Be Still My HeartUpdated at Dec 19, 2021, 06:10
Maya was selected as Muse in their class not because she's pretty enough but because the elected escort is Jacob, her ultimate enemy since childhood.
Alam ng buong campus ang alitan ng pamilya nila at ngayon 4th year high school lang sila magiging mag classmate kaya sinamantala ng mga classmate nila na pagtambalin silang dalawa.
"I object the nomination." mariin na sabi ni Maya.
"Maya naman! Huwag ka namang KJ." wika ni Ashley na nag nominate sa kanya. "Si Jacob nga walang angal eh." dagdag pa nito na sinang-ayunan naman ng iba niyang klasmeyt.
"Bakit ako? Di hamak naman na mas maganda si Elize kaysa sa akin." giit niya. Ayaw niya talaga na maging muse ng klase nila. Lalo na at may taunang paligsahan sa campus for Mister and Miss Dream High.
"Alam naman ng lahat 'yan, hindi mo na kailangang sabihin na hindi ikaw ang pinakamaganda." biglang saad ni Jacob habang nakaupo ito sa upuan nito sa tabi ng bintana. Napalingon siya dito at nakita niya na nakatingin ito sa kanya.
"Anong sinabi mo?" inis na wika niya ng marinig niya ang tinuran nito.
"Walang ulitan sa bingi." nakangising sagot nito na mas lalong nagpainit ng ulo niya.
"Okay." sagot niya habang nakatingin dito. "Tinatanggap ko ang nominasyon." ramdam sa paligid ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
"Yun naman pala eh." sagot ng elected President nila. "So okay na ha, wala ng atrasan. "Si Maya na ang Muse ng 4-Mahogany."
Bago siya umupo ay tiningnan niya muna ng masama si Jacob. “Ang kapal talaga ng mukha mo, Jacob.” Inis na wika niya sa sarili. Hindi man siya ang pinakamaganda pero matalino naman siya. Hindi katulad nito na pa-pogi lang ang alam gawin.
Kilala ito sa campus bilang isang playboy. Oo, gwapo ito. Singkit ang mga mata dahil may lahi itong chinese. Maputi at matangkad. Papasa ito bilang isang chinese member ng KPOP group. Pero di niya ito gusto dahil wala itong ginawa mula pagkabata pa nila kundi ang asarin siya.
“Makakaganti din ako sa pagpapahiya mo sa akin. Makikita mo.” Gigil na wika niya ulit habang hawak ng mahigpit ang ballpen.