Chapter 2

970 Words
"GOOD morning, Sir," halos panabay na bati sa kaniya ng mga empleyado pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa kompanya. Derederetso lang si Dwight sa paglalakad. Ni hindi niya nilingon ang mga ito. Hindi niya pinagkaabalahang ngitian, ni tanguan man lang. Pagkatapos sa airport ay agad siyang nagpahatid kay Manong Oscar sa kompanya na pag-aari niya sa Ortigas. He was a workaholic person, kaya naman kahit na kakarating lang niya buhat sa biyahe ay agad siyang nagtungo sa DMSolivan Group of Companies, Philippine Inc. Ang building na kinaroroonan ng kompanya niya ay solong pagmamay-ari niya. May apatnapu't limang palapag iyon. Anim na palapag ang inuukopa ng kompanya niya, at nasa mataas na bahagi iyon. Ang iba nama'y pinaparentahan niya. May sarili rin siyang penthouse sa building na iyon, para kung sakaling ayaw niyang umuwi sa condo o sa bahay niya ay roon siya naglalagi. Naipundar niya iyon sa sariling sikap at tiyaga. Mga apat na taon na rin mula nang magtayo siya ng kompanya sa Pilipinas. Ang kompanya na pag-aari niya sa Spain ay naroon pa rin. Ipinahawak na lamang niya iyon sa isa sa pinsan niyang malapit sa kaniya. At ngayon nga ay may panibago naman siyang branch sa Italy. Mahigit dalawang taon pa lang iyong nag-u-operate, pero isa na rin sa mga lumalagong kompanya niya. Pinangangasiwaan iyon ni Diana, ang bunsong kapatid nila ni Dwayne. He headed towards the door of his office. Nakita niya si Dave sa loob, isa sa matalik niyang kaibigan. Ito ang pansamantalang inihalili niya nang magtungo siya ng Italy. Pinasadahan siya nito ng tingin. Alam niyang nawiwirduhan ito sa suot niya. Sino ba naman kasi ang CEO na pupunta ng opisina na hindi naka-office suit? Kundi siya lang! He was just wearing a rugged style outfit, but who cares? Para sa kaniya ay hindi importante kung ano'ng susuutin sa pagpasok sa kompanya, basta't nagagawa lang nang maayos ang mga trabaho na dapat tapusin. Pinauwi na rin niya si Manong Oscar. Sinabihan na lamang niya itong ipahatid sa kompanya ang isa sa mamahalin niyang sasakyan, ang Porsche Panamera niya. Wala rin naman siyang dalang maleta at mga gamit buhat sa Italy. Lahat ng iyon ay iniwan niya sa penthouse niya roon. Pagal niyang ibinagsak ang katawan sa swivel chair. Bahagya niyang minasahe ang sumasakit na sentido. He was damn tired. "At long last, you finally arrived," bungad ni Dave. Pasalampak itong naupo sa couch. "Hindi ka man lang nagpalit ng damit, rugged man?" Tumawa ito. "So how was the negotiations?" "It was good." Kinuha niya ang vape mula sa drawer, saka humithit. Everytime he was exhausted, vape ang napagbabalingan niya. "Executives and investors from all over suggested for the campaign ads to be aired first quarter of next year. Are the contracts ready? Did the marketing staffs already find an endorser? Again, let me reiterate. Ayoko ng artista. Mapapagastos lang tayo sa talent fee ng mga iyan. I wanted a fresh face for Elliegance. When I say fresh, the endorser must be innocent looking but has a charismatic appeal, and of course beautiful. Do I make myself clear?" litanya niya. Nagsalubong ang kilay niya nang makitang mukhang matatawa si Dave. "What?" "Masyado ka kasing seryoso sa project na 'to." "I am, with every projects and businesses of the company." "Pero mas seryoso ka ngayon," hirit pa nito. "Ellie...gance," Dave uttered the last phrase sexily. He then smirked. Pinukol niya ito ng masamang tingin. Wala siyang panahong makipagbiruan dito. "Iyong lalaking endorser, pumirma na ba?" "Yeah. 'Yong babae na lang ang hindi pa." "So nakahanap na pala ng babaeng endorser?" wala sa loob niyang tanong. Nilaro-laro niya ang vape na hawak. Huling balita niya kasi ay hinahanapan pa iyon ng staffs niya. "Uh-huh!" Tumango si Dave. "Masyadong nahirapan ang staff mo sa paghahanap. Binusisi nila ang hitsura ng endorser. Baka hindi raw pumasa sa panlasa mo," he paused, then gave him a meaningful grin. "But I assure you, you will like the female endorser for Ellie...gance." "Siguraduhin mo lang, Dave. Dahil ikaw ang sisisihin ko kung pumalpak ito," pagbabanta niya, saka napahithit ng vape. "So kailan naman pipirma ang bagong endorser? Sa susunod na linggo na ang shoot. What's her name, by the way?" "I forgot her name. Just ask your staffs." Umiwas ito ng tingin. Tila may sinusupil na pilyong ngiti. "Never mind. I'll just meet her on the shoot proper. Basta siguraduhin mo lang na papasa 'yan sa panlasa ko," he said. Walang problema sa lalaking endorser dahil nakita na niya iyon bago siya nagtungong Italy. "Pasadong-pasado, Boss." Dave grinned meaningfully again. Nagtataka man sa iginagawi nito ay inignora na lamang niya. Sanay na siya rito. Maloko kasi ang kaibigan niyang ito. "Wala ka na bang ibang gagawin? You can go," pagtataboy niya. "Ouch!" Kunwa'y sinapo nito ang sariling dibdib. "Pagkatapos mo akong alilain, ipagtatabuyan mo na ako? Porke wala na akong silbi sa 'yo ngayon?" "Ulol!" Binato niya ito ng ballpen. Nakailag ito. Tatawa-tawa itong tumayo. "Alright, I'll go ahead. Just be ready to meet her," makahulugang anito, at tuluyan nang lumabas. Iiling-iling niyang sinundan nang tanaw ang kaibigan. Naka-drugs siguro kaya nagkakagan'on. Weird. Tumayo siya. He peered outside the glass wall. From there, he could see cars running through and through, people from different walks of life roaming on the busy streets of the city. He sighed deeply. Naalala niyang muli ang dalawang bata kanina sa airport. There was something on them he couldn't name a thing. Parang kilalang-kilala niya ang mga ito, gayong ngayon lang naman sila nagkita-kita. At ang babaeng nasilayan niya sa airport. Sigurado siyang si Syrellie ang nakita niya. Hindi nga lamang siya sigurado kung totoo iyon o kung guni-guni lamang niya. Bigla kasi itong nawala. Napahithit siya ng vape. Tandang-tanda pa niya kung paano niya ito ipinagtabuyan noon. He felt guilty, yes! But she deserved it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD