IINAT-INAT na gumising si Syrellie. She had a peaceful sleep. Pakiramdam niya'y matagal siyang nakatulog. Her sleep was awesome and she felt like she was newly recharged. Ang lamig pa ng silid niya. Pakiramdam niya'y nasa alapaap siya nang mga sandaling iyon.
She smiled, then slowly opened her eyes.
Napamulagat siya. Nanlaki bigla ang mga mata niya. Iba ang natutunghayan niya ngayon. Wala rin siyang naririnig na ingay ng mga anak niya. She wasn't in her room!
Kasabay ng pagbabalik sa alaala ng pag-trespass niya sa penthouse na iyon ay ang pagbalikwas niya nang bangon.
She roamed her eyes around. Napaawang ang mga labi niya nang masilayan si Dwight na prenteng nakaupo sa pang-isahang couch na malapit sa may sliding door. Tila ito haring nakadekuwatro habang pinagmamasdan siya. Hawak nito sa kaliwang kamay ang isang glass ng wine. Habang sa isa naman ay ang vape nito.
He was wearing a navy blue robe with manly-slippers on feet. Nakalugay ang gabalikat nitong buhok.
Napaawang ang mga labi niya. Staring at the man was something she wanted to do at that very moment. She could stare at him all her life. His aura was dark. He wasn't even smiling while looking at her, but he was so manly—a Greek god of desire.
Iniiwas niya ang paningin dito. Obviously, ito ang may-ari ng penthouse na basta na lang niya pinasukan.
"S-Sorry for trespassing. Uuwi na 'ko." Tinanggal niya ang kumot na nakatakip sa katawan. Bumangon siya. She tried to look for her high heels, pero hindi niya iyon mahagilap. Humarap siya sa binata. "Did you see my footwear?" Obviously yes, ito lang naman ang tao sa silid na iyon.
She didn't receive any response. Bagkus ay pailalim lang siya nitong tinitigan habang humihithit ng vape.
Nakaramdam siya ng inis. But she tried to calm herself. She drew a deep breathe. "Where did you put my red heels?"
Muli ay hindi siya nito pinansin. Tumungga lang ito ng wine na hawak.
"Look, I needed to go home." Napabaling siya sa labas. Madilim na. Gan'on siya katagal nakatulog? s**t! "Okay, fine. Kung ayaw mong ibigay ang sandals ko, uuwi ako ng nakapaa," she said annoyed. Kanina pa niya ito tinatanong, ni ha, ni ho, wala siyang marinig dito. Inis na kinuha niya ang clutch. Nasa bedside table iyon. Akmang lalabas na siya, subalit pabigla itong tumayo at hinarang siya. He was still holding the wine and vape in his hands.
"Care to explain why you trespass?" he asked coldly.
"I-I just got curious. I'm sorry," she rattled.
"Curiosity kills a cat. Do you know that?"
"A-Ah..." Wala siyang maapuhap na sabihin, kaya naman napatango na lamang siya. Napaatras siya nang humakbang ito. "U-Uuwi na ako, Mr. DMS."
Naningkit ang mga mata nito sa narinig na sinabi niya. "Mr. DMS, Ellie?"
Tinambol bigla ang dibdib niya sa narinig na tawag nito sa kaniya. Tanging ito lang kasi ang tumatawag sa kaniya ng 'Ellie.' Memories kept flashing in her mind. She could still recall the sweetness of his voice everytime he called her by that name...before.
"O-Oo, 'yon naman kasi ang tawag sa 'yo ng mga empleyado mo."
"But you are not my employee."
Muli ay humakbang ito. Sunod-sunod. Panay naman ang atras niya hanggang sa maramdaman niyang nasukol na siya, wala na siyang aatrasan pa. She could feel her limbs on the edge of the bed. Isang hakbang na lang ng binata ay tiyak niyang matutumba siya.
Hindi nga siya nagkamali. Humakbang pa ito. Akmang iiwas siya. Ngunit masyado nang masikip ang gahiblang pagitan nila, kaya naman natumba siya at napahiga sa kama.
Akmang babangon siya, pero pabigla itong dumagan sa kaniya. Inihagis nito sa kung saan ang vape na hawak. Dwight gaped at the glass of wine. Muli ay tumitig ito sa kaniya, saka walang babalang pinatakan siya nito ng wine.
Napasinghap siya. Her eyes grew wide-open. Sukat ba namang sa nasisilayan niyang cleavage iyon ibinuhos.
"W-What did you do?!" she yelled. Ramdam niya ang lamig n'on sa balat niya.
"I'll make it dry. Don't worry."
Before she could sift what he was trying to say ay walang babalang bumaba ang ulo nito sa cleavage niya.
She gasped.
Dwight licked the wine on her exposed cleavage. He stared at her while doing his dirty moves.
Wala sa sariling napakapit siya sa comforter. May binubuhay ito sa kaniya, at naiinis siya. Gan'on pa rin ang epekto nito sa kaniya. She wanted to close her eyes, but she tried not to.
Binitawan nito ang wine glass na wala nang laman. Hinawakan nito ang palapulsuhan niya, at inilagay iyon sa magkabilang gilid niya.
He kissed her on the neck. Licking and giving small bites on that area.
A soft moan escaped from her throat. Sigurado siyang bibigay siya rito oras na magtuloy-tuloy ang binata sa ginagawa.
She felt his kisses on her jawline. Nakikiliti siya sa buhok nitong humahaplos sa may parteng leeg niya. He was about to kiss her on the lips nang bigla ay tumunog ang cellphone niyang nasa loob ng clutch niya.
