"MAMA, where are you going?" curious na tanong ni Kelly habang nakaupo siya sa kama, at isinusuot ang red high heels niya. Nakapangalumbaba ito sa higaan, at pinagmamasdan siya. Habang ang kapatid naman nito'y busy sa kakalaro ng online games sa cellphone.
"I'll be going to sign a contract, baby," Syrellie replied. Nginitian niya ang anak.
"What contract signing, Mama?"
"It's a newly-released beauty products brand, baby. Kinuha kasi si Mama na endorser."
"Wow, just like your part-time job in Paris, Mama?" Namilog ang mga mata nito. "You mean, I'll be seeing you in television again doing this." Nag-pose ito na tila isang commercial model ng isang skin care brand.
Natawa siya sa hitsura ng anak. Mas magaling pa kasi itong mag-pose sa kaniya. "Yeah, kinda like that, baby."
"Can I go with you, Mama?"
Tiningnan niya si Kelly, saka umiling. "Kids are not allowed there, anak. Maybe some other time, isasama ko kayo ni Kenjie."
Kelly pouted, saka dahan-dahang tumango. "Is that a promise, Mama?"
She nodded. "I promise." Tumayo siya nang tuwid. "Do I look okay now, anak?" Humarap siya rito, at nag-pose.
Humagikhik si Kelly. "More than okay, Mama. You're so gorgeous. My Mama is so, so, beautiful," puri nito.
"Walang halong biro, huh?"
"Walang halong biro po, Mama."
Natawa siya sa pananagalog nito. Halatang may accent ang anak niya. Nakakaintindi naman ang mga ito ng wikang Filipino, at nakakapagsalita rin kahit papa'no, pero mas gamay ng mga ito ang wikang Ingles. Matagal-tagal din kasi silang nanirahan sa Paris, France, at doon nagkaisip ang mga ito. They were using French, as well as English language on that country.
"Gotta go, babies. Baka ma-late si Mama. You, two, behave, okay? 'Wag pasaway kay Yaya Melly," paalala niya sa dalawa na tinanguan naman ng mga ito.
Kinuha niya ang clutch na nakalagay sa bedside table. Humalik siya sa mga anak bago napagpasyahang lumabas na ng silid. Nagpaalam muna siya kay Yaya Melly, at pinaalala rito ang mga dapat na gawin habang wala siya.
She went outside the apartment. Pumara siya ng taxi, at nagpahatid sa address na ibinigay sa kaniya.
Pangatlong araw na nila iyon sa Pilipinas. Noong una at pangalawang araw nila ay wala silang ginawa kundi ang matulog at mag-ipon ng lakas, lalong-lalo na siya dahil napagod siya sa mahabang biyahe galing France.
They just rented an apartment in Ortigas. Sa pagkakaalam niya kasi'y sa Ortigas ang kompanya ng kumuha sa kaniya bilang endorser. Kaya naman para mas mapalapit at makatipid ay sa lugar na iyon mismo siya kumuha ng matutuluyan. Anyway, it was just for the meantime. Hindi naman kasi sila magtatagal dito sa Pilipinas. Babalik din agad sila sa France pagkatapos ng mga pinirmahan niyang commitments dito.
Speaking of commitments, hindi niya alam kung anong kompanya ang kumuha sa serbisyo niya. Nagulat na lamang siya isang araw nang tinawagan siya ng may-ari ng Agence Seo Marseille, ang ahensyang kumukuha ng mga katulad niyang nagmu-modelo ng iba't ibang mga produkto. Ang sabi nito'y naka-oo na raw ito sa isang kompanya sa Pilipinas para gawin siyang endorser. Lahat kasi ng ini-endorse niya ay dumadaan muna sa ahensya.
Ayaw sana niya. Tinanggihan niya iyon noong una. Ayaw na niya kasing bumalik sa Pilipinas. She planned of living in France for good. Pero mapilit ang may-ari. Hindi siya nito tinantanan. Panay ang tawag at video call nito sa kaniya. Ani pa nito ay ngayon lamang naman daw, at matagal na raw ang dalawang buwang pamamalagi niya sa Pinas kung nagkataon. Kaya naman wala na siyang nagawa, kundi ang mapa-oo. Ang seste, mag-isa lamang siyang pinapunta ng Pilipinas. Ni hindi man lamang siya sinamahan ng kahit na isang staff ng Agence Seo Marseille. Nagtataka ma'y hindi na lamang siya nagtanong pa.
She sighed. Ang dami-dami nang nangyari sa buhay niya magmula nang umalis siya ng Pilipinas mahigit apat na taon na ang nakakalipas. Hindi niya akalaing magiging brand ambassadress siya ng iba't ibang produkto sa France. Maraming gustong kumuha sa kaniya bilang artista roon, kaso tinanggihan niya. Wala siyang hilig sa pag-aartista. Sapat na sa kaniya ang maging isang endorser. At isa pa, hindi niya maaatim na ilihim na may mga anak na siya. Nang may kumausap kasi sa kaniyang talent manager ay sinabi nitong kukunin siyang artista, pero dapat daw na ilihim ang tungkol sa mga anak niya. Hindi siya pumayag. Mas importante ang mga anak niya. Hindi naman niyang pinangarap ang sumikat.
Mayamaya pa'y namalayan na lamang niyang nasa tapat na sila ng mataas na building na nakasaad sa address na itinext ng staff. Inabot niya ang bayad sa driver. Nginitian muna niya ito bago napagpasyahang lumabas ng taxi.
Tumingala siya. Halos malula siya sa taas ng gusaling nasa harapan. Ang ganda rin ng pagkakagawa ng istraktura niyon. Halatang hindi tinipid, at pinaggastusan talaga.
Bahagya siyang napakunot-noo nang mabasa ang malalaking letra na nakaukit sa building. DMS. Ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon.
She headed towards the elevator. Agad niyang pinindot ang ika-apatnapu't apat na palapag. Base kasi sa text sa kaniya ng staff ng kompanya ay roon siya pinapapunta.
Lihim siyang nagpasalamat nang makitang mag-isa lang siya sa elevator. Pinasadahan niya ang sariling repleksyon sa salamin ng elevator. Napangiti siya. Sino'ng mag-aakala na ang dating gusgusin na batang babae noon ay lalaking ganito kaganda at ka-sexy?
She was alluring in her gorgeous red high heels and black mini dress. Mas lalong tumingkad ang kaputian niya sa suot niyang itim na bestida. She just scraped her dark blonde hair back from her forehead and tied it in a ponytail with a red ribbon. Her makeup was just light, enough to emphasize her innocent-looking face.
Agad siyang lumabas sa elevator nang makarating sa forty-fourth floor.
Bahagyang nangunot ang noo niya nang mapansing maraming tao roon. Ang akala niya'y mag-isa lang siya. Ang sabi kasi sa kaniya ng staff ay pipirma lang siya ng kontrata at agad ding uuwi pagkatapos. Sa susunod na linggo pa naman kasi ang simula ng shoot nila.
She roamed her eyes around, then headed towards a wide lounge. She saw tables and chairs adorned with ruffles. Those were sky blue and light pink in color.
Sa isang pahabang mesa ay nakita niya ang pangalan niyang nakasulat doon. It was written in bold letters alongside with a man's name. Marahil ay iyon ang pangalan ng lalaking endorser na makakapareha niya.
"Oh, you're here, Ms. Laurent. Nice meeting you," bati sa kaniya ng isang staff na naroon. Papalapit ito sa kinaroroonan niya. "I'm Anna Zamora. I'm the head of Marketing Staff." Nakipagbeso-beso ito sa kaniya na ginantihan naman niya. Kilala niya ang babae thru text and call. Ito kasi ang madalas na tumawag sa kaniya magmula nang makarating sila ng Pilipinas.
"Akala ko exclusive contract signing lang ito, Ms. Anna?" bulong niya.
"Oh, I'm sorry. I forgot to inform you that DMS changed his mind. Kailangan daw i-cover ito ng media para alam mo na? Press release and marketing strategy, as well." Marahan itong tumawa.
Tumango-tango siya. Sino kaya ang DMS na tinutukoy nito? Kanina pa siya naku-curious sa initials ng pangalan nito. Parang pamilyar.
"Come with me, Ms. Laurent." Inakay siya ni Ms. Anna paupo sa silya kung nasaan ang pangalan niya.
Mayamaya pa'y isa-isa nang nagsidatingan ang mga importanteng tao sa contract signing na iyon. She saw some media personnel, base na rin sa mga nakasulat sa uniporme ng mga ito. May mga executives din na naroon, investors at iba pang naglalakihang pangalan sa industriya ng pakikipagkalakalan at negosyo.
"Hi! Would you mind if I sit beside you?"
Napatunghay siya sa nagsalita. She saw a good-looking man smiling at her. Labas ang isang dimple nito sa kaliwang pisngi. Sobrang puti nito. Maihahalintulad ito sa mga Korean actors na malinis tingnan. Ito na yata si Warren Cheng, ang lalaking endorser ng Elliegance. No doubt na pumasa ito at kinuhang endorser. Mas maputi pa nga yata ito sa kaniya, at walang ka-pores-pores.
She smiled back at him. "Oh, sure! Mr. Warren Cheng, right?"
"Uh-huh!" Tumango ito, saka umupo sa tabi niya. "Nice meeting you, Ms. Syrellie Laurent." Inilahad nito ang palad sa kaniya na agad naman niyang tinanggap.
Mayamaya pa'y nakapalagayan na niya ito ng loob. Masaya silang nag-usap habang hinihintay ang pag-uumpisa ng contract signing na iyon.
"Ladies and gentlemen," pukaw ng lalaking emcee.
Lahat sila ay napabaling dito. Mag-uumpisa na yata ang programa.
"We are gathered here today to witness the signing of contract of our new brand ambassadors for Elliegance Timeless Grace Beauty Essentials. Let's give a round of applause to Ms. Syrellie Laurent and Mr. Warren Cheng."
Masigabong palakpakan ang sumunod niyon. Inalalayan siyang tumayo ni Warren, at yumukod sila sa mga bisitang naroon. They gave their utmost and sincerest smile to the crowd. Pagkatapos niyon ay umupo silang muli.
They received numerous questions from the investors and media personnel na malugod naman nilang sinagot. Pagkatapos n'on ay ang ang sa wakas, pagpirma na ng kontrata.
Hindi na lang din niya pinagkaabalahang basahin ang mga nakasulat doon. Sigurado naman siyang hindi sila madedehado kung ganito ba namang mukhang VIP ang turing sa kanila. At talagang ipinakilala pa sila sa publiko.
Muli ay masigabong palakpakan ang narinig mula sa mga bisitang naroon pagkatapos nilang pumirma.
"Any last words before this contract signing ends?" Bumaling sa kanilang dalawa ni Warren ang emcee. "Ms. Laurent? Mr. Cheng, do you want to say your piece first?"
Nagsalita si Warren ng mga pasasalamat nito. Maikli lang ang sinabi nito, pero may laman. Nagpalakpakan ang mga naroon.
"Ms. Laurent, your turn please."
She held a deep breathe. Hindi siya sanay sa mga ganito. Hindi naman kasi uso sa France ang pa-VIP, not unless isa kang sikat na artista. She took the wireless microphone, then smiled at the public.
"I never imagined that one day I would be here. Yet I'm still thankful, and I'm looking forward to the exciting collaborations we have with Elliegance Timeless Grace Beauty Essentials. I am incredibly grateful and humbled by this experience. I am eagerly anticipating the launch of numerous exciting products ahead. Partnering with this company fills me with gratitude. Being involved in this major campaign this year brings me immense joy. Thank you!"
Masigabong palakpakan ang sumunod.
"Thank you also for partnering with us, Ms. Laurent and Mr. Cheng."
She smiled at the emcee. Nakita niyang nagtayuan na ang ibang Executives and Investors. Nagkamayan ang mga ito.
Akmang tatayo na sana siya sa pag-aakalang tapos na ang programa nang magsalita uli ang emcee. Napatingin siya rito. May katabi itong lalaki. Tila may ibinulong dito. Tumatango-tango ang emcee.
"My sincerest apologies. Please take a seat." Hinintay nitong makaupo ang lahat. "Our Chief-Executive-Officer has just arrived. I guess you all want to hear from him as much as I do, right?" biro nito na siyang nagpatawa sa lahat.
Napakunot-noo siya. Hindi pa pala ito tapos?
"Let's welcome on board, Mr. DMS. A round of applause, please." Itinuro ng emcee ang kinaroroonan ng malaking pintuan.
Masigabong palakpakan ang sumunod. Kasabay niyon ay ang pagbaling niya ng paningin, at ang tila pagtigil ng inog ng mundo.
He walked gracefully, but with an arrogance that suggested that he owned half the world. He was wearing his Armani suit, with hair tied at the back. His presence was dark and with full of authority. He doesn't smile. His face was so serious.
Nagtama ang mga mata nila.
"Dwight..."
Nakita niyang ibinigay ng emcee sa binata ang wireless microphone.
Dwight cleared his throat. "Thank you," baling nito sa emcee, saka humarap muli sa kanila. "We are delighted to welcome as our brand endorsers Mr. Warren Cheng and Ms. Syrellie Laurent," he welcomed with his baritone voice. Muli ay tumitig ito sa kaniya. Matagal.
Wala sa sariling pinaglaruan niya ang mga kuko sa ilalim ng mesa. Natataranta na naman siya sa simpleng titig lamang nito.
Inilibot ni Dwight ang paningin sa mga bisitang naroon. "They embody our company's vision of providing products that engage, inspire and empower consumers to be beautifully healthy inside and out." He gave no hint of faltering and drawing back. He then looked at the executives and investors one-by-one. "We have many plans in store for Ms. Laurent and Mr. Cheng for this partnership, and we are thrilled to have their back on board." Nagpalipat-lipat ang titig nito sa kanilang dalawa ni Warren.
Ayan na naman ang dagundong ng dibdib niya. She bit her left cheek from the inside.
"You, two, are a perfect fit for Elliegance Timeless Grace Beauty Essentials," Dwight paused, then stared at her. "Your radiance resonates beauty not just in the outside, but also in the inside..."