
High school pa lang ay may kakaiba na akong nararamdaman sa klasmeyt ko na si Jericho.
Makita ko lamang siya ay sobrang saya na ang nararamdaman ko.
Pero malabo na tugunan niya ang nararamdan ko dahil pareho kaming lalaki.
Tanggap ko na kahit kaylanman a malabong tugunan niya ang nararamdaman ko kaya hanggang tingin na lang ako sa malayo.
Ngunit itinadhana na siya at ako ang napiling maging magpartner sa isang project. Naging malapit kami sa isa't isa at hindi ko naitago ang tunay kong nararamdaman sa kanya na lubos na ikinagalit niya.
Di ko malilimutan kung paano niya ako tingnan ng gabing 'yun. Sobrang sakit kaya pinilit ko ang sarili ko na kalimutan siya at nagpakalayo.
Ngunit sa pagbabalik ko ay muli kaming nagtagpo at muling bumalik at pag-ibig na matagal ko ng tinago sa puso ko.
