano naman niya gagawin iyon kung may nabuntis din itong iba? Paano niya gagawin iyon kung sa simula pa lamang ay talo na siya? Wala siyang laban kay Cassandra, sapagkat ito ang mahal ng binata. Samantalang siya’y kaibigang matalik lamang nito. She was Euna Sabrina Santiago dela Fuente. She slept with her CEO best friend, and now she was carrying his child!