Prologue
DEREDERETSONG naglakad si Dwight sa kinaroroonang Ninoy Aquino International Airport. Kararating lang niya galing sa one month business trip sa bansang Italy kung saan nagtayo siya ng panibagong branch ng kompanya niya roon. Mahigit kumulang dalawang taon pa lang mula nang maipatayo niya ang kompanya sa bansa ng mga Italyano, pero masasabi niyang isa na iyon sa mga lumalagong negosyo niya.
Elliegance Timeless Grace Beauty Essentials was one of his businesses under DMSolivan Group of Companies. It catered one of the bests and soaring international brands of beauty products for men and women locally and abroad. At masasabi niyang mabilis ang paglago ng business niyang iyon dahil bukod sa kilala siya sa larangan ng negosyo ay talaga namang maganda rin ang epekto ng mga produktong ibinibenta nila. Their brands received positive feedbacks on wide variety of consumers worldwide.
Dwight peered at his Breitling watch. "Freak!" Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapagtantong mahigit kumulang kinse minutos na siyang naghihintay sa sundo niya. Busy siyang tao, kaya't bawat segundo sa kaniya ay mahalaga. Ayaw niya ng pinaghihintay kahit pa isang segundo lang iyan.
Ito na nga ba ang sinasabi niya. Kaya mas gusto niyang mag-chopper na lang pauwi ng Pilipinas. Kaso hindi niya magamit. Hiniram kasi iyon ng buwesit niyang kakambal. Ewan kung ano'ng pinagkakaabalahan nito na basta na lang hiniram ni Dwayne ang chopper niya. Hindi na lang kasi ito bumili ng sarili nito. Tutal marami rin naman itong pera, at may sarili ring negosyo. Inabala pa siya. Kita nang busy siyang tao.
Nagpalinga-linga siya. Nakita niya ang mga kababaihang tila kinikilig habang nakatingin sa kaniya. Ang iba'y nagbubulungan habang tila naghuhugis-puso ang mga matang nakatitig sa kaniya. Mayroon namang halos magkisay-kisay habang pinagmamasdan siya.
Napailing siya. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa angkin niyang karisma? His physique said it all. He was tall, about six feet, two inches in height. He had that well-built body any Eve would surely fantasize. Hindi naman siya kaputian, pero hindi rin naman maitim. Sakto lang kung baga. Lalaking-lalaki ang kulay ng balat niya, pero malinis tingnan. He had perfectly shaped face, pointed nose, thin kissable lips na kahit sinong lahi ni Eba ay mababaliw sa sarap kapag natikman ang mga halik niya. And his eyes paired with thick brows, everyone commented that it was tantalizing na kapag tumitig daw siya ay makalaglag panty. He had that long hair na hanggang balikat niya ang haba na kung hindi man niya inilulugay ay itinatali naman niya sa bandang likuran katulad ngayon. Ang mahaba niyang buhok ay hindi nakabawas sa p*********i niya, bagkus ay nakadagdag pa nga iyon. He looked so hot with his long waivy hair.
Naglakad siya patungong waiting area. He swore, katakot-takot na bulyaw ang aanihin ng susundo sa kaniya.
"What the heck!" mura niya nang may bumangga sa kaniyang binti. Buwesit na nga ang araw niya, dumagdag pa ang kung sinuman o ano mang nakabangga sa kaniya. Inis na binalingan niya iyon. He was about to speak nang may matinis na boses siyang narinig sa gawing unahan niya. Kunot-noo siyang napabaling doon.
"Hey, you! What did you do to my twin brother?" akusa ng isang batang babae sa kaniya. Nakapameywang ito, at tila gigil na gigil. Namumula ang ilong nito, at salubong ang mga kilay na nakatitig sa kaniya.
Amused niyang tinitigan ang batang babae. Imbis na mainis ay gusto niyang matawa sa hitsura nito. Ang tapang-tapang. Akala mo naman, eh, ang laki-laking tao.
Bahagyang napakunot ang noo niya. Staring at the little girl gave him goosebumps. Her cute little face was so familiar. Hindi nga lang niya maalala kung saan niya iyon nakita.
Binalingan niya ang batang lalaki. Nakalupasay pa rin ito nang upo. Tumilamsik kasi ito nang makabanggaan niya. Nakatungo ito, kaya hindi niya masyadong makita ang mukha.
He knelt down. "Are you okay, little man?" tanong niya. "May masakit ba sa 'yo?" Sinuri niya ang mumunting braso at binti nito. Akmang itatayo niya ito nang tumunghay ito sa kaniya.
