Story By Aiza Katog
author-avatar

Aiza Katog

bc
The family Cruz: mapag mahal na magulang at mababait na dalawang anak at one adopted daughter.
Updated at Feb 10, 2022, 01:02
Charcter: Maila: Mother Carlo: Father Ana: Daughter Mark: Son Lea: Adopted Setting: Marbel matalam north cotabato Synopsis: Sa probinsya ng marbel nakatira ang mag asawang Cruz. Sila ay masayang pamilya dahil sila ay bou at may ampon pa na isa. si Ana ay 17 yrs old at si Mark ay 20 yrs old at si Lea naman ay 18 yrs old.Sila ay naga aral sa senior high. Mabait ang magkapatid na Ana at Mark at kahit hindi nila tunay na kapatid si Lea ay hindi nila ito itinuring na iba sa pamilya nila. Matatalino ang magkapatid na Ana at Mark sila ay may karangalan simula pa noong nasa elementary palang. Lea ay subrang lambing sa mag asawang Cruz kaya kahit mas matanda siya kay Ana ay siya parin ang parang bunso nila. Dumating ang araw na naga aral sila ng online class dahil sa pandemic ay hindi sila nakapasok sa paaralan ng face to face classes. kaya sila ay naga aral sa online o modules. dumating ang araw na hindi inaasahan ng pamilya Cruz ang mabalitaan na namatay ang dalawa niyang anak noong december 14 2021. Malapit na ang pasko pero hindi na naabotan ng magkapatid ang pasko dahil sila ay namatay ng walang update ang magulang nila kung sino ang pumatay sa kanila. Pumunta lang ang magkapatid na Mark at Ana sa kanilang boalding house upang doon sagutan ang last na modules nila pero hindi inaasahan na dun din pala mangyayari sa kanila ang malagim na krimin na sinapitng magkapatid. Nang dumating ang mag asawa ay bigla nalang nila inabotan ang magkapatid na nakahiga sa sahig na duguan at halos hindi makilala ang kanilang mukha sa dami ng dugo sa kanilang mukha. Walang nagawa ang mag asawa kundi umiyak at mag saklolo dahil sa subrang sakit na mawalan ng anak ay halos mamatay Aling Maila. Makalipas ang ilang araw ay inilibing na ang magkapatid pero hindi parin nila matukoy kung sino bah talaga ang may sala sa kremin na pagpatay sa magkapatid. Gumawa ang family Cruz ng paraan upang matukoy kung sino ba talaga ang pumatay sa kanilang anak.Pero wala siyang matukoy dahil wala naman daw kaalitan o kaaway ang pamilya nila.Hindi tumigil ang mga pulis sa pag hahanap ng paraan upang malaman kung sino. Makalipas ng ilang buwan ay natukoy na kung sino ang pumatay pero hindi makapaniwala ang mag asawang Cruz dahil hindi nila akalain na ang ampon nila a ng gumawa ng krimen sa kanilang anak. Halos sumuko na ang mag asawa dahil wala na rin daw halaga ang kanilang pagtatrabaho dahil wala narin ang kanilang dalawang anak. Nakulong si Lea dahil napatunayan na siya ang may plano sa pag patay sa magkapatid.Gumawa siya ng krimen dahil sa inggit at selos dahil gusto niya masulo ang mag asawa ng walang kahati at siya lang. Pero hindi siya nagtagumpay kaya siya ay nakulong at hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo.Masakit sa mag asawang Cruz ang ginawa ni Lea dahil hindi nila akalain na ang taong gagawa sa kanila ay ang batang inalagaan minahal at pinaaral nila. Si Lea ay tinuring nilang hindi iba sa pamilya kundi parang totoong anak nila hindi nila pinaramdam na isa lang siyang ampon.Hindi inakala ni Aling Maila na ang batang malambing at tinuring niyang bunso ay may tinatagong kasamaan pala sa loob. Halos mamatay ni Aling Maila si Lea dahil sa ginawa niya sa anak nila pero wala siyang nagawa kundi ibigay nalang sa mga pulis at sila nalang ang magparusa. Nakulong si Lea at nagsisisi na ginawa niya yon. pero huli na ang pag sisi dahil kahit anung gawin niya ay hindi na niya kayang ibalik ang buhay ng dalawang bata namatay. Makalipas ng ilang buwan ay tinanggap na ng mag asawa ang sinapit ng kanilang anak at nagpatuloy sa buhay dahil kahit anung gawin nila ay hindi na nila maibabalik ang buhay ng anak nila namatay. Masakit mawalan ng anak lalo na maubos pa pero hindi nawalan ng pag asa ang dalawang mag asawa at sila ay nagpatuloy sa buhay. Habang si Lea ay nagsisisi sa kulongan.Habang nagsisisi si Lea ay umalis ang mag asawa sa poblacion. iniwan nila ang magandang trabaho upang manirahan sa probinsya.Bininta ng mag asawa ang kanilang bahay upang may baon sila sa pag uwe nila ng probinsya. Nang maibinta ng mag asawa ang kanilang bahay ay lumuwas na sila at pumunta sa probinsya upang doon manirahan. Mahirap ang situasyon ng mag asawa dahil hindi sila sanay sa buhay probinsya.Pero kinaya nila ang Mahirap mawalan ng anak pero huwag mawalan ng pag asa dahil lahat ng tao may nakalaan para sa kanila.Mabuhay ng mapayapa at tahimik at may pananampalataya sa diyos upang tayo ay hindi makagawa ng masama. Huwag mainggit sa kapwa at matutong makontento sa kung ano man mayron tayo dahil ang selos ay nakakamatay pag hindi mo ito kayang pigilan o makakagawa ka ng masama pag pinairal ang inggit sa kapwa mo. Ang kuwentong ito ay basi sa totoong buhay pinalitan lamang ang mga character upang maiwasan ang hindi pag kaunawaan na sanhi ng away at gulo ng bawat isa. Sana po ay mayron kayong napulot na aral sa aking kuwento mahaba ang story na ito sana po ay magustohan niyo at ipagpapatuloy ko ang aking kuwento Thank you! Part 2
like
bc
Characters: Juan Lopez, Janah Lopez, Laiza Lopez, John Lopez, Marco Lopez, Aira Lopez and Victor Mondragon
Updated at Feb 4, 2022, 13:32
TITLE: SYNOPSIS THE FRIENDSHIP OF TWO VICKY. SETTING: PHILIPPINES AT MLANG CITY Mga WIKA: FILIPINO PLOT: KABANATA: 1 May mag-asawang nakatira sa kanilang tahanan, ang mag-asawang ito ay si Juan Lopez ang lalaki at si Janah Lopez ang babae. Mayroon silang apat na anak dalawang babae at dalawang lalaki, ang pangalan ng kanilang mga anak ay si Laiza Lopez ang panganay, John Lopez ang pangalawa, Marco Lopez ang pangatlo, at Aira Lopez ang bunso. Sanay na silang apat sa mahirap na buhay dahil batid nila ang kahirapan ng kanilang mga magulang. Dahil mga bata sila, malamang na magpakasal ang kanilang mga magulang kaya hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya walang nakahanap ng disenteng trabaho. Sa apat na anak nina Janah at Juan, hanggang grade 6 lang ang natapos dahil sa hirap ng buhay at piniling magtrabaho para makatulong sa mga pangangailangan sa bahay. Maagang nagpakasal si Laiza, sa edad na 16 yrs old ay nagpakasal siya. Dahil hindi rin sya nag aaral sumama sya sa bf nya na taga manila. Hanggang sa ikinasal sina Laiza at John. Ang natitira na lang ay sina Marco at Aira. May sikreto si Marco sa kanyang pagkatao dahil isa siyang vicky. Kaya palagi siyang pinapagalitan ng kanyang ama sa tuwing pinapapunta siya sa bukid kapag siya ay lalaki. Hanggang sa hindi na maitago ni Marco na isa siyang vicky. Na tatanggapin niya kung sino siya. Ngunit hindi matanggap ni Mang Juan na bakla ang kanyang anak. Kaya itinaboy siya, halos mamatay nang bugbugin siya ng kanyang ama. Naawa si Aling Janah sa anak ngunit wala siyang magawa dahil sinusuntok din siya ng asawa. Kabanata: 2 Umalis si Marco sa edad na 16 yrs old, hindi niya alam kung saan siya pupunta kung gumagala lang siya sa kalsada. Hanggang sa may nakakita sa kanya bilang isang lalaki, Bakit ka nakahiga dyan? sabi ng lalaki kay Marco. Kuya, wala akong mapupuntahan kaya dito na lang ako sa umaga. Sabi ni Marco sa lalaki. ano pangalan mo ” Sabi nung lalaki kay Marco. Marco Lopez pakiusap! Sabi ni Marco sa Lalaki. By the way im Victor Mondragon at huwag mo akong tawagin kuya just call me ate hehehhe...sabi naman ni Victor kay Marco. Sabay naka smile si Victor kay Marco.Kita sa mukha ni Marco ang saya sa kanyang mukha na sa wakas ay may kasama na siya na katulad niya na makakaintindi sa kanya. Makalipas ang ilang araw ay hinanap ng magulang niya si Marco.Dahil ilang araw ng hindi umuwe ito. At kahit galit ang tatay niya sa kanya ay anak parin niya ito ay hindi mawawala yon bilang isang ama. Habang si Marco at Victor ay masyang magkasama sa Condo ni Victor ay itinuring siyang parang kapatid nito. Nahanap ni Juan at Janah ang kanilang anak na si Marco.Pinilit na pauwiin ito pero ayaw pumayag dahil natatakot na baka saktan naman siya ulit ng kanyang ama. Pero hanggat hindi umuwe si Marco ay hindi umalis ang kanyang tatay. Marco anong gusto mo masaktan pa kita bago ka uuwe? sabi ng tatay niya na si Juan. Tay! ayaw kung umuwe, subra na akong nasasaktan dahil kayo ang magulang ko, kayo dapat ang unang makaintindi sa akin sa kung ano ako ngayon.Kahit anung pilit kung magpaka lalake pero hind ko kaya kasi ito na ako sana naman maunawaan niyo ako.bahala na ang ibang tao ang mang husga sa akin sana kayo ang karamay ko at uunawa sa akin. Sabi naman ni Marco. Habang nag sasalita ay humaloghug sa pag iyak... Anak nauunawaan kita ang tatay mo lang hindi makaintindi sayo pero sana maunawaan mo ang tatay mo kung bat siya nagkakaganyan.Gusto ng tatay mo maging ganap na lalake ka para maging pulis dahil si John nag asawa ng maaga at hind nakapagtapos.Marco , anak! matanda na kami ng tatay mo paanu kana kung Bakla ka hindi ka magkaroon ng pamilya sinong mag aalaga sayo pag tanda mo. Mahirap lang tayo at halos hindi ko kayo mapaaral dahil sa hirap ng buhay pero kayo ng bunso mong kapatid na si Aira gusto namin na kahit isa lang sa inyo ay may makapagtapos para maihaon tayo sa hirap. sabi naman ng nanay ni Marco na si Janah. KABANATA: 3 Naawa si Marco sa tatay at nanay niya kaya siya ay umuwe ng kanilang bahay. Hindi man maamin ng ama kay Marco pero unti- unti na niyang natatanggap si Marco sa kanyang situasyon bilang isanf bakla. Matanda na si Juan At Janah kaya sila ay hindi na maganda ang kondesyon at halos hindi na makapag trabaho si Juan dahil siya ay nagkakasakit at palagi siyang nadadala sa hospital upang ipagamot. Hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ni Juan ang kanyang sakit at hindi narin kaya ng hospital na pagalingin siya. Si Juan ay namatay araw ng biyernes, nagluksa ang pamilya Lopez sa pagkamatay ng kanilang ama. Walang nagawa kundi tanggapin ang pagkawala ng kanilang ama.Habang si Marco ay huminto ng pag aaral dahil wala ng magpapaaral sa kanya dahil wala na ang tatay nila at nanay lang nila ang bumubuhay sa kanila ng bunso niyang kapatid. Kaya nag hanap ng trabaho si Marco humingi ng tulong sa kanyang kaibigan na si Victor upang makahanap ng trabaho.At agad naman tinulongan CONTINUE.PART 2 )
like