Story By dloveOdyssey
author-avatar

dloveOdyssey

ABOUTquote
Hello everyone! Please subscribe to my utube channel @odysseystories/D\' Odyssey Stories. I have free stories there ♥ Thank you so much♥
bc
LUCY: Ang Babaeng Pinagpala
Updated at Nov 15, 2023, 17:51
Si Lucy - taglay niya ang lahat ng kagandahan pagdating sa katawan hanggang sa mala-anghel na mukha. Mala-dyosa ang kanyang itsura mula ulo hanggang talampakan. Isa siyang babaeng pinagpala pagdating sa kagandahan. Nakilala niya si Clark. Ang lalaking nagligtas sa kanya sa pang-aabuso sa kanya ng kanyang kasintahan. Sa una palang ay naramdaman na niya ang kakaibang tingin nito sa kanya. Nahulog ang lalaki sa kanya. Subalit may isa siyang lihim. Isang lihim na magtatapos ng kanyang mga pangarap… at sa kanyang buhay pag-ibig.
like
bc
My Ice Cold Magus
Updated at Jun 4, 2023, 03:56
Nakatanggap si Juliet Marcelino ng sulat mula sa kanyang lola na nagmamay-ari ng isang napakalaking hasyenda. Kinailangan niyang umuwi dahil malala na daw ang sakit nito at may importanteng sasabihin. Subalit sa pagpunta niya kay Senyora Florencia ay sinalubong siya ng kapahamakan. May mga taong nagtangkang patayin siya. Mabuti nalang at mabilis siyang kumilos, nailigaw niya ang mga masasamang loob. Nakatakas siya dahil sa tulong ng isang nakaparadang sasakyan sa di kalayuan kung saan siya hinarang ng mga gustong pumatay sa kanya. Ang akala niya ay makakatakas na siya sa kinasuungang panganib. Pero hindi pala. Dahil nakilala niya ang pinakaantipatiko, pinakamasungit at pinaka-supladong lalaki sa mundo. Tingin niya ay kasinlamig ng yelo ang puso ni Magus Romano – ang may-ari ng sasakyan na ginamit niya sa pagtakas. Dahil ginawa siya nitong katulong sa malaki nitong bahay kapalit ng pagtulong daw nito. Nang una ay asar siya dito subalit ilang araw lang ang nakalipas nang pagsisilbi niya dito ay tila gusto na niya itong pagsilbihan habambuhay…
like
bc
Solaris: Ang Perpektong Querida
Updated at Apr 5, 2023, 00:53
Si Solaris Mariposa ay nagkaroon ng isang trabahong hinding-hindi niya inakalang magiging trabaho niya. Tinanggap niyang maging kabit ng isang lalaking ubod ng yaman, guwapo at prominenteng lalaki – este bakla pa. Isa raw itong bakla, ayon sa nag-hire sa kanya. Ang nakakaloka, hindi basta kung sinong tao lang ang umupa sa kanya para maging kabit – dahil ito mismo ang asawa ng lalaking kakabitan niya. Magulo ang buhay niya bago niya tinanggap ang trabaho. Inakala niyang mababago iyon dahil sa malaking halagang ibabayad sa kanya. Pero mas lalo palang magugulo hindi nalang ang isip at buhay niya kundi maging ang kanyang puso nang tuluyan siyang mahulog kay Cashmere.. Lalo na ng malaman nitong isa lamang siyang inupahang tao… Ako si Solaris Mariposa. At kagaya ng sinabi ng artistang si Jasmin Rivas – ISA AKONG KABIT. PAKIUSAP, HUWAG NIYO AKONG HUSGAHAN. SAPAGKAT HINDI NIYO ALAM ANG AKING KUWENTO…
like
bc
The Secret Affairs
Updated at Feb 26, 2023, 14:41
Si Aya ay nakulong sa isang kasalanang hindi niya naman ginawa. Kaya’t ng lumaya siya ay sinabi niya sa sariling paghihigantihan niya ang taong naging dahilan ng pagkakakulong niya. Mukhang umaayon sa kanya ang pagkakataon dahil nakilala niya ang isang taong maaring makatulong sa kanya. Nakakilala siya ng apat na M – matandang mayamang madaling mamamatay. Nang alukin siya nito ng kasal ay pumayag siya. Pero hindi iyon kadali. Dahil biglang sumulpot mula sa karagatan ang nag-iisang anak nito – si Elijah. Ginulo nito ang plano niya. Habang inaakit niya ang taong dahilan ng pagkakakulong niya ay inaakit naman siya ni Elijah. Nababaliw na siya. Dahil kahit alam niyang bawal at ama nito ang asawa niya ay nagpa-akit siya sa binata. Nahulog ang loob niya rito at nagkaroon sila ng isang relasyon na ipinagbabawal… nababaliw na siya… dahil pinatulan niya ang anak ng kanyang asawa… at hindi na niya kayang umahon pa.
