Story By dearlybeloved82
author-avatar

dearlybeloved82

ABOUTquote
A trying hard writer who just wanted to enjoy writing stories despite of a stressfull environment where i belong.
bc
THE STOLEN IDENTITY
Updated at Aug 31, 2022, 08:04
Upang makaiwas sa paulit-ulit na pambu-bully ng kinakapatid na si Madison ay nagawang itago ni Lovan Arbante ang kanyang tunay na mukha at para makatakas sa adik na nobyo nitong si Francis, lakas-loob siyang nagkunwaring boyfriend ng isang estranghero lalaki sa loob ng jewelry store sa pag-aakalang hindi na magsasanga ang kanilang mga landas. Subalit kung kelan handa na siyang ilantad ang totoong mukha sa mismong kasal ni Madison ay saka naman siya nito pinagtripan at pinapunta sa maling wedding venue, sa malas ay napagkamalang si Lovan Claudio at napilitang magpakasal kay Zigfred Arunzado, ang lalaking nakita niya sa jewelry store na sa huli'y nalaman niyang CEO pala ng Arunzado Holdings Corporation kung saan siya natanggap ng trabaho bilang secretary. Dumating kaya ang araw na mapaibig siya sa lalaking kasing tigas ng bato ang puso at kasing lamig ng yelo ang pagtrato sa kanya? Paano kung bumalik ang totoong Lovan Claudio? Handa ba siyang masaktan at magparaya? O nanakawin ang katauhang alam niyang hindi kanya para lang maangkin nang lubusan si Zigfred?
like
bc
Glessy, The Runaway Promdi
Updated at Dec 29, 2021, 03:22
ALL THE YOUNG--Para Paamuin ang Playboy Entry Ulila sa ama, iniwan ng ina upang magtrabaho sa Saudi bilang DH, at minamaltrato ng tiyahin kaya't napilitan si Glessy Alicante na magsariling-sikap para makapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo at matustusan ang pangangailangan ng nakakabatang kapatid na si Cerus. Ngunit napilitan siyang tumakas sa poder ng tiyahin nang malaman niyang ibenenta nito ang kanyang kapatid sa mag-asawang taga-Manila at nang muntik na siyang magahasa ng asawa nito. Sa kasawiang-palad ay nabundol siya ni Danvel Aquilino at napapayag sa alok ng lola nitong tutulungan siyang makatapos ng pag-aaral at mahanap ang kaniyang kapatid sa kondisyong kailangan niyang mapaamo ang playboy nitong apo ngunit sa halip ay ang mortal nitong karibal sa unibersidad na si Feron Narcelos ang kaniyang napaibig dahilan upang lalong magalit si Danvel sa kaniya. May pag-asa pa kayang mapalambot niya ang puso ng binata? Paano ang paghahanap niya sa kapatid kung hindi niya mapapaamo si Danvel?
like
bc
MARBLE: Negative Attraction Equals Love
Updated at Sep 27, 2020, 03:58
MARBLE----mukhang bampira na dalaga sa haba ng dalawang pangil na ngipin at ginawang subdivision ng malalaking pimples ang mukha na nang makagraduate ng high school ay napilitang isama ng tyahin sa Manila ngunit iniwan sa Luneta at naging taong grasa subalit nakita ng isang matandang pulubing may alzheirmer's disease pala at napagkamalan siyang ina nito na magulang pala ng isang mayamang anak at lolo ng binatang nagnakaw ng kanyang first kiss na halos pandirihan siya pagkatapos, at ang naging motto sa buhay ay NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE. Paano kung mainlove siya sa lalaking walang ginawa kundi i-bully siya at pagtawanan? Sino ang susuko sa kanila at aaaming mahal nila ang isa't isa? Subaybayan ang pakikipagsapalaran ng bobo sa English ngunit mautak na si Marble sa kanyang adventure.
like
bc
HOW TO LOVE A ONE-WOMAN MAN
Updated at Sep 9, 2020, 20:16
Isang college student na walang muwang sa totoong mundo, kuntento sa kung anong merun siya at hindi naghahanap ng mga bagay na wala siya. Iyon si Flora Amor Salvador bago makita si Dixal Amorillo, ang nagpakilalang engineer at naging boyfriend pagkatapos siyang mahalikan. Subalit biglang gumulo ang tahimik niyang mundo at dahil sa psychological trauma na naranasan ay nagkaron siya ng amnesia. After seven years ay di niya alam kung paano paniniwalaan ang isang Dixal Amorillo na nagpakilalang asawa niya at pilit siyang pinapaikot sa mga palad nito dahilan upang mainis siya sa lalaki. Subalit paano kung totoo ngang ito ang kanyang asawa at ama ng kanyang genius na si Devon? Paano kung ito pala ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagkaruon ng amnesia, magagawa pa ba niya itong tanggapin, kung kelan malapit na itong ikasal sa pangalawang asawa?
like