Awtomatiko niya itong naitulak. Pabagsak nitong inihiga ang katawan sa kama.
Dali-dali niyang kinuha ang cellphone. Bumangon siya, at naupo sa kama. Inayos niya ang sarili. Napangiti siya nang makitang number ni Yaya Melly ang tumatawag. Paniguradong ang mga anak niya ito.
"Hello, baby," malambing niyang bungad.
"Mama, where are you?" tanong agad ni Kenjie sa kabilang linya. "It's past seven, but you still didn't go home. We're already worried."
"I'm sorry, baby. I'll be going home na. M-May inasikaso kasi ako kaya ginabi," pagdadahilan niya kahit na hindi naman totoo.
"Okay, Mama. But be sure to come home ASAP!" Kenjie said with firmness.
Napangiti siya sa inasal ng anak. Masyado talaga itong worried kapag ginagabi siya nang uwi.
"Yes po, baby. I'll be there less than an hour. You better sleep. 'Wag mo na 'kong hintayin, okay? I love you."
"I love you, too, Mama. Kelly is already sleeping. I'll just wait for you."
Hinintay muna niyang pindutin ni Kenjie ang end call bago niya ibinalik sa clutch ang cellphone.
"Was that your lover?" Narinig niya ang disgusto sa tinig ni Dwight. "Isinama mo pala siya rito sa Pilipinas."
Kunot-noo niya itong tinitigan. Nasa couch na ito, at pasalampak na nakaupo. Imbis na sagutin ay inignora na lamang niya ang sinabi nito. Hindi niya obligasyon na magpaliwanag dito.
Tumayo siya. She headed towards the door without her heels on. Kung ayaw ibigay, eh, 'di umuwing nakapaa.
"You're not allowed to go home. Dito ka lang!" madiin nitong saad. Tumayo ito, at hinawakan ang braso niya.
Pumiksi siya. "I needed to go home. May naghihintay sa 'kin sa apartment!" Nagsisimula na siyang mainis dito. Kung makaasta ay tila walang kasalanan sa kaniya noon.
"Who? Your lover?" Umigting ang panga nito. Mas lalo nitong diniinan ang pagkakahawak sa kaniya.
"Wala ka na r'on!" she yelled in front of his face.
Ikiniling nito ang ulo. Pailalim siya nitong tinitigan. He then smirked. "Then stay here. Hindi ka makakalabas hangga't hindi ko sinasabi."
"And who are you to manipulate my life?! You asshole!" Nabubwesit na siya. Ngayon pa nga lang sila uli nagkita, puro na sila bangayan.
Nagtagis ang bagang ni Dwight. "If I say stay here, you f*****g will stay here!"
Tinaasan niya ito ng kilay. "And what if I don't? May magagawa ka ba? Tabi!" Tinabig niya ang palad nito. Akmang lalabas na siya nang pabigla siya nitong kinaladkad. Pasalya siya nitong binitawan sa kama. "How dare you!"
"Yes, how dare me! So shut the f**k up and stay still! Walang uuwi hangga't hindi ko gusto!"
"I'll sue you! This is harassment. This is kidnapping!"
Kiniling nito ang ulo, saka kinagat ang gilid ng labi. He then smirked. Nameywang ito sa harapan niya. "Kidnapping? As much as my memory is concern, I didn't f*****g force you to come inside. You welcomed your self. You can check the CCTV if you want."
Natameme siya sa sinabi nito. Oo nga naman. Pero hindi siya papipigil. "Y-You're harassing me! Hindi mo ako pinapauwi! I'll sue you!"
"Then sue me all you want." Dumukwang ito sa kaniya, then stared at her eye-to-eye. "I.don't.fucking.care! Walang maniniwala sa 'yong hina-harass kita. Women come to me freely as if I'm the only man in the world." Iniliyad nito ang dibdib.
Napairap siya. Ang yabang ng damuho.
'Pero totoo naman,' hiyaw ng isang bahagi ng utak niya.
Ipinilig niya ang ulo. Kung anu-ano na lang ang iniisip niya.
She drew a deep breathe. Kung hindi ito madala sa bangayan, papakiusapan na lang niya ito. She needed to go home. Hinihintay siya ng anak niya.
Tinitigan niya ito. "Look, D-Dwight. I really needed to go home, so please let me."
Saglit itong natigilan. Tila lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. Nag-iwas ito ng tingin, saka tinalikuran siya.
"D-Dwight, plea—"
"Magbibihis lang ako. Ihahatid kita." He headed towards the walk-in closet.
Gusto niyang magprotesta. Ayaw niyang magpahatid dito. Baka makita nito ang mga anak niya. Mahirap na.
Bumaba siya sa kama. Tatakasan niya ito habang nagbibihis pa ito. Bahala na kung wala siyang sapin sa paa, basta't makauwi lang siya na hindi nito inihahatid.
Nagtungo siya sa sliding door. Akmang bubuksan niya iyon nang may marinig siyang alarm. Napahawak siya sa dibdib sa sobrang gulat.
"I told you I'll fetch you home."
Napaharap siya sa binata. Nasa may pintuan ito ng closet. He was holding a remote. Marahil ay remote iyon para sa lock ng sliding.
Bigla ay napaawang ang mga labi niya. Nanlalaki ang mga matang pinasadahan niya ito nang tingin.
Dwight combed the side of his long hair using his hands. For heaven's sake, he was like an international ramp model. He was only wearing his boxer briefs in front of her very own eyes! He was so tempting, and he was so...so...fucking hot!