bc

Contract Wife of the Mafia Under Boss (SSPG)

book_age18+
16
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
dark
forbidden
HE
escape while being pregnant
powerful
heir/heiress
drama
bxg
small town
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Nawindang ang simpleng buhay ni Jhel Sarveda nang matanggap siya sa kompanya na pagmamay-ari ni Dominic Hagedorn, isang cold-hearted multi-billionaire bilang isang secretary.

Sa simula hindi sila nito magkasundo hanggang sa nakuha ni Dominic ang atensiyon niya at nang ligawan siya nito ay kaagad siyang sumagot at nagpatangay sa init ng pagmamahal ng binata sa kanya.

At hindi nagtagal nagpakasal silang dalawa.

Buong akala ni Jhel labis siyang minamahal ni Dominic. Ngunit ang lahat lang pala ay pagpapanggap at paglilinlang dahil natuklasan ni Jhel na peke ang kanilang kasal at ginamit lang siya ni Dominic upang mahawakan sa leeg ang kanyang tunay na ama, ang Big Boss na kalaban ni Dominic sa negosyo.

Sa natuklasan ni Jhel, mapapatawad pa kaya niya si Dominic o tuluyan niyang ilalayo ang kanyang sarili sa magulong mundo ng lalaking nangako sa kanya ng wagas na pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: Unang Pagkikita
“KENYANG! KENYANG!” Malakas na tili ng kanyang baklang pinsan habang tinatawag ang palayaw niya. Nasa loob ng banyo si Jhel at kakasimula pa lamang niyang maligo. “Sevent thirty na, ngayon ang unang araw mo sa trabaho bilang isang secretary ni Mister Hagedorn at hindi ka p’wedeng ma-late, bruha!” sigaw pa nito na mas aligaga pa sa kanya. Binilisan niyang maligo dahil sa sobrang excited niya sa trabaho ay late siya nagising. Kasalanan din naman iyon ng kanyang baklang pinsan na si Nico o Nica kung tawagin niya. “Nariyan na!” Mabilis na lumabas ng banyo si Jhel at tinakbo ang kanyang kuwarto. Nagbihis siya at isinuot ang plantsadong white long sleeves at black skirt na may side slit. Itinack-in niya ang kanyang long sleeves at saka ipinatong ang black blazer jacket niya. Basa pa ang kanyang magulong buhok habang isinusuot niya ang kanyang slip on black shoes na nasa gilid ng vanity table kung saan siya naroon. Kinuha niya ang kanyang tote black bag at isinabit sa may balikat niya. Hawak niya ang suklay at nagmamadaling lumabas ng bahay. “Kenyang! Baon mo!” Pahabol sa kanya ng kanyang pinsan. “Salamat, Nica. Ikaw na ang bahala dito sa bahay, ha? Bago ka pumasok sa salon ni Mama Jojo siguraduhin mo muna na naka-off ang mga switch at nakasara ang tangke ng gasul!” nagmamadaling bilin niya rito. “Baka mamaya umuwi tayo na wala na tayong bahay!” “Oo! Hindi mo na kailangan pang ipaalala iyon, Kenyang!” Kinuha niya ang susi ng kanyang motor na mio at pinaandar ang makina no’n. “Bruha! Magmo-motor ka? May office girl ba na magmo-motor? Baka mamaya masilipan ka pa! Nakabukaka ka, o! Silip na silip ang makulimlim mong singit diyan!” paghihisterikal ni Nica. “May kotse ba tayo? Hindi ba wala? Salamat sa pabaon mong almusal, ha. Aalis na ako baka ma-late pa ako!” “Sige! Hoy, mag-iingat ka ha! Marami pa tayong mga pangarap sa buhay!” malakas na sigaw nito sa kanya habang papalayo siya rito. Binusinahan na lamang niya ang kanyang kaibigan at tuluyang binilisan ang kanyang pagpapatakbo ng segunda mano niyang motor. Ang unang sasakyan na naipundar niya bago siya matanggap na secretary ni Mister Dominic Hagedorn. Two months din siyang naghintay na matawagan siya muli ng Hagedorn Holdings kaya sobrang tuwa niya nang matanggap siya dahil malaki ang inalok ng Hagedorn Holdings sa kanya, triple ng salary niya sa dating trabaho niya bilang assistant secretary ni Miggy Miranda, ang boss niyang nagrekomenda sa kanya sa Hagedorn Holdings. Nangako si Jhel sa sarili niya na sa unang sweldo niya ililibre niya sina Miggy at Nica. Mag-iipon siya ng pambili ng brand new na motorsiklo. Sa kalagitnaan ng kalsada tumirik ang motor niya. Napahawak siya sa kanyang noo dahil alas otso na at late na siya! Itinabi niya ang kanyang motorsiklo at tumingin sa kanyang orasan. Ilang beses siyang pumara ng tricycle ngunit hindi siya hinintuan. Kung pupunta siya sa sakayan ng jeep baka lalo siyang ma-late. Magulo ang kanyang basang buhok na mas gumulo pa dahil sa pagsabunot niya sa kanyang sarili. Paano na ngayon ang mga pangarap niya? Baka sa unang araw niya sa trabaho ay masisante siya kaagad. Palakad-lakad siya sa daan hanggang sa bigla siyang businahan ng isang itim na sasakyan, isang Rolls Royce Cullinan. Isang pulgada lang ang layo ng sasakyan sa kanyang katawan. Bumaba ang driver ng sasakyan at nagmamadaling lumapit sa kanya. Isang lalaki na nasa middle thirties ang edad. Malinis tignan at guwapong-guwapo sa suot na all black attire. “Miss, okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. “Waldo! Late na tayo! Kung buhay pa naman at humihinga hayaan mo na. Bigyan mo na lang ng pera para ipagamot niya ang sarili niya!” malakas na sabi ng lalaking nasa loob ng sasakyan. Napakunot ang kanyang noo nang marinig ang sinabi nito. Gusto pa yatang bayaran ng lalaking ito ang buhay niya. Aba! Lumapit siya sa may bintana at kinatok iyon. Ibinaba naman ng lalaki ang bintana. Tumingin ang lalaki sa kanya. Napabuka ang kanyang bibig dahil makalaglag p@nty ang kaguwapuhan ng lalaki kahit na seryoso ang mukha nito at mukhang aburido. “Waldo!” muling sigaw nito. “Te-Teka! Tu-Tutal muntikan na ninyo akong mabangga baka p’wedeng makisabay! Nasiraan kasi ako ng motor at wala rin akong masakyan,” sabi ni Jhel kahit na kabado. Kailangan niyang kapalan ang kanyang mukha kaysa naman masisante siya kaagad, no! Isinara ng binata ang bintana. Wala akong pagsang-ayon na narinig mula rito. “Waldo!” muling sigaw ng lalaki na tila naiinis na. Hindi na hinintay ni Jhel na sumagot ng oo ang driver ng sasakyan. Binuksan niya ang kabilang pinto at sumakay sa back seat kasama ng guwapo at napakabangong lalaki na ngayon lang niya na kita sa buong buhay niya. Wala siyang narinig na pagtutol mula rito. Ngunit panay ang takip nito sa ilong. Inamoy niya ang kanyang sarili. Mabango naman siya, Johnson’s Baby Cologne nga ang gamit niya. “Miss, saan ka ba bababa?” tanong sa kanya ni Waldo na nagkakamot ng ulo. Hindi rin makatingin ang binata sa boss nito na seryoso. “Sa Hagedorn Holdings, first day ko sa trabaho at ayokong masisante ng boss ko,” mabilis niyang sagot dito. Hindi naman umimik si Waldo na nagpatuloy sa pagmamaneho sa magarang sasakyan. Mukha tuloy siyang prinsesa ngayon na nakaupo sa elegant car na mas malamig pa ang aircon kaysa sa office niya noon. Nang makarating sila sa Hagedorn Holdings ay bumaba na siya ng sasakyan. “Sala---” Hindi niya natapos ang kanyang sinasabi dahil umandar na muli ang sasakyan papasok sa parking lot. At nagtataka naman siya kung bakit dumiretso doon ang sasakyan. Napailing siya at tinungo ang main door. Binati niya ang naka-duty na guard at saka niya ipinakita ang kanyang ID dito. Nag-time in siya at saka hinanap ang kausap niyang HR Representative last week dahil kakausapin pa siya nito ngayon. Dumiretso siya sa banyo para ayusin ang kanyang sarili. Mabilis na make up, lipstick at suklay sa magulo niyang buhok. Huminga siya ng tatlong beses bago lumabas ng banyo at magpunta sa office ni Miss Chinky. Ngunit bago siya makapasok sa office ni Miss Chinky, nakita niya ang lalaki na papasok sa elevator at may mga alalay na kasama. Napataas pa ang kanyang kilay dahil pinaalis ng lalaki ang mga nakasakay na empleyado sa loob ng elevator. “Napakaarogante naman talaga ng lalaking iyon. Mabuti na lang hindi siya ang boss ko dahil ang sabi sa akin ni Miggy isang matandang binata ang boss ko na sobrang bait at maunawain,” bulong ni Jhel sa kanyang sarili. “Miss Sarveda,” untag sa kanya ng mahinhin na boses sa kanyang likuran. Liningon ni Jhel ang babaeng nagsalita. Si Miss Chinky. “On time ka, Miss Sarveda. Halika na at sasamahan na kita sa office ni Sir Dom,” nakangiting sabi nito sa kanya. “Okay sige.” Sumunod si Jhel kay Miss Chinky na patungo sa may elevator. “Sana magtagal ka, Miss Sarveda. Gustong-gusto ko pa naman ang sense of humor mo. Sigurado ako na magugustuhan ka rin ng boss natin.” Napangiti siya sa sinabi nito. “Sana nga.” Tinapik niya ang ibabaw ng kanyang puso at pinakalma ang kanyang sarili. Kanina pa siya kinakabahan at pinagpapawisan na rin ang kanyang mga palad. Bumukas ang elevator at naglakad sila patungo sa office ni Sir Dominic Hagedorn. Kumatok si Miss Chinky sa nakasarang pinto at ganoon na lang ang pagkagulat niya nang marinig ang maawtoridad na boses ng lalaki kanina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
749.4K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.8M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
982.4K
bc

A Warrior's Second Chance

read
361.7K
bc

Not just, the Beta

read
349.2K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook