Story By Jelay Estrel
author-avatar

Jelay Estrel

ABOUTquote
BLESSED. THANKFUL. GRATEFUL Hello, I\'m Jelay Estrel isang ilokanang manunulat. Lahat po ng story ko ay nakasulat sa TAGALOG.
bc
The Mafia's Innocent Wife (R18 Tagalog)
Updated at Feb 13, 2024, 15:30
"Ikaw ang magiging kabayaran sa kasalanan sa akin ng iyong Ama, kaya kahit na isumpa mo ako wala ka ng takas dahil magiging asawa na kita." Caliver Rusini Cortesi, a ruthless mafia and a cold-hearted businessman. Isang kasapi sa Cortes Triad na pinamumunuan ng kaniyang pamilya. Ngunit nagkagulo ang dapat sana'y tahimik niyang mundo dahil kay Guzman Calibuso, ang matandang pumatay sa kaniyang asawa dahil sa galit nito sa kaniya. Buhay ang kinuha nito kaya buhay din ang magiging kabayaran sa buhay na inutang nito sa kaniya. Bilang kapalit ay kinuha niya si Lunnox Calibuso, ang nag-iisang anak na dalaga ni Guzman para pagbayarin sa ginawa nitong kasalanan. Ngunit paano kung ang babaeng naging kabayaran ng kasalanan sa kaniya ng ama nito ay ang babaeng magtuturo sa kaniya kung paano magmahal muli? Magpapadala ba siya sa tibok ng kaniyang puso o umpisa na ito ng kaniyang tuluyang pagbagsak?
like
bc
Nakaw na Pag-ibig (R18)
Updated at Feb 1, 2024, 06:59
“Mali bang mahalin ko ang asawa ng aking Tita Cora?” Ako si Shanta Martin, isang dise nuebe anyos na dalaga. At isang taon nang nakikitira sa aking Tita Cora sa probinsya. Hindi ko kagustuhan ang nangyari. Natutunan kong mahalin si Bernard, ang asawa ng aking Tita Cora. Mali ba? Mali bang makisalo ako sa kanilang dalawa? Kung bawal ang pag-ibig ko para sa kanya, pipiliin ko bang magkasala?
like
bc
Yes, Sir I'm Yours
Updated at Dec 20, 2023, 15:46
"Yes, Sir! I'm Yours!" Iyon na lamang ang katagang nasabi ni Ylana matapos niyang ibenta ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Sa isang estrangherong sabik na sabik na makatalik siya. Sa isang mainit na sandali na iyon ay pinilit niyang magpaligaya kapalit ng sampung libong piso na pambayad niya sa kanyang sariling Ina. Ngunit paano kung ang lalaking iyon ang magiging kasagutan sa kanyang problema? Papayag ba siyang magpatali rito kapalit ng buhay na marangya?
like
bc
Breaking The Badboy's Rule (R18 Tagalog)
Updated at Sep 7, 2023, 16:12
Simple lang ang buhay ni Maxienian "Max" Santos. Isang simpleng dalaga na nangangarap na maging isang magaling na Pastry Chef. Ngunit nasira ang lahat ng iyon sa pagdating ni King Del Rio sa kaniyang buhay. Mula nang magkilala niya ito ay ginulo na nito ang buhay niya. At ang buong pagkatao niya ay naapektuhan dahil sa pagiging salbahe nito sa kaniya. Isang kasunduan ang tinanggap ni Max ang magpanggap na pekeng nobya ni King. Nang magipit siya at nangangailangan ng malaking pera. Inakala ni Max na hindi siya magkakagusto kay King ngunit nagkamali siya. Magkaiba ang kanilang mundo. Kapalaran kaya ang magpapabago nito o kapalaran din ang gagawa ng dahilan para sila ay magkalayo?
like
bc
Knight Series 2: Storm Dela Vega (R18 Tagalog)
Updated at Aug 23, 2023, 08:29
Nangako si Storm Dela Vega kay Jeni Ramos na pakakasalan niya ito ngunit hindi iyon ginawa ng binata pagkatapos niyang makuha ang gusto niya rito. Sa paglipas ng limang taon ay muling babalik si Jeni kasama ang kaniyang anak sa Hacienda Victoria para maghiganti sa lalaking nanloko at nanakit sa kaniya. Mapapatawad pa kaya siya ni Jeni o tuluyan na siyang kamumuhian ng dalagang matagal na niyang hinihintay na bumalik?
like
bc
Ang Astig kong Asawa (R18)
Updated at Aug 5, 2023, 03:22
Lumaki sa hirap si Sheena kaya kahit na anong trabaho ay pinapasok niya para kumita at mabuhay dahil ulilang lubos na siya. Kaya naman nang alukin siya ng trabaho ni Don Ramon ay kaagad niya iyong tinanggap. Kapalit ng isang kundisyon na aalagaan niya ang apo nitong si Denver Montreal na may amnesia. Akala ni Sheena na madali ang lahat ngunit hindi pala. Matatagalan kaya niya ang masungit niyang boss na si Denver kapalit ng malaking pera na alok sa kaniya ni Don Ramon? O mahuhulog siya sa binatang nakatakdang ikasal sa iba?
like
bc
My Possessive Boss (R18 Tagalog)
Updated at Jun 14, 2023, 06:37
Warning: This story is rated SPG 18! Not for minors! Contains sex scenes and strong languages. Aryanda Luisa "Ekang" Corpuz, isang college working student. Bente kuwatro anyos ang dalaga at kasalukuyang nag-aaral sa West University. Gusto niyang tapusin ang kurso niyang Culinary kahit mag-isa niyang pinag-aaral ang kaniyang sarili. Paraket-raket si Aryanda sa isang club kung saan nagtratrabaho siya bilang isang waitress. Nakilala niya roon si Zachary Damien Nicolas, isang guwapong businessman na palaging naglalasing at humahamon ng away. Kung minsan naman ay naroon lamang ito at kinakausap siya ng mga walang kuwentang bagay. Hanggang sa alukin siya ni Zachary na maging escort nito kapag may out-of-town itong business trip. Kapalit nang pagpayag niya ang pagtulong ni Zachary sa kaniyang pag-aaral hanggang sa makatapos siya. Tinanggap ni Aryanda ang alok ng binata sa isang kundisyon. Hindi niya ito maaring mahalin dahil kapag ginawa niya iyon. Tatapusin na ni Zachary ang kanilang kasunduan. Paano nga kaya pipigilan ni Aryanda ang kaniyang puso sa pagtibok nito para sa binata? Paano nga ba mapipigil ang pagmamahal?
like
bc
The Mafia's Daughter (SPG18)
Updated at Mar 31, 2023, 07:03
Misyon ni Shyra Denver o mas kilala sa pangalang Shy ang akitin at patayin si Deangelo Moran na isang XXX Agent. Isang misyon na hindi niya kayang tanggihan. Ngunit paano kung ang lalaking kaniyang balak akitin at kitilin ang buhay ay ang lalaking magliligtas sa kaniya sa kamatayan? Magagawa pa kaya niyang gawin ang utos ng kaniyang ama o tatalikuran niya ang madilim na buhay na mayroon siya para sa binatang nakahandang suungin ang mundong ginagalawan niya?
like
bc
About Last Night( R18 Tagalog)
Updated at Dec 30, 2022, 14:39
Warning: Mature Content! Hard SPG!! Babaeng bitter o ampalaya iyan ang tawag ng mga kaibigan ni Marigold Granadoso o mas kilala sa pangalang Mari ng mga kaibigan niya. Bente nuebe anyos na dalaga at nagtratrabaho bilang isang wedding planner ng Sassy Wedding and Events sa Pangasinan. Isa siyang single na hindi naniniwala sa pag-ibig dahil palagi na lamang siyang niloloko ng mga lalaking minamahal niya. Hanggang sa isang araw ay nagbago ang lahat ng paniniwala niya nang makilala niya si Sid sa Isla Margarita, isang lalaking malakas ang sex appeal at sense of humor. Naging magkaibigan sila nito dahil sa magkaibang paniniwala nila pagdating sa pag-ibig. Hindi inakala ni Mari na ang lalaking nakasama niya sa Isla Margarita ng isang buwan at pinag-alayan niya ng sarili ay ang tao pa lang magiging kliyente niya na nakatakda nang ikasal. Pipigilin ba ni Mari ang sakit na kaniyang nararamdaman sa paghaharap nila ni Simoun Idefonso? O itutuloy na lamang niya ang planong pag-alis sa kaniyang trabaho upang makaiwas sa binatang nagturo sa kaniya kung paano magmahal muli?
like
bc
My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)
Updated at Sep 30, 2022, 10:19
“Wala akong kasalanan!” Iyan ang hiyaw ni Penelope Gamboa nang ipakulong siya ng kaniyang asawang si Ram Salazar dahil sa pagpatay sa kapatid nitong si Jana. Pagkatapos siya nitong ipakulong ay nakipaghiwalay pa ito sa kaniya. Inilayo ni Ram ang kanilang anak. At sa tulong ni Attorney Daniel Escueta ay muli siyang makakalaya. At mapapatunayan na wala siyang kasalanan. Sa kaniyang paglaya ay babawiin niya ang anak sa dating asawa. At ipapatikim kay Ram ang sakit na ipinaranas nito sa kaniya.
like
bc
Hiram na Mukha (R18 Tagalog)
Updated at Aug 10, 2022, 06:33
"Kung kasalanan ang ibigin ka, pipiliin kong magkasala.” Pumayag si Andrea na magpanggap bilang si Roxanne upang maipagamot ang kapatid niyang may malubhang sakit. Kapalit ng kaniyang pagpapanggap bilang si Roxanne ay kinailangan ni Andrea na magpaopera ng mukha at para maging makatotohanan ang kaniyang pagpapanggap. Hindi inakala ni Andrea na ang lalaking asawa ni Roxanne ay isang milyonaryo, at ubod ng guwapo. Upang mabayaraan ang lahat ng perang gagastusin ng kaniyang kapatid sa pagpapagamot nito ay pumayag si Andrea sa isang kasunduan. Kailangan niyang makagawa ng paraan para ilipat ni Gareth sa pangalan ni Roxanne ang mga ari-arian nito. Magagawa ba ni Andrea ang kasunduan nila ni Roxanne o makakagawa siya ng isang kasalanan?
like
bc
Knight Series 1: Cold Santillan (R18 Tagalog)
Updated at May 31, 2022, 07:26
Inakala ni Cold Santillan na si Rita Garcia na ang babaeng itinadhana para sa kaniya pero nagkamali siya. Nang matapos ang kanilang kasal at iwan siya ng babaeng dinala niya sa dambana. Naiwan si Cold sa Victoria na iniisip ang dahilan kung bakit siya biglang iniwan ni Rita. Sa paglipas ng taon ay piniling kalimutan ni Cold si Rita at nanatili sa kaniyang hacienda kasama ang mga kaibigan. Pinatay ni Cold ang puso niya at hindi na muling umibig pa. Ngunit paglipas ng isang taon ay babalik si Rita sa Victoria at sa buhay niya. Hindi bilang ang babaeng kaniyang minahal kun'di si Juvy Pascual, ang kakambal ng babaeng minahal niya. Magagawa nga kaya ng tadhana na pagtagpuin ang kanilang mga puso? O kakamuhian lamang nila ang isa't isa?
like
bc
Knight Series 3: Hatt Mendoza (R18 Tagalog)
Updated at Mar 19, 2022, 06:27
Isang fairytale para sa mga kababaihan ang magkaroon ng nobyo o asawang katulad niya. Ang hindi alam ng marami ay matagal na niyang isinara ang kaniyang puso para magmahal. Sapagkat niloko siya ng babaeng lubusang niyang minahal, at ipinagpalit siya nito sa matalik niyang kaibigan matapos silang ikasal. Ngunit babaguhin ni Zainab Malik ang kaniyang pananaw pagdating sa mga babae. Ito ang anak ng isang NBI Agent na kaibigan ng kaniyang Tito Eric. Hinuli siya nito at pinahiya sa gitna ng kalsada dahil sa kaniyang violation sa over speeding at pag-inom ng alak. Upang makabawi sa masamang inasal nito sa kaniya ay nakaisip si Hatt ng isang plano lalo na't nalaman niya na kailangan ng pamilya nito ang isang katulad niya para sa nalulugi nilang negosyo. Papayag kaya si Zainab na maging personal assistant niya? O tatanggihan siya ng dalaga at siya ang mahuhulog sa patibong nito para sa kaniya?
like
bc
GUNS AND ROSES (R-18 Tagalog)
Updated at Feb 2, 2022, 05:34
Marco Apollo Trinidad aka Travis, isang matinik na Agent ng Luna Crime Operatives ng Tarlac. Wala siyang mission na inuurungan, lahat ay kaya niyang lutasin at sa edad niyang trenta anyos ay siya ang pinakabatang Special Senior Agent sa kanilang departamento. Sa pakiusap ng kanilang nobyang si Vicky ay iniwan niya ang kaniyang sinumpaang tungkulin. Ngunit sadyang tinatawag siya ng kaniyang trabaho. Lalo na't pagkatapos ng labing limang taon ay nahanap na niya ang taong pumatay sa kaniyang mga magulang. Paano tatanggapin ni Travis na ang taong gusto niyang paghigantian at patayin ay ang ama pala ng kaniyang babaeng pinakamamahal. Ano nga ba ang mas matimbang sa isang agent na katulad ni Travis? Ang pagmamahal ba o ang paghihiganti?
like
bc
Rewrite The Stars (R18 Tagalog)
Updated at Nov 9, 2021, 05:08
Samantha "Sam" Paula Pablo, isang bente tres anyos na dalaga na ang gusto lamang ay mabawi ang kanilang bahay at lupa. Pati na rin ang coffee shop na pagmamay-ari ng kaniyang namayapang ina, nawala ang mga iyon dahil sa pagsusugal ng kaniyang ama. Sa kagustuhang mabawi ni Sam ang coffee shop nila at ang titulo ng bahay at lupa nila ay inalam niya kung sino ang nakakuha niyon. Nakilala niya si Franco Guerrero, isang masungit na businessman na nakilala na niya noon sa kanilang coffee shop nang minsang may business meeting ito roon. Hindi naging maganda ang pagkikita nila ni Franco dahil mabilis na kumulo ang dugo niya sa masama nitong pag-uugali at pagiging matapobre. Upang mabawi ang kanilang mga pagmamay-ari ay pumayag si Sam sa gustong ipagawa sa kaniya ni Franco. Magpapanggap siya bilang pekeng nobya nito sa loob ng isang buwan. Tinanggap ni Sam ang naging kasunduan nila ni Franco. Ngunit habang tumatagal ay nahuhulog naman ang loob niya rito. Magiging matapang kaya siya para hindi tuluyang ibigin ang binata? O mahuhulog lamang siya isang masungit at aroganteng lalaki na tulad ni Franco?
like
bc
COLLIDE (Isla Del Amor Yacht and Country Club Series)
Updated at Jul 21, 2021, 02:48
*This story is a collaboration* Mayabang, antipatiko at bastos, ganiyan ilarawan ni Monique Ramirez si Maximo Salvatore. Isang anak mayaman na walang pakialam sa damdamin ng mga taong nakapalibot sa kaniya. Sa Isla Del Amor, nagpasyang magbakasyon ni Monique matapos siyang hindi siputin ng lalaking nangako sa kaniya ng kasal. Hindi inakala ni Monique na si Maximo ay kapatid ng lalaking nang-iwan at nanloko sa kaniya. Kaya nagpasya siya na gamitin si Maximo upang maghiganti sa kapatid nito. Ngunit hindi niya inakala na ang lalaking gagamitin niya para sa taong nanakit sa kaniya ay gagamitin din pala siya laban sa kapatid nito? How can love and hate... COLLIDE?
like
bc
Secret Agent Soraya Castelejo (Completed)
Updated at Apr 9, 2021, 19:09
Secret Agent Soraya Castelejo #088 isang under cover ng Primer Agency. Isang sangay ng NBI na itinatago upang maprotektahan ang mga undercovers na katulad ni Soraya Castelejo. Naatasan si Soraya o "Love Guadalupe" na imbestigahan si Artemio "Art" Briton tungkol sa pagkamatay ni Lexi Santillan sa mismong tapat ng bahay nito. Si Art ang itinuturong may kasalanan ng pagkamatay ni Lexi kaya naman agad na nag-isip ng paraan si Soraya mapalapit lang sa binata. Pero habang tumatagal ang kaso ay mas nagiging malapit sila sa isa't isa. Magagawa nga kaya ng pag-ibig na takasan ang kasalanan? Magagawa nga kaya ng pag-ibig ang magsakripisyo para sa taong mahal niya? Paano kapag nalaman ni Art na isang undercover si Soraya? Paano na ang pagtitinginan nila sa isa't isa. Anong lihim ang matutuklasan ni Soraya sa pagkatao ni Art.
like
bc
Seducing Marcus Monter (R18 Tagalog)
Updated at Apr 6, 2021, 00:01
Isang istriktong businessman ang boss ni Yna Fran Saavedra, ang loka-lokang secretary na nagkakagusto sa masungit niyang boss. Kahit panay papansin ng dalaga ay deadma pa rin siya kay Marcus Clyde Monter. Hanggang sa gumawa na siya nang plano para akitin ito pero hindi pa rin iyon tumalab sa binata. Mas lalo lamang siya nitong iniwasan at nilalayuan. Naisip ng dalaga na wala na talaga siyang pag-asa kaya naman iniwasan na lamang niya ito. Sa kaniyang pag-iwas at paglayo sa guwapo niyang boss ay ang paglapit naman nito sa kaniya. Hahayaan kaya niya itong pumasok sa buhay niya? O tuluyan na lamang niyang isasara ang pinto ng puso niya dahil sa langit at lupang agwat nila sa isa't isa.
like
bc
His Innocent Wife (R18 Tagalog)
Updated at Mar 6, 2021, 01:38
Simple lamang ang buhay ni Luningning Alfonso, isang raketera na namumuhay mag-isa sa lumang apartment ng Calauag Tarlac. Dahil elementary graduates ang kaniyang natapos ay nahihirapan siyang humanap ng trabaho. Dumating sa punto na walang-wala na siyang pera at kailangan na niyang magbayad sa mga pinagkakautangan niya. Isang binata ang nag-alok sa kaniya bilang maging pekeng asawa nito kapalit ng sampung daang libong piso. Kapit sa patalim na tinanggap iyon ng dalaga hanggang sa unti-unti na siyang nababaon sa binatang nagsabi sa kaniyang “huwag kang mag-alala dahil hindi ko type ang isang tulad mo”. Makakatagal kaya siya sa poder nito bilang pekeng asawa o totohanin na niya ang pagpapanggap bilang asawa ni Tristan Elizarde? Hanggang saan ba ang kaya niyang itagal? Gaano ba siya katatag pagdating sa pag-ibig?
like
bc
I'M HIS SECRETARY (Tagalog)
Updated at Jan 26, 2021, 21:34
Kia Santos Reyes, isang babae na mataas ang pangarap para sa kanyang pamilya. Nang maka-graduate siya ng kolehiyo ay agad na siyang nagtrabaho para makatulong sa kanyang Ina. Namasukan siya bilang assistant secretary ni Conor Mondragon. Ang anak ng millionaire na si Custudio Mondragon na nagmamay-ari sa Mondragon Empire. Sa una ay hindi niya nagustuhan ang pagiging istrikto ni Conor. Hanggang sa unti-unti niyang nauunawaan ang ugali ng masungit niyang bos. Nahulog ang loob niya rito ng hindi niya inaasahan at ganoon din ang binata sa kaniya. Ngunit isang nakaraan ang babalik sa kaniyang kasalukuyan. At ito ang nakaraan na hinding-hindi niya matatakasan. Kasabay nang katotohan ay matutuklasan niya ang panloloko sa kaniya ng binatang ninais niyang maging karamay. Hanggang kailan kamumuhian ni Kia ang lalaking minsan na niyang minahal nang lubusan?
like
bc
SIR CRUSH KITA (Completed)
Updated at Nov 10, 2020, 03:29
Lovely Ann Joyce Maxine o mas kilala sa tawag na Maxine. Isang fourth year highschool na inlab na inlab sa guwapo niyang teacher na si Nathan Del Mundo. Mula nang magtagpo ang tadhana nila nito ay hindi na inalis ni Maxine ang atensiyon kay Nathan. Sinusundan niya ito palagi at sobrang saya ng dalaga nang maging guro niya ang guwapong physics teacher. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana ang teacher na crush na crush niya ay Ninong din pala niya. Pinagtagpo nga lang ba sila ng tadhana? Ngunit hindi inilaan sa isa't isa?
like
bc
CLOSER (Tagalog)
Updated at Oct 20, 2020, 23:01
Warning: Rated SPG! Includes sex scenes and strong languages! Read at your own risk! Russel Sebastian isang widowed na may isang makulit na anak. Namatay ang kanyang asawa na si Filomena sa isang car accident isang taon mula nang ipanganak nito si Feya Alice. Naging matamlay ang buhay ni Russel sa pagkamatay ng kaniyang asawa. Dumating sa punto na napapabayaan na niya ang kanyang sarili. At sa panahon na iyon ay makilala niya si Shine Alonzo. Ang dalagang magbibigay ng kulay sa malungkot niyang mundo. Ngunit paano nga ba mapapalambot ng dalaga ang bato niyang puso? Kung matutuklasan niya na si Shine ang dahilan kung bakit sila naaksidente ng kaniyang asawa. Matatanggap at mapapatawad pa kaya niya ito? O maghihiganti siya sa dalaga na unti-unti na niyang minamahal?
like