like
bc
The Billionaire's Beautiful Mistress
Updated at Feb 11, 2023, 08:04
"Pero may asawa ka na." nalilitong gagad ni Jasmin. "Dahil ba may asawa na ako, hindi mo na ako puwedeng mahalin? Hindi mo na ba ako mamahalin? " Minasdan niya ang guwapong mukha ng kaharap. "Mahal kita. Mahal pa rin kita. Pero hindi na tayo puwede ---." "Sino ang maysabing hindi na tayo puwede?" putol nito sa kanya. Huminga siya ng malalim. "Alam nating pareho na bawal ang relasyon natin, Rafael. Alam nating pareho na hindi na tayo puwede. At isa itong malaking kasalanan. " "Anong gusto mong gawin ko? " Hindi siya nakasagot. Sasabihin sana niyang layuan nalang siya nito subalit hindi niya kaya. Hindi kaya ng puso niya na mawalay kay Rafael. Sinapo ng dalawang kamay nito ang mukha niya pagkatapos ay mariin siya nitong hinalikan sa labi. Saglit lamang iyon pero sapat na iyon upang manaig sa kanya ang pagmamahal sa lalaki keysa ang pakawalan ito. "Rafael... " "Mahal kita Jasmin. At mahal mo rin ako. Walang makakapaghiwalay sa ating dalawa. Kahit ang asawa ko pa. Naiintindihan mo? Hindi kita lalayuan at hindi ako papayag na layuan mo ako. Mahal na mahal kita... " Nag-aalab ang mga matang nagtitigan sila kasunod niyo ay muli nitong sinakop ang kanyang labi. Sa isa pang sandali ay muli silang nagkasala.... ---------------------------------------------------------------------------------------------- Kailan nga ba matatawag na kabit ang isang tao? Kapag ba tinawag na kabit, lover, number 2 or 3, MISTRESS ay masama na? Bakit nga ba nagiging negatibo ang tingin ng mga tao sa isang taong pumapatol sa committed na? Si Jasmin Rivas. Isang magandang nilalang sa mundo. Sa pagkakakilala ng nakararami ay isa siyang ulirang babae sa lahat ng bagay. Napakaganda, matulungin, mabait, pilantropo, mapagkawang-gawa. Subalit may isa siyang lihim. Siya ay nagmamahal sa isang lalaking may asawa na. At ang pagmamahal na iyon ay sinuklian ng lalaking iyon kaya naman nagkaroon sila ng relasyon. Alam niyang mali ang kanyang ginagawa. Subalit kailan ba naging tama ang mali kapag umiibig ka? At ang mali ay nagiging tama... “Ako si Jasmin Rivas. At isa akong KABIT. Pakiusap. Huwag niyo akong husgahan. Sapagkat hindi ninyo alam ang aking kuwento...”
like
bc
Hello Again, Stranger (Free & Completed)
Updated at Jan 30, 2023, 20:24
THIS STORY IS FREE 'TIL THE END! Apologies po sa mga typo error, grammar error atbpa. Unedited po ito pero sana ay magustuhan niyo pa rin po. Pure romance po ito. Maraming salamat po ? Happy reading everyone!
like
bc
Hello My Long Lost Love (Free & Completed)
Updated at Jan 30, 2023, 00:56
THIS STORY IS FREE 'TIL THE END! Apologies po sa mga typo error, grammar error atbpa. Unedited po ito pero sana ay magustuhan niyo pa rin po. Maraming salamat po ? Happy reading! hello hello hello hello
like
bc
Director is Inlove (Free & Completed)
Updated at Jan 28, 2023, 04:13
THIS STORY IS FREE 'TIL THE END! Apologies po sa mga typo error, grammar error atbpa. Unedited po ito pero sana ay magustuhan niyo pa rin po. Pure romance po ito . Maraming salamat po ? Happy reading! Finally, Parson is in love! For the first time in his life at gumising ang kanyang puso para sa isang babae - si Agross. It was true love, he knew. Pinursige niya ito. Pero may isa siyang lihim. Lihim na hindi niya alam kung matatanggap ng dalaga. Kaya nilayuan niya ito bago pa tuluyang lumalim ang kanyang relasyon... Paano na ang once in a lifetime true love niya kung haharangan lamang ng isang lihim?
