bc

Glessy, The Runaway Promdi

book_age16+
9
FOLLOW
1K
READ
playboy
brave
drama
comedy
sweet
bxg
enimies to lovers
school
like
intro-logo
Blurb

ALL THE YOUNG--Para Paamuin ang Playboy Entry

Ulila sa ama, iniwan ng ina upang magtrabaho sa Saudi bilang DH, at minamaltrato ng tiyahin kaya't napilitan si Glessy Alicante na magsariling-sikap para makapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo at matustusan ang pangangailangan ng nakakabatang kapatid na si Cerus.

Ngunit napilitan siyang tumakas sa poder ng tiyahin nang malaman niyang ibenenta nito ang kanyang kapatid sa mag-asawang taga-Manila at nang muntik na siyang magahasa ng asawa nito.

Sa kasawiang-palad ay nabundol siya ni Danvel Aquilino at napapayag sa alok ng lola nitong tutulungan siyang makatapos ng pag-aaral at mahanap ang kaniyang kapatid sa kondisyong kailangan niyang mapaamo ang playboy nitong apo ngunit sa halip ay ang mortal nitong karibal sa unibersidad na si Feron Narcelos ang kaniyang napaibig dahilan upang lalong magalit si Danvel sa kaniya.

May pag-asa pa kayang mapalambot niya ang puso ng binata? Paano ang paghahanap niya sa kapatid kung hindi niya mapapaamo si Danvel?

chap-preview
Free preview
Ang Tigresang Tindera
"Gles..." mahinang tawag ni Karla alas kwatro pa lang nang madaling-araw upang hindi makabulabog sa mga natutulog. Nagmadali siyang pagbuksan ito ng pinto. "Ang aga mo yata. Hindi pa ako tapos magsaing," salubong niya sa kaibigan at kapitbahay. Kanina pa siyang alas dos nang madaling-araw gising at katatapos lang maglinis ng buong bahay bago magpunta sa talipapa upang magtinda ng mga gulay. Isang ismid ang pinakawalan nito. "Loka! Ang sabihin mo, tinambakan ka na naman ng tiya mo ng trabaho," pairap nitong bara sa kanya. "Paano'y hindi ka nagrereklamo kahit ginagawa ka nang alila dito." Hinampas niya ito sa balikat sabay pandidilat ng mga mata, pagkuwa'y luminga-linga sa paligid kahit alam niyang sila lang ang naroon. Isang mapait lang na ngiti ang kanyang pinakawalan. Sa totoo lang, apat na taon na siyang nagtitiis dito, kaya nga ngsasariling sikap siya makatapos lang ng pag-aaral upang maitaguyod niya ang nag-iisang kapatid. Nang mamatay sa sakit na lupus ang kanyang ama ay nangibang bansa ang kanyang nanay upang sana mapapagtapos sila ng pag-aaral at pinatira nito sa kanila ang kapatid ng kanyang tatay na bagong kasal lang sa panglimang kinasama. Ngunit pagkatapos ng tatlong buwan ay ibinenta ng tiyahin ang kanilang bahay dahil wala na daw silang makain at hindi na daw sila maalala ng kanyang Nanay Gleceria. Wala silang nagawang magkapatid kundi ang sumama rito sa tinitirhan nila ngayon. Dati ay bahay kubo lang ang bahay, nitong nakaraang taon lang pinalitan ng yero ang bubong at hardieflex na fiver cement board naman ang mga dingding. Ang masama, pati ang bagay na iyon ay isinusumbat ng tiyahin sa kanila. Eksaktong alas kwatro. kung kelan natapos na siya sa lahat ng mga gawain ay siya namang pagpasok ng kaniyang Tiyang Judy sa loob ng kusina. "Bigyan mo nga muna ako ng tatlong daan d'yan. May lamay sa kabilang kanto. Makikilamay ako mamaya nang wala silang masabi sa'kin," bungad sa kanya sa paraang nang-uutos dahilan upang magkulay puti ang mga mata ni Karla sa pagkadismaya. "Bilib na talaga ako sa'yo, Ate Judy. Buti pa 'yong lamay, concern kayo. Paglalaanan niyo pa ng tatlong daan. Pero sana sa abuloy mapunta 'yong pera, hindi sa kung saan," patuyang sabad ng kaibigan. Siniko niya ito't pinandilatan, agad na kinuha sa bulsa ng suot na kupas na pantalong maong ang tatlong dadaanin at nakangiting iniabot sa tiyahin. Sa halip na magpasalamat ang tiyahin ay ang talim ng tinging ipinukol kay Karla sabay talikod sa kanila. Mangani-nganing habulin ito ng kaibigan at suntukin sa likod sa panggigigil ng huli pero bago pa ito mabuwisit ay nagpaalam siya agad sa tiyahing aalis na at mabilis na hinila ang kamay ng kaibigan palabas ng bahay. ~~~~~~ "Gulay kayo d'yan, mga ate, manong at manang! Mga bagong pitas lang po at mura pa!" Hindi pa man sumisikat ang araw sa Silangan nang umagang iyon ay sumisigaw na si Glessy sa bukana ng talipapa habang ang mga mamimili ay napapatingin lang sa kanya, ang iba'y lumalapit naman pero nagtatanong lang kung magkano ang kilo ng kanyang mga paninda at saka umaalis. Meron naman ding bumibili ng kilo-kilo, 'yong iba'y tingi-tingi lang kung bumili pero para sa dalaga, okay lang 'yon basta mabawasan ang kanyang tinda. "Miss, magkano itong Pechay?" usisa ng isang ginoong may dala-dalang malaking basket habang panaka-naka ang sulyap sa lalaking lumapit kay Karla sa katabi niyang pwesto. Karne naman ang ibinibenta ng kaibigan. "Sampu po, Manong. Ilang kilo po?" Gano'n ang style niya kapag may nagtatanong lalo na't nakikita sa mukha nitong gustong bumili. Hinawakan muna nito ang isang bigkis ng Pechay bago sumagot ng--"Sampung bigkis nga, Ineng." Ang lapad ng kaniyang ngiti habang inilalagay sa supot ang bibilhin nito. "Baka gusto niyo pa po bumili ng iba pang gulay, Manong. Mura lang po at mga bagong pitas. Wala pong chemicals ang mga 'yan," Ginamit na niya ang galing sa pagsi-sales talk upang maubos agad ang paninda. Pero hindi pa man niya naririnig ang sagot ng ginoo ay bigla na lang sumulpot mula sa kung saan ang tsismosa nilang kapitbahay na si Aling Cecelia. "Oy, Glessy. Bakit hinahayaan mong ang sugarol mong tiyahin ang kumuha sa padala ng nanay mo?" bungad agad. Natigilan siya, pagkuwa'y confused na napatingin kay Karla na nakatingin din sa kanya. "Pa'no niyo naman po nasabing kumuha si Tiyang ng pera? 'Tsaka Linggo po ngayon, walang pasok ang mga bangko at ang Palawan," baling niya sa kapitbahay habang kinkuha ang bayad ng ginoong bumili sa kanya ng Pechay. "Sa Cebuana, bukas kahit Linggo, hanggang alas singko nang hapon. Pwede kang kumuha ng padala kahit international pa," mariing sagot ng kausap, nasa mukha ang kaseguraduhan sa sinasabi. Nagkatinginan na uli sila ni Karla. "Nakasabay ko nga si Judy sa loob ng Cebuana Lhuillier kanina lang. Ang sabi'y isasanla daw ang suot niyang kwintas pero nakita ko, hindi naman isinanla ang kwintas. Tapos tinanong siya kung saan galing 'yong padala, sabi niya, sa Saudi raw." Sandali siyang natameme sa narinig, agad nagkulay kamatis ang magkabilang pisngi. Kelan pa nagsimulang magsinungaling ang Tiyang Judy niya sa kanilang magkapatid? Pero ayaw pa rin niyang maniwala sa sabi-sabi lang. Tatanungin niya ito mamaya kung totoo nga ang sinasabi Aling Cecelia. Nasa gano'n siyang pag-iisip nang bigla na lang ay narinig niya ang bulyaw ni Karla sa customer. "Hindi porke mayaman ka't gwapo ay pwede mo nang gawin sa'kin 'yan!" hiyaw nito sa kaharap na binatang sa tantiya niya ay bente anyos lang o mas bata pa roon. Nakasuot