"BABIES, Mama will just go to the restroom. Just wait for me here, okay?" Syrellie said to her twins.
"Mama, can we go with you?" tanong ni Kenjie. Nag-puppy eyes pa ito. Alam niyang nagpapa-cute ito para pumayag siya.
She stared at Kenjie. Ayaw niya sanang isama ang mga ito sa restroom dahil hindi naman siya magtatagal doon. She just wanted to pee. Kanina pa siya naiihi. Hindi naman siya makapag-CR agad dahil marami pa siyang inasikaso buhat nang makalapag ang eroplanong sinasakyan nila galing Paris, France.
Bumuntong-hininga siya. "Alright. But promise me, you, two, will behave, okay?" Pinaglipat-lipat niya ang titig sa dalawa niyang anak.
"Yes po, Mama!" magkapanabay na tugon ng kambal.
Hinawakan niya ang palapulsuhan ng mga ito. Tumayo siya. "Yaya, dito lang ho muna kayo," aniya nang mapansing akmang susunod si Yaya Melly sa kanila. Ito ang tumayong yaya ng kambal mula nang maipanganak niya ang mga ito. "Pakibantayan ho muna ang mga gamit."
"Sige, Syrell." Bumalik ito sa pagkakaupo.
Nagtanong muna siya sa guard na naroon. Pagkatapos nitong ituro ang patungong restroom ay agad na silang dumeretso roon.
"Mama, please don't grip my wrist. It hurts, you know," reklamo ni Kelly. Sa kambal, ito ang may pagkaprangka at mataray. Nagmana ang ugali nito sa...
Ipinilig niya ang ulo sa pagsagi sa isipan ng taong matagal na niyang gustong kalimutan.
"Oh, sorry, baby. Takot lang si Mama. Baka kasi mawala kayo." Sakto namang nasa tapat na sila ng restroom. "Do you want to pee, Kelly?" tanong niya sa babae niyang anak.
Umiling ito. "Mama, we'll just wait for you here outside."
"But you might get lost," kontra niya. Sa dalawa, ito ang may pagka-independent. Hindi katulad ni Kenjie na may pagka-Mama's boy. Palaging gustong magkadikit sila. "Come with me inside," she said with authority.
Wala nang nagawa ang kambal, kundi ang sumunod sa kaniya. Napailing siya habang tinitingnan si Kelly, nakanguso kasi ito. Halatang napipilitang pumasok lang ng restroom.
"Babies, dito lang kayo sa labas, huh? Papasok lang si Mama sa cubicle."
"Yes po, Mama!" the twins said in chorus.
"Be sure that you'll stay here, okay?" aniya pa nang mapansing kakaiba ang kislap ng mga mata ni Kelly. May kapilyahan kasi ito, kaya alam niyang may binabalak na naman itong gawin.
"Yes po, Mama!" magkapanabay na namang tugon ng mga ito.
"You, two, follow me in the cubicle." Mahirap na. Hindi talaga siya kampante sa ekspresyon ng mukha ni Kelly.
"Ewh, Mama!" Kelly rolled her eyes. "I don't wanna smell the foul odor of your pee."
"Elly!" saway niya sa kaartehan nito. "Manang-mana ka talaga sa—never mind. Okay, just stay here." Tumalikod siya. She needed to pee. Sasabog na talaga ang pantog niya.
Syrellie closed the door of the cubicle. She then began to unbotton her pants, then peed. Ilang sandali siya sa ganoong ayos. May naririnig pa siyang mga yabag ng mga paa sa labas ng cubicle. Alam niyang sa mga anak niya iyon, kaya naman nakampante siya.
Mayamaya pa'y lumabas na siya. "Good jo—" She roamed her eyes around. Wala nang tao sa loob ng restroom. Isa-isa niyang binuksan ang cubicle sa pag-aakalang pinagtataguan lang siya ng kambal, pero wala roon ang mga ito.
She panicked. She went outside. Habang naglalakad pabalik ay inililibot niya ang paningin. Hindi niya talaga mapapatawad ang sarili kung mawala ang kambal niya.
Dali-dali niyang pinuntahan si Yaya Melly sa pagbabakasakaling naroon lang ang mga anak niya, pero mag-isa lang ang matanda roon.
Wala sa sariling kinagat niya ang mga kuko. It was her mannerism when she's having a panic attack.
"Y-Yaya, ang kambal?" maluha-luha niyang tanong nang makalapit.
"Hindi ba kasama mo?"
"H-Hindi. I-I mean, lumabas po kasi sila sa restroom." Napapadyak siya. Muli ay inilibot niya ang paningin. "Yaya, dito ka lang. Hahanapin ko lang sila." Hindi na niya hinintay ang tugon nito. Dali-dali siyang naglibot sa kinaroroonang airport.
Mas lalo siyang nabahala nang makitang maraming tao ang naroon. Ang iba'y kararating lang din katulad nila, ang iba nama'y mga sundo na naghihintay lang sa kinauupuan.
Halos libutin na niya ang buong palapag ng kinaroroonang airport, pero wala pa rin siyang makitang Kelly at Kenjie.
She needed to talk to an airport personnel para matulungan siyang mahanap ang mga anak niya. Wala naman sigurong magtatangkang mang-kidnap sa kambal dahil maraming tao roon. At isa pa, alam niyang bantay-sarado ang airport. Pero kahit na, mas mabuting humingi siya ng tulong para mapadali ang paghahanap.
She was about to go to the office of the airport personnel nang mahagip ng mga mata niya ang tumatakbong si Kenjie, kasunod nito si Kelly sa likuran. Mukhang papalapit ang mga ito sa kaniya. Narinig kasi niyang tinawag siya ni Kelly.
Nabuhayan siya ng loob. Akmang susugod siya sa dalawa nang matabunan si Kenjie ng isang malaking bulto ng lalaking naroon. Bago pa man siya makakilos palapit dito ay nakita niya ang anak niyang tumilapon sa sahig. Marahil ay sa lakas ng impact ng pagkakabangga nito sa lalaki.
"What the heck!" narinig niyang mura ng lalaki.
Napataas ang kilay niya. Aba't ito pa talaga ang may ganang magmura at magalit? Anak na nga niya ang tumilapon! Humanda talaga ang kung sinumang hinayupak na ito na nakabangga sa anak niya. Tatalakan niya talaga ito nang bonggang-bongga! Nakakabwesit!
Akmang susugurin niya ito nang matigilan siya. Buhat sa kinaroroonan ay kitang-kita niya ang mukha ng lalaki. Naka-sideview na kasi ito, at nakakunot ang noong nakatitig kay Kenjie.
Kahit sideview lang ang nasisilayan niya sa mukha nito ay hindi siya maaaring magkamali. Kilalang-kilala niya ang lalaking nasa harapan ng mga anak niya. She already familiarized everything in him back four years ago. From his well-built body, to his almost perfect sideview-face, to the sound of his voice...and those neatly tied hair that made him so freaking hot.
"Dwight..." wala sa sariling sambit niya. Bahagya siyang napaatras sa kinaroroonan ng mga ito. Ang akmang pagsugod dito ay nakalimutan na niya. Nanginig ang mga tuhod niya. She wasn't ready yet to see him face-to-face!
"Hey, you! What did you do to my twin brother?" narinig niyang sikmat ni Kelly rito.
Gusto niyang matawa sa hitsura ng anak. Pero tatawa pa ba siya nang mga sandaling iyon, gayong halos magrambulan ang puso niya sa nasasaksihang eksena sa mga ito?
She stepped back, just enough to see them on her area. Baka mamaya malingat siya, at mawala na naman ang mga anak niya. Nakita niyang bahagyang lumuhod si Dwight at tinulungang makatayo si Kenjie, saka naman lumapit sa mga ito si Kelly.
Hindi na niya narinig pa ang pinag-usapan ng mga ito. Ang alam lang niya'y mukhang nawiwili na ang mga anak niya sa pakikipag-usap sa binata.