like
bc
Accidentally Love to Forever (Free & Completed)
Updated at Jan 27, 2023, 19:35
Hello everyone! This story is FREE & COMPLETED. Waala rin po itong kontrata kaya FREE EVER po ito. Sana po ay magustuhan niyo ang short romance story na ito. Pasensiya na po sa mga kung ano anong errors. Unedited po ito at sana ay ma-enjoy niyo pa rin po. PS: May kapangalan po ang hero rito sa isa kong story. Baka ma-confused po kayo. :D Happy reading! Nakilala ni Riki si Perry sa isang hindi magandang pagkakataon. Pero ang pagkakataong iyon ay nagbunsod para sa isang maganda nilang samahan. They became friends. Until they have fallen in love with each other. Pero ang happy ending na pinangarap ni Riki ay hindi nangyari dahil kailangan niyang umalis at magtrabaho sa ibang bansa para sa kanyang pangarap at sa kanyang pamilya. Bago siya umalis ay nangako sila sa isa’t-isa na bibigyan nila ng tsansa ang pag-ibig nila pagbalik niya ng Pilipinas. Hanggang sa dumating ang araw na bumalik si Riki. Pero hindi pala iyon kagaya ng inasahan nilang dalawa. Dahil sa muling pagtatagpo nilang dalawa ng binata ay hindi na siya nito kilala. Papaano na ang pangako nila sa isa’t-isa kung hindi na siya nito maalala? Papaano na ang pag-ibig niya dito kung mayroon na itong iba? Totoong nakalimutan na siya ng binata. At mukhang siya ay kailangan na ding lumimot…
like
bc
In Her Smile (Free & Completed)
Updated at Jan 27, 2023, 19:05
Disclaimer: This story is FREE & COMPLETED. Wala rin po itong kontrata kaya FREE EVER po ito. Humihingi po ako ng paumanhin sa mga errors na makikita niyo sa kuwentong ito. Unedited po ito pero sana ay magustuhan niyo pa rin po. Short story lang po ito at purong romance. Ang kuwento rin pong ito ay konektado sa MY SWEET ADMIRER - this is the story of FRANCO ALMENDRAL. Happy reading! Lumaking iyakin si Winrose. Iyon ay dahil sa mga taong walang ginawa kundi hamakin ang kapansanan niya. Hanggang sa ibigay sa kanya ng Langit ang isang bagay na alam niyang makakapagpabago sa malungkot at nakakatakot niyang buhay. Ngayon ay malaya na siyang humarap sa mga tao ng may tiwala sa sarili. May laya na din siyang magmahal ng lalaking magugustuhan niya. Pero nagkamali yata ang puso niya sa pagpili ng lalaking mamahalin. Dahil isang kagaya ni Franco ang nagpatibok ng puso niya. Isang lalaking napakataas para sa isang kagaya niya. Pero mukhang napakabait sa kanya ng tadhana. Nagawa niyang paibigin si Franco. Tapat itong umibig sa kanya. Pero siyempre ay hindi nawawala ang kontrabida. At sa lahat ng kontrabida ay napakahirap yatang kalaban ng mama nito. Hindi niya masisi ang ina ng binata. Kumpara sa babaeng inirereto nito ay ano ang laban ng operada niyang mukha. Pero ipinaglaban siya ni Franco. Akala niya ay sasaya na sila. Pero hanggang sa huli ay naging kalaban pa rin niya ang pamilya nito. Kailangang mamili ng binata, siya o ang buhay ng mama nito. Napakasakit. Dahil kailangan niyang magparaya....
like
bc
Her Sweet Vengeance
Updated at Oct 30, 2022, 02:10
“Brayan... ayoko na. Uuwi na ako. Pakawalan niyo na ako...” pakiusap niya kay Brayan. Naramdaman niya ang pagkahapo ng kanyang katawan. Pero hindi siya dapat panghinaan ng loob. Lumapit sa kanya si Brayan at tumigil sa harap niya. Hinawakan nito ang pisngi niya pagkatapos ay pinisil. “I’m sorry Ava pero hindi ka na namin mapapakawalan pa. Siguradong magsusumbong ka na.” Sunod-sunod siyang umiling. “Hindi! Hindi ako magsusumbong. P-Pangako. B-Basta pakawalan niyo lang ako. Walang makakaalam ng pangyayaring ito. Basta brayan, pakawalan mo lang ako... nakikiusap ako.” Patuloy ang naging pag-iyak niya. Takot na takot na siya. “Sa tingin mo maniniwala ako sa iyo?” “Akala ko ba mahal mo ako? Bakit mo ginagawa ito? Mahal kita. Totoong mahal kita. At nasasaktan ako sa ginagawa mong ito.” Inilapiit nito ang mukha sa kanya at mahinang nagsalita. “Walang lalaking seseryoso sa iyo, Ava. Tandaan mo iyan.” Natulala siya sa lahat ng sinabi nito. Ang sakit na nararamdaman niya ngayon sa anyang puso ay wala pa sa sakit ng katawan niya ngayon. Hindi siya kailanman minahal ni Brayan. Ng taong totoong minahal kita. Ah! Ang sakit-sakit! Sobrang sakit na para siyang sinasaksak sa puso. “H-Hindi mo ako minahal k-kahit kaunti?” tanga siya dahil itinanong pa niya iyon. Mapakla itong tumawa. “Siguro meron naman akong naramdaamn sa iyo kahit kaunti. Pero ang isang kagaya mo ay hindi kaseryo-seryoso. At hindi ka matatanggap ng pamilya ko. Pareho naman nating alam na hindi rin magtatagal ang relasyon natin, hindi ba?” “K-Kung ganon, pakawalan mo nalang ako. Ako na ang lalayo sa iyo.” Ilang beses siyang humikbi. Umiling-iling ito. “Pasensiya ka na pero hindi na kita mapapakawalan pa. Hala sige. Kayo na ang bahala sa kanya. Tutal ilang beses ko na siyang natikman. Sa ibaba muna ako.” Iyon lang at tinalikuran na siya nito. “Brayan!” malakas niyang tawag dito. “Huwag mong gawin sa akin ito! Mahal kita! Please, pakawalan mo ako!” Pero hindi na siya pinakinggan ng lalaki. Iniwan siya nito sa kamay ng mga lalaking nakapalibot sa kanya. Alam niyang katapusan na niya... ---------------------------- Babaeng pinatay ng lalaking mahal niya dahil sa kanyang kagandahan, muling magbabalik upang mang-akit at maghiganti. Ako si Ava. Pinatay nila ako. Hindi ako muling nabuhay para sa wala. Papatayin ko silang lahat! SA SARAP!
like
bc
BANDIDOS TRILOGY (BOOK 3): Kasandra's Secret Love (Free & Completed)
Updated at Oct 19, 2022, 21:22
FREE & COMPLETED "HINDI KO KAILANGAN MAGING BILYONARYO PARA PAKILIGIN KA, KASANDRA. SA PAMATAY KONG MATA AT ABS PALANG, BAKA PATI ANIT ANIT MO KINIKILIG NA." - LIAM BERNARDO Naitirik ni Kasandra ang mga mata saka siya tumalikod. Pagkatapos ay pinigilan niya ang tinitimping pagngiti. Mali si Liam, dahil hindi lang anit-anit niya ang kinikilig, pati yata kili-kili niya at mga hindi pa natatanggal na buhok doon. Naiihi rin siya. Naiihi sa kilig....
like
bc
A Chance to Forever (Free & Completed)
Updated at Aug 6, 2022, 21:59
FREE & COMPLETED! Ang pag-ibig ay nagtitiwala. Minsan masaya. Minsan nakakasakit. May pagkakataong nakakatakot. At madalas yata, nagpaparaya. Iyon ang mga bagay na natanto ni Erin. Minsan ng nasaktan si Erin sa pag-ibig at iyon ay dahil sa kanyang pagtitiwala. Nang muling magbalik ang dati niyang kasintahang si Ardy ay nagkaroon ng second chance ang kanilang relasyon. Pero mukhang walang happy ending dahil kailangan niyang magparaya para sa naging bunga ng pagkamamali nito noon... at mukhang nakatakda siyang maging matandang dalaga dahil hindi na niya magagawang magmahal pa ng iba... Hello everyone! Waiting for contract po ang kuwento na ito. Kailangan po maka-gain ng maraming reads at follows saka po malaki ang chance na mabigyan ng kontrata. Saka ko lang po maipagpapatuloy ang kuwento. Kaya humihingi naman po ako ng suportabsa inyo. Please please add to your library naman po. Maraming maraming salamat po.