itong branded na puting T-shirt at fitted jeans na binagayan ng snickers na puting sapatos. Tama naman ang sinabi ni Karla na gwapo ito, matangos ang ilong at bagay sa bilugan nitong mga mata ang maiitim na mga kilay na tila idinikit lang. Ang mga labing medyo makapal at tila laging basa sa lip balm na gamit ay kahali-halina para sa isang babaeng katulad niya. "Ingot ka pala eh! Kanina pa nangangalay ang kamay ko kakaabot ng bayad sa'yo pero 'di mo kinukuha. Kung saan-saan nakatingin 'yang mga mata mo!" bwelta naman ng kasagutan nitong lalaki. Sila naman ng kustomer niyang ginoo ang nagkatinginan at halos sabay pang lumapit sa dalawa. Madami agad ang nakiusyosong mga tsismosa sa talipapa kasama na si Aling Cecelia na lumapad bigla ang tenga sa pakikinig sa away. "Ano ba'ng nangyari?"pabulong niyang usisa sa kaibigan. "Ang hambog na 'yan eh! Sukat bang ihagis sa'kin ang bayad niya eh nakita naman niyang nakaunat ang braso ko para kunin 'yong pera!" sumbong ni Karla sabay turo sa namumula nang lalaki sa inis. "Ano'ng inaabot? Ilang minuto nang nakaunat ang kamay ko kakaduldol ng bayad sa'yo pero nakatingin ka sa babaeng 'yan, 'di mo ako pinapansin!" bara naman ng lalaki sabay turo sa kanya, pagkuwa'y pabalibag na inihagis sa harapan nila ang supot ng biniling karne. Kahit noon pa man, malawak talaga ang pang-unawa at mahaba ang pasensya niya sa mga tao lalo na sa nature ng trabaho niya. Pero sa nakitang ginawa ng lalaki't dinamay pa siya sa galit nito'y 'di niya naiwasang magpantig ang tenga at lalong mamula ang mga pisngi sa gigil. "Ang bastos mo ah! Kalalaki mong tao, pumapatol ka sa babae?" Ano, bakla ka ba?" ariba niya, nagtataas-baba pa ang mga kilay habang nagsasalita, saka nameywang. Gulat na napabaling sa kanya si Karla. First time na nakita siya nitong nagalit nang gano'n. "What?! Dammn! You called me a--" Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin pero pagalit na nilamukos ng palad ang mukha habang nagpipigil ng galit. "Pagpasensyahan mo na, iho. Ikaw na lang ang umunawa. Mga babae kasi ang mga 'yan. Huwag mo nang patula," pabulong na awat ng ginoong kustomer niya kanina. "Damn that notion of yours!" baling ng binata sa kasama. "Just because these rubbish are girls, I shouldn't talk back to them?! s**t! This is all your fault, you know that?!" Itinuro na naman sila nito habang nakatingin sa ginoong namumutla ang mukha sa pagkapahiya. Lahat na yata ng dugo niya sa buong katawan ay nag-akyatan sa ulo nang marinig ang tawag sa kanila ng mayabang na lalaki. "Hoy, Impaktong syokoy!" Mas matinis pa sa serina ng pulis ang kanyang boses nang muling sumigaw habang nakapameywang sa lalaking lukot na ang mukha sa pagkabwisit. "Sino'ng tinatawag mong rubbish, tarantado ka? Kahit ito lang ang trabaho namin, kahit mahirap lang kami at kahit ganito lang ang mga pagmumukha namin, wala kang karapatang tawagin kaming rubbish, gago!" Kulang na lang ay makitang umusok ang kanyang bumbuman sa sobra niyang panggigigil sa kalaban. At dahil sa lalaki nakapokus, hindi na niya nakita ang reaksyon ng mga tsismosang nagpakanganga habang walang kurap na nakatitig sa kaniya. Noon lang din kasi siya nakitang nagalit nang ganoon sa ilang taong pagiging tindera niya ng mga gulay roon. Kahit ang ginoong kasama ng lalaki ay natameme din lalo na nang magmartsa siyang lumapit sa binata't buong lakas niyang binatukan sabay turo sa itinapon na isang libong pera kay Karla. "Pick it up, you asshole and give it to her nicely!" pasigaw niyang utos sa binatang hindi pa nakabawi sa pagkagulat nang batukan niya. Nakabaligtad ang nguso nitong pailalim na sumulyap sa kanya, hawak pa rin ang nasaktang batok, hindi makapaniwalang inuutusan niya ito nang gano'n ngunit himalang parang tutang umamo bigla at walang sabi-sabing kinuha ang buong isanlibo sa ibabaw ng tindang manok, saka ibinigay kay Karla na nakasimangot namang kinuha ngunit hindi rin nagsalita, mabilis iyong sinuklian at ibinalik na uli sa binata ang sukli nang hindi pa rin nagsasalita. "Salamat!" pabalang niyang wika sa lalaki na humahaba ang nguso ngunit hindi makalaban sa kanya. "Sa susunod na magpunta ka rito, matuto kang rumespeto sa mga tindera dito! Hindi porke mayaman ka ay pwede mo na kaming laitin at tawaging basura! Naririnig mo!" Parang bata lang ang pinapagalitan niyang tumango agad at mabilis na hinatak palayo ang kasama nitong ginoo. Ang huli nama'y mabilis ang kamay na dinamapot ang biniling karne ng binata. Kahit nang nakalayo na ang dalawa'y nakapameywang pa rin siya't kumikibot-kibot ang nakangusong bibig sa galit. Saka lang siya natauhan nang mapansin ang mga taong nagpakangangang nakatitig sa kaniya. Bigla siyang humagikhik at buong tamis na ngumiti sa lahat. "Tapos na po ang gulo. Naayos na po. Pwede na kayong magsibalik sa pwesto niyo baka manakawan pa kayo ng mga paninda," wika niya sinabayan ng lakad pabalik sa kanyang pwesto. Nang hinahanap na niya sa paligid si Aling Cecelia ay nakita na lang niya itong halos tumakbo palayo sa talipapa. Nang sulyapan niya si Karla, tulala pa rin itong nakatitig sa kanya. "Bakit?" kunot-noo niyang usisa. "P-pa'no mong napas-sunod 'yong lalaking 'yon?" pautal nitong balik-tanong. Isang kibit-balikat lang ang kanyang ginawa, pagkuwa'y muling nagtawag ng mga kustomer. Siya ma'y hindi alam kung bakit pagkatapos niyang batukan ang hambog na tarantadong iyon ay bigla na lang umamo,'t sumunod sa utos niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.1K
bc

His Obsession

read
74.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook