"YOUR radiance resonates beauty not just on the outside, but also in the inside..."
Hindi na natagalan ni Syrellie ang mga titig ni Dwight. Iniiwas niya ang paningin dito.
"Thank you all for coming and making this event a success," he ended with a closing remark.
Marahang ipinikit ng dalaga ang mga mata. Dumilat siya uli, saka napabuntong-hininga. Kung alam lang niya na kompanya ni Dwight ang kumuha sa kaniya, nungkang papayag siya na maging endorser ng produkto nito. Kahit pa tutukan siya ng shotgun ng may-ari ng Agence Seo Marseille ay hinding-hindi siya papayag. Magkamatayan na't magkamatayan.
Bakit ba kasi hindi niya inalam muna ang mga detalye ng pinirmahan niyang kontrata? Dapat din pinilit niya ang may-ari ng Agence Seo Marseille na magsabi kung ano'ng pangalan ng kompanyang kukuha sana sa serbisyo niya. Ang tanging alam lang kasi niya'y ang brand name ng produkto ng mga ito. Hindi niya inalam ang iba pang mga detalye patungkol sa kompanyang nagmamay-ari ng Elliegance. Masyado siyang tiwala sa Agence Seo Marseille, kaya naman nakampante siya. Uso naman ang mag-search sa internet, pero hindi niya ginawa.
Shit! Ang tanga-tanga niya!
Gusto sana niyang bawiin at i-terminate ang kontrata, pero malaki-laking pera ang gagastusin para mabayaran lang ang kompanya ni Dwight. Saan naman siya kukuha ng gan'on kalaking pera? Hindi naman siya mayaman katulad nito. May mga anak pa siyang binubuhay. At isa pa, baka kasuhan siya ng binata ng breach of contract.
"Ang tanga mo, Syrellie!" kastigo niya sa sarili.
"May sinasabi ka, Syrell?" tanong ni Warren sa tabi niya. Nagtataka ang mukha nito habang nakatitig sa kaniya. 'Syrell' na ang tawag nito sa kaniya, dahil na rin sa kahilingan niya. Nakapalagayang-loob na naman kasi niya ito kanina.
"Ha? Ah... N-Nothing. Gusto ko na kasing umuwi," aniya na lang. Nakita niya ang ibang mga taga-media at empleyado ng kompanyang hindi magkamayaw sa pagkuha ng mga larawan ng mga Executives at Investors na naroon.
"Do you want me to fetch you?"
"Ms. Laurent, Mr. Cheng," basag ng isang tinig. It was from Ms. Zamora. "Picture taking daw muna together with the Executives and Investors."
Umawang ang mga labi niya. Bakit ba hindi niya naisip na posible ngang may picture taking muna bago matapos ang event? Ang tanga-tanga na naman. Mas matatagalan pa siya nitong makauwi. And worst, naroon pa si Mr. DMS. Kahit na hindi na niya ito pinagkakaabalahang sulyapan ay alam niyang nakatutok ang mga mata nito sa kaniya.
She saw Warren offering her a hand. Wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin iyon at tumayo. Saka naman lumapit sa kinaroroonan nila ang malalaking tao sa pagtitipong iyon.
Next thing she knew were flashing of the cameras. She smiled in front of the lenses. Katabi niya si Warren at ang iba pang mga Investors and Executives. Kinuhanan din sila ng solong picture ni Warren. May picture din na silang dalawa lang.
Nakita niya si Dwight sa 'di kalayuan. Mukhang ini-interview ito ng isang media personality roon. Halos tumalon ang puso niya nang bigla ay tumingin ito sa kaniya. Mabilis niyang iniiwas ang titig dito. s**t, nahuli pa siya.
"At last, the CEO's finally available," mayamaya'y narinig niyang saad ni Ms. Zamora. "Sir, would you mind for some photo ops with the endorsers?" magalang nitong tanong sa binata nang saktong makalapit ito sa kinaroroonan nila.
Dwight curtly nodded.
Bago pa man siya makahuma ay nasa tabi na niya ito. Napapagitnaan siya nito at ni Warren. Napakislot siya nang masagi nito ang braso niya. He was wearing his tuxedo, but she could still feel the electrifying sensation only him was capable of giving.
"Si Ms. Laurent naman at si DMS," narinig niyang saad ng isang bagong dating na lalaki.
Napabaling ang tingin niya rito. She saw Dave smiling at them. Tila may kakaiba sa mga ngiti nito. Waring may panunukso. Pero sanay na siya rito. Mula pa noon ay ganoon na talaga ang lalaki.
Bago pa man siya makakilos ay naramdaman niya ang paglapat ng palad ni Dwight sa balikat niya. She could feel the heat from his palm to her bare shoulder. Marahan nitong pinisil ang balikat niya.
Muli ay napakislot siya. s**t! Ano ba itong nararamdaman niya? Simpleng pagdadaiti lang ng mga katawan nila ay halos magrambulan sa kaba ang puso niya.
She tried to smile, kahit pa ramdam niya ang panginginig ng mga labi sa sobrang kaba.
"Nice shot. Puwede ring maging endorser ng Elliegance si Mr. CEO," muli ay wika ni Dave. Nakakaloko itong ngumisi.
Narinig niyang nagtawanan ang mga naroon. Pati si Warren ay nakitawa na rin. She just remained stiff. Paano ba naman kasi, nasa balikat pa rin niya ang braso ng binata. Mukhang wala yata itong balak na tanggalin iyon kahit pa tapos na ang picture taking sa kanila.
Pasimple siyang dumistansya rito. Nakahinga siya nang maluwag nang kusa na nitong ibinaba ang mga braso nito.
Next thing she knew, si Warren at ito na ang kinukuhanan ng camera. Nakita pa niyang nagkamayan ang dalawa, saka siya muling binalingan ni Dwight.
"Welcome to Elliegance, Ms. Laurent."
Tumutok ang mga mata niya sa palad nitong nakamuwestra sa kaniya. Wala na siyang nagawa, kundi ang tanggapin iyon. Agad naman niyang binawi ang kamay nang maramdaman na naman ang marahang pagpisil nito. Nakakahalata na siya. Kanina pa ito may papisil-pisil sa kaniya. Ano'ng akala nito sa kaniya, minamasang tinapay? Like dah!
She wanted to roll her eyes, but she nodded instead. "Thank you," tipid niyang tugon. Bumaling siya kay Warren. Gusto na niya itong akaying umalis, tutal ay nag-offer naman ito kaninang ihahatid siya.
"The foods are now ready. Let's have our lunch first," narinig niyang anyaya ni Dave. "Follow me."
Agad namang sumunod ang mga empleyado, media personality at iba pang Executive and Investors na naroon pa rin.
"Let's go." Inakay siya ni Warren. Hinawakan siya nito sa braso.
Wala na siyang nagawa, kundi ang magpatianod na lang. Gusto na sana niyang umuwi, pero nakakahiya namang iwan ang mga ito. Sila pa naman ni Warren ang dahilan kung bakit may ganoong event nang mga sandaling iyon.
From the corner of her eyes, she saw Dwight gazed at Warren's hand on her arm. Umigting ang panga nito bago sila unahang maglakad pasunod kay Dave.
***
KANINA pa napapansin ni Syrellie ang pananahimik ni Dwight. Panay lang ang tungga nito ng wine habang nagkakasayahan ang ibang Executives at Investors sa pahabang mesang naroon. Nakaupo ito sa gitna at unahang bahagi. A CEO's throne as they say.
Kasalukuyan silang nasa loob ng isang malawak na lounge ng palapag na iyon. It was adjacent to the room na pinagdausan ng contract signing kanina.
"Mukhang konte lang ang nakain mo," bulong ni Warren. Bahagya nitong inilapit ang bibig sa tainga niya. Masyado kasing maingay ang halakhakan ng mga prominenteng taong naroon.
Katabi niya ang lalaki. He was sitting next to her. Nasa unahang bahagi sila. Sa kaliwa naman niya ay nakaupong paharap sa kaniya si Dwight, kaya't kitang-kita nito ang bawat galaw niya. Kanina pa siya naiilang sa presensya nito.
"Oo, busog kasi ako," aniya na lang, she then smiled at Warren. Paano ba naman kasi siya makakakain nang maayos kung nasa kalapit lang niya ang lalaking ni sa hinagap ay hindi niya akalaing makikita pa niya.
Kaya naman para mabaling ang atensyon ay kanina pa niya kinakausap si Warren. Kung saan-saan na napupunta ang subject matter nila, at masasabi niyang masarap itong kausap. Maraming kuwento, hindi boring kasama.
"Ang mga mata," Dave muttered.
Napatingin siya rito. Nasa kabilang bahagi ito ng mesa, sa harapan niya. The latter was grinning naughtily at Dwight.
Wala sa sariling binalingan niya ang binata. Only to find out he was looking at her with clinched jaw.
Kumunot ang noo niya. Sinalubong niya ang titig nito. Pero hindi ito natinag. Matalim pa rin siya nitong tinitigan. Tila nagbababala.