She saw Dwight scuffled the twins hair. Mayamaya pa'y nanlaki ang mga mata niya nang itinuro siya ng mga anak niya. Akmang magtatago siya, ngunit huli na ang lahat. Lumingon sa gawi niya ang lalaki. Nagtama ang mga mata nila. Kasabay ng pag-awang ng mga labi niya ay ang pagkunot ng noo nito. Kumibot-kibot ang mga labi nito. Tila may ibinulong.
Hindi niya alam kung paano magtatago. Gusto niyang lamunin siya ng lupa nang mga sandaling iyon. Pakiramdam niya'y iyon ang pinakamahabang oras sa tanang buhay niya.
"Thank goodness." Waring nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang mayamaya'y humiwalay ang titig nito sa kaniya. Napabaling iyon sa bagong dating. Si Manong Oscar, ang family driver ng mga ito.
Nagpalinga-linga siya. Agad siyang nagkubli sa malapit na signage ng Philippine Airlines na naroon. Mula sa pinagkukublihan ay namataan niya si Yaya Melly na palapit sa kambal. Nagtataka man kung bakit ito sumunod ay hindi na lang niya iyon pinagkaabalahang isipin pa. Ang mahalaga'y naroon ito para kunin ang kambal. Hindi kasi siya puwedeng lumapit sa mga ito. Hindi pa sila puwedeng magkita ni Dwight. Hindi pa siya handa.
She held a deep breathe. Ilang sandali siyang hindi lumabas sa pinagkukublihan. Panaka-naka ang pagsilip niya sa kinaroroonan ng mga ito.
Mayamaya pa'y nakita na lamang niyang inakay na ni Yaya Melly ang kambal palayo. She saw the twins waved goodbye to Dwight na tinugon naman nito ng ngiti at kaway bago bumaling muli kay Manong Oscar.
Napagpasyahan niyang lumabas sa pinagkukublihan nang masigurong nakaalis na nang tuluyan ang binata. Dali-dali siyang nagtungo sa waiting area kung saan naroon sina Yaya Melly.
Agad niyang niyapos ang mga anak. Maluha-luha siya. Gusto niyang pagalitan ang mga ito sa kakulitang nagawa, pero mas nangibabaw ang pag-aalala niya.
"M-Mga anak, huwag niyo na uling uulitin 'yon, huh?" pakiusap niya sa kambal.
"Sorry po, Mama," yukod-ulong saad ng dalawa.
"It's okay. But I won't tolerate this kind of behavior next time. Pinag-alala niyo si Mama. P-Paano na lang kung nawala kayo?" Pumiyok siya sa huling sinabi. Hindi niya maaatim na mawalay sa kambal niya. Ang mga ito ang buhay niya.
"We will not do it again, Mama. Sorry po," mahinang sabi ni Kelly. Nakayuko pa rin ito. Mukhang na-guilty. Ito kasi ang promotor sa mga kalokohan. Parang hindi babae kung umasta.
Masuyo niyang hinawakan ang mumunting pisngi ni Kelly. Pinakatitigan niya ito. "It's okay, baby. But please, don't do it next time. Paano na lang si Mama kung kinuha kayo ng bad guys?"
"Mama, did you see the man with tied hair? He's so nice," sabat ni Kenjie. "He said sorry to me."
"Yes, Mama...and he kinda looks like Kenjie."
She froze. Nahalata iyon ni Kelly sa murang edad nitong apat na taon?
"Yeah, Mom. He looks like me." Nagkibit-balikat ito. "We're both handsome." Humagikhik ito na sinabayan naman ng kambal nito. Pati si Yaya Melly ay nakisabay na rin.
Hindi niya magawang magkomento. Ni hindi niya magawang sabayan ang tawa ng mga ito. Paano siya tatawa kung binubundol ng kaba ang dibdib niya?
Ilang taon na nga ba buhat nang huli niyang makita ang binata? Apat, lima? Hindi siya sigurado. Ang alam lang niya'y masyado nang matagal, pero ang kakaibang dagundong ng dibdib niya'y naroon pa rin sa tuwing masisilayan niya ito.
How can she forget that man? He was Dwight Marcus Solivan and he used to be...her brother-in-law.