like
bc
Ang Dalawang Number 2
Updated at May 30, 2022, 21:20
Dalawang nilalang na pinaghiwalay ng isang malagim na insidente. Si Sayon, inakala ng lahat na patay na, maging sa paniniwala ng lalaking nagmamahal sa kanya. Subalit siya ay nagbalik. Na hindi na nakikilala ang sarili. Nagising siya sa piling ng ibang lalaki. Si Noah, hinangad ng mawalan ng buhay sa pagkamatay ni Sayon. Subalit dumating si Lianne para muling ipakita ang ganda ng mundo. May pag-asa pa bang magtagpo ang landas nila ni Sayon? Magkaroon pa kaya ng karugtong ang kanilang naudlot na kahapon? Gayong may kanya-kanya na silang kasama sa buhay?
like
bc
When Miss Old Maid Meets Beautiful Stranger
Updated at Feb 26, 2022, 20:16
Ysay decided to be single for the rest of her life. Mas masaya siya kapag mag-isa siya at nakahanda na siyang maging old maid. Graduate na siya sa heartbreaks, sama ng loob, iyak at kung ano-anong dala ng pagkakaroon ng love life sa buhay. On the other hand, Miguel is here. Isang lalaking labis na nasaktan pero nakahanda pa ring magmahal sa kabila ng pinagdaanan. Nagawa nitong muling umibig. Kay Ysay. Will there be a last chance for Ysay for this thing called LOVE? Gusto lang niyang maging masaya... ng mag-isa o ng may kasama...?
like
bc
BANDIDOS TRILOGY (BOOK 2): Carolina's Hostage Taker
Updated at Nov 28, 2021, 02:00
Umuwi si Oli sa Sitio Tres upang makapagbakasyon bago niya isabak ang sarili sa trabaho sa Maynila. Pero hindi iyon nangyari ng maging hostage siya ng mga bandidong wanted sa batas ng Tres. Nakilala niya si Blue. Ang hostage taker niya. Naging mabait ito sa kanya at maalaga. Hanggang sa pakawalan siya nito ay walang nangyaring masama sa kanya. Masaya siyang umuwi sa kanila pero hindi niya inasahan ang pagkamatay ng kanyang ama. Nang malaman niya ang dahilan ng pagkamatay nito ay nagalit siya sa mga bandido at kay Blue. Sa paglaya din niya ay umibig siya kay Laurens. Isang binatang sa unang beses palang na nakilala niya ay naging crush na niya. Siya ang pinakamasayang babae sa Sitio ng magkaroon sila ng relasyon ng binata. Pero may mga bagay ang nakatakdang matuklasan niya. Mga bagay na dahilan para maghiwalay ang landas nila ni Laurens…
like
bc
BANDIDOS TRILOGY (BOOK 1): Saphira's Savior
Updated at Aug 29, 2021, 03:00
Sa pag-uwi ni Saphira sa Sitio Tres ay may mga bagay ang nakatakdang mangyari sa kanyang buhay. Sa pagkamatay ng kanyang ama ay napasama siya sa mga bandidong wanted sa batas ng Sitio. Dalawang bagay lamang ang rason niya kung bakit siya sumama sa mga taong ito. Ang maging ligtas sa paningin ng taong pumatay sa kanyang ama at ang makapaghiganti dito. Una na niyang napansin ang isang miyembro ng grupo – si Ludgi. Sa kabila ng lamig ng pakikitungo nito at pagiging suplado sa kanya ay nahulog ang loob niya sa lalaki. Mayroon yata siyang mahikang taglay dahil napaibig niya ito. Sa piling nito ay naging ligtas ang pakiramdam niya. Pero mukhang hindi sila ang para sa isa’t-isa. Dahil nagbalik ang babaeng unang minahal nito - ang babaeng naging dahilan ng pagiging yelo ng puso nito. Na minamahal pa din pala ng binata. Kasabay niyon ay nalagay sa bingit ng kamatayan ang kanyang buhay…
like
bc
My Sweet Admirer
Updated at May 30, 2021, 04:01
Isang beses ng nalinlang si Calixa ng dahil sa pag-ibig. At muntik pa niyang naibigay ang sarili sa lalaking iyon. Ayaw na niya iyong maulit pa. At iisa ang tingin niya sa lahat ng mga guwapong lalaki. Mga manloloko at manggagamit! Pero sa pagsulpot ni Gilbert - isang binatang mayaman, napakaguwapo, mabuting tao at napaka-sweet - ay nagulo ang nananahimik na niyang buhay. Umepekto kaya ang mga da moves ni Gilbert sa kanya para muli siyang magtiwala sa mga kagaya nito? O paninindigan ang pagsasawalang bahala sa ka-sweetan ng binata...
like