Story By Ren Salazar
author-avatar

Ren Salazar

ABOUTquote
Hi, I’m Renalin Salazar from Zamboanga City. 39years old, married and I have two children. I love reading stories since high school up to now. I also love writing stories with my own imaginations.
bc
Can't Be With You
Updated at Oct 3, 2025, 22:36
Ang mga tauhan ni Jeon Datiles ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ni Glydel Medina. At dahil dito, nagpasya ang lalaki na tulungan nang palihim ang babae sa pamamagitan ni Tristan na siyang malapit na pinsan ni Jeon. Ngunit paano kung dumating ang panahon na unti-unti na pala niyang nagugustuhan si Glydel kahit na sa malayo niya lang ito napagmamasdan? Patatawarin kaya siya ng babaeng pinakamamahal kung sakaling malaman na sangkot siya sa pagkamatay ng mga magulang nito?
like
bc
Agos
Updated at Apr 10, 2023, 22:00
Kalamidad ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Gio at Khate. Subalit pagkatapos ng maraming taon, sila ay nagkatagpong muli ngunit hindi nakilala ang isa’t isa. Papaano kaya malalaman ni Gio na si Khate ang kaisa-isa niyang kapatid na matagal na niyang hinahanap? Tatanggapin pa kaya siya ni Khate sa pag-aakalang pinabayaan niya ito gaya ng sinabi ng kinikilalang tunay na ina ng kapatid?
like
bc
Incompatible (Aning and Zuriel)
Updated at Oct 8, 2022, 20:21
Naging High School sweethearts sina Aning at Zuriel upang maitago ng huli ang tunay niyang pagkatao. At lingid sa kaalaman ng babae ang lihim nito. Ngunit nagkahiwalay rin nang isama si Zu ng kaniyang ama papuntang America. Lumipas ang ilang taon, nagbalik si Zuriel upang alukin si Aning ng legal na kasal para hindi mawala ang kayamanan na minana sa papa nito. Inilihim nila ang lahat pati ang katotohanang bakla si Zuriel. Subalit bumalik ang ex-lover nitong si Lance at pilit na nakikipag-ayos. Maililihim pa kaya nila ang lahat sa pagdating ni Lance sa buhay nilang mag-asawa? Itatago na lamang ba ni Aning ang katotohanang, mahal na niya si zuriel?
like
bc
The Strange World
Updated at Feb 7, 2022, 00:54
Sa hindi inaasahang pangyayari, nakapasok ang magpinsang Red at Shyve kasama si Azriel sa isang lagusan na magdadala sa kanila sa kadiliman. Sa mundo na punong-puno ng kababalagahan at katatakutan, sinikap nilang labanan ang hamon ni kamatayan gamit lang ang sariling lakas at kakayanan. Haharapin nila ang mga pagsubok nang walang pag-aalinlangan mahanap lang ang daan pabalik patungo sa mundo ng mga tao. Makalalabas pa kaya sila sa mundong kinaroroonan kung mga halimaw ang naghahari-harian? Nanaisin pa bang bumalik ni Shyve kung malalaman niyang sa mundong ito siya tunay na nabibilang? Tao laban sa halimaw. Sino ang magwawagi?
like