Wala sa sariling inirapan niya ito, saka humarap muli kay Warren. Narinig pa niya ang nakakalokong pagtawa ni Dave.
Mayamaya pa'y isa-isa nang nagpaalam ang mga naroon.
Tumayo siya. Bahagya siyang dumukwang kay Warren. "I'll just go to the restroom," aniya rito na tinanguan nito.
She headed outside the lounge. Nagpaturo siya sa empleyado kung saan matatagpuan ang banyo. Itinuro nito ang pinakadulong bahagi kung nasaan ang elevator. Nagpasalamat siya rito, at agad ding pinuntahan ang itinuro nito.
Pagkatapos niyang gumamit ng restroom ay agad din siyang lumabas. Saglit siyang napatigil sa paghakbang nang nasa may gawing elevator na siya.
Ewan niya, pero parang may humahatak sa kaniya na sumakay roon. Namalayan na lamang niyang nasa loob na siya niyon. Pinindot niya ang pinakahuling palapag ng gusali. Agad naman siyang nakapunta dahil isang palapag lang naman ang pagitan sa kinaroroonan niya. Nasa ika-apatnapu't apat na palapag kasi siya ngayon. Ang pinakahuling palapag ay ika-apatnapu't lima.
She went outside when the elevator stops. From there, she saw nothing. Wala siyang makita ni isang tao sa paligid. Sobrang tahimik.
Naglakad siya sa corridor. May napansin siyang malaking pintuan sa pinakadulo ng corridor. Pinuntahan niya iyon. She held the doorknob, pero saglit din siyang natigilan. Baka mapahamak siya sa ginagawa niya. Paano na lang kung may tao pala roon, at pagalitan siya dahil inaabala niya ito?
'Ah, bahala na. Titingin lang naman. Babalik din ako agad,' kausap niya sa sarili.
Bago pa man siya makapag-isip nang tama ay agad na niyang binuksan ang pintuan. Nagtaka pa siya na hindi iyon naka-lock.
Her eyes grew wide-open nang masilayan ang loob. Ang buong akala niya kanina ay opisina iyon, pero sa nakikita niya ay isa iyong penthouse.
Inilibot niya ang paningin. She was mesmerized with the beauty inside. Napakaluwang niyon. Mas malaki pa nga yata ang penthouse na iyon kaysa sa bahay nila sa France.
Napakalinis din ng paligid. Wala siyang makita ni isang alikabok man lang. Naalala niya tuloy ang palabas sa Korea na "The Penthouse." Maihahalintulad kasi ang nakikita niya ngayon sa kagandahan ng penthouse sa palabas na iyon. Pero wala naman sigurong masamang tao rito na basta-basta na lang siya itutulak sa bintana para mamatay?
Ipinilig niya ang ulo. Kung saan-saan na nadadaku ang mga iniisip niya.
Next things she knew, she was already heading towards a sliding door. Hindi niya alam kung ano iyon, pero doon siya dinala ng mga paa niya. Mukha kasing kahali-halina ang pintuan ng silid na iyon.
Sa pagtataka niya'y bahagyang nakaawang ang pinto niyon. She held the sliding door. Itinulak niya iyon para makapasok. Hinayaan lang niya iyong nakabukas.
Mas lalo siyang namangha nang mapasadahan ng mga mata ang loob niyon. Isa iyong kuwarto. Not just a simple bedroom, but a wide and luxurious room. Napakalaki ng kama sa gitna.
Gusto pa sana niyang ilibot ang paningin at pagmasdan ang kagandahan ng silid, ngunit waring hinatak siya ng antok pagkakita sa malaking kama.
She sat on the edge of the bed. Napakuskos siya ng makabilang braso sa lamig na nararamdaman. Hindi siguro nagtitipid sa kuryente ang may-ari ng penthouse na ito. Mukhang palaging bukas ang aircon. Sabagay, ikaw ba naman maraming pera.
She yawned. Kailangan na siguro niyang lumabas. Baka maabutan pa siya ng may-ari. Mapagkamalan pa siyang magnanakaw sa ganda niyang iyon.
Akmang tatayo na sana siya nang mapaupo siyang muli. Inaantok na talaga siya. Nahihilo siya at medyo namimigat ang talukap ng mga mata niya. Wala naman sigurong masama kung umidlip siya kahit sandali. And before she could probe everything in head ay patagilid siyang humiga sa kama.
Dinala siya sa karimlan ng diwa niya.
"Curiosity kills the cat," narinig pa niyang saad ng isang malamig na boses bago siya tuluyang igupo ng antok.