He was stunned. Kung kanina ay napakunot-noo siya sa hitsura ng batang babae ay mas lalo naman sa batang lalaki. This little boy in front of him wasn't just familiar. He looked exactly like him! Parang nananalamin siya sa sarili niya noong mga kabataan niya.
Tumikhim siya. Tinulungan niyang makatayo ang batang lalaki. Agad namang lumapit dito ang batang babae na sa pagkakaalam niya'y kakambal, base na rin sa sinabi nito kanina.
"Are you not going to say sorry to my twin?" Humalukipkip ito.
He looked at her with amusement. Ang tapang-tapang talaga. Ang taray-taray. Napangiti siya. He stared at the little boy. "I'm sorry."
"Is his sorry accepted, Kenj?" tanong ng batang babae sa kakambal nito.
"Yeah, it's fine," balewalang tugon ng tinawag na Kenj. Nagkibit-balikat ito.
"Thank you." Nginitian niya ang mga ito. "Can you both tell me what your names are?" Pinaglipat-lipat niya ang titig sa dalawa.
"I'm Kelly."
"I'm Kenjie."
Magkapanabay na tugon ng dalawa, at sabay ring naghagikhikan.
He smiled. Looking at these two gave warmth to his heart. Ewan, pero ang gaan ng loob niya sa dalawa. Ginulo niya ang buhok ng mga ito.
"Who's with you?"
"Our mom," answered Kenjie.
"Where's your mom?"
"There." May itinuro ang mga ito sa likuran niya.
Awtomatiko siyang napalingon. "Ellie..."
"Sir, pasensiya na. Nagkar'on kasi ng banggaan kaya natrapik," humahangos na hinging-paumanhin ni Manong Oscar na siyang nagpabaling sa kaniya rito.
Si Manong Oscar ay ang matagal na nilang family driver. Bata pa sila ni Dwayne ay ito na ang tumayong driver ng mga magulang nila. Hindi niya alam na ito pala ang susundo sa kaniya. Ang akala niya ay si Johanz, ang palikerong kaibigan niya.
"Pasensiya na talaga, Sir," ulit nito."Tinawagan pala ako ni Sir Johanz. Hindi ka raw masusundo. Nag-alburuto raw ang babae niya." Napakamot ito sa batok sa huling sinabi, at halos manlaki ang mga mata nang mapabaling ang paningin kay Kenjie.
Ipinagkibit-balikat lang niya ang naging reaksyon ng butihing matanda. Muli ay bumaling siya sa kaniyang likuran. Pero wala na roon ang babaeng nakita niya kanina. Hindi siya maaaring magkamali. Nakita niya ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Pero bakit bigla itong naglaho? Namamalik-mata lang ba siya?
Tiningnan niya ang kambal. "May I know the name of your mom?"
"Sy—"
"Naku, mga bata kayo! Kung saan-saan kayo nagsususuot!" Lumapit sa kinaroroonan nila ang isang may katandaan nang babae. "Pinag-alala niyo ang mama niyo," ani pa nito, saka bumaling sa kaniya. "Sir—" Hindi nito naituloy ang nais sanang sabihin. Nanlaki ang mga mata nito. 'Tulad ni Manong Oscar ay pinaglipat-lipat din nito ang titig sa kanilang dalawa ni Kenjie. "N-Naku, Sir, pasensiya na. Ang kukulit kasi ng dalawang 'to," anito nang makabawi.
"It's okay." Tumayo siya. "By the way, what's—"
"S-Sir, mauuna na po kami. Salamat. Pasensiya na rin po talaga sa kakulitan ng dalawang 'to." Hinawakan ng matandang babae ang kamay ng dalawa, saka iginiya palayo.
Tumango na lamang siya habang inihahatid ang mga ito nang tanaw. Panay ang lingon sa kaniya ng kambal. Kinawayan siya ng mga ito, saka ngumiti.
He felt something in his heart. Gusto sana niyang itanong sa matanda kung sino ang ina ng dalawang bata, pero mukhang nagmamadali ito.
"Sir, kung hindi lang kita kilala, mapagkakamalan talaga kitang tatay ng dalawang 'yon," narinig niyang komento ni Manong Oscar.
Napabaling siya rito. Binundol ng kaba ang dibdib niya sa narinig na sinabi nito. Posible nga kayang siya ang ama ng dalawang iyon? Pero imposible dahil...
Ipinilig niya ang ulo. Ayaw na niyang alalahanin pa ang nakaraan. He clinched.
Kailangan niyang malaman kung sino ang ina ng dalawang batang iyon.