bc

The family Cruz: mapag mahal na magulang at mababait na dalawang anak at one adopted daughter.

book_age12+
66
FOLLOW
1K
READ
bxg
bxb
gxg
mxb
mxm
asexual
like
intro-logo
Blurb

Charcter:

Maila: Mother

Carlo: Father

Ana: Daughter

Mark: Son

Lea: Adopted

Setting: Marbel matalam north cotabato

Synopsis:

Sa probinsya ng marbel nakatira ang mag asawang Cruz. Sila ay masayang pamilya dahil sila ay bou at may ampon pa na isa. si Ana ay 17 yrs old at si Mark ay 20 yrs old at si Lea naman ay 18 yrs old.Sila ay naga aral sa senior high.

Mabait ang magkapatid na Ana at Mark at kahit hindi nila tunay na kapatid si Lea ay hindi nila ito itinuring na iba sa pamilya nila.

Matatalino ang magkapatid na Ana at Mark sila ay may karangalan simula pa noong nasa elementary palang.

Lea ay subrang lambing sa mag asawang Cruz kaya kahit mas matanda siya kay Ana ay siya parin ang parang bunso nila.

Dumating ang araw na naga aral sila ng online class dahil sa pandemic ay hindi sila nakapasok sa paaralan ng face to face classes.

kaya sila ay naga aral sa online o modules.

dumating ang araw na hindi inaasahan ng pamilya Cruz ang mabalitaan na namatay ang dalawa niyang anak noong december 14 2021. Malapit na ang pasko pero hindi na naabotan ng magkapatid ang pasko dahil sila ay namatay ng walang update ang magulang nila kung sino ang pumatay sa kanila.

Pumunta lang ang magkapatid na Mark at Ana sa kanilang boalding house upang doon sagutan ang last na modules nila pero hindi inaasahan na dun din pala mangyayari sa kanila ang malagim na krimin na sinapitng magkapatid.

Nang dumating ang mag asawa ay bigla nalang nila inabotan ang magkapatid na nakahiga sa sahig na duguan at halos hindi makilala ang kanilang mukha sa dami ng dugo sa kanilang mukha.

Walang nagawa ang mag asawa kundi umiyak at mag saklolo dahil sa subrang sakit na mawalan ng anak ay halos mamatay Aling Maila.

Makalipas ang ilang araw ay inilibing na ang magkapatid pero hindi parin nila matukoy kung sino bah talaga ang may sala sa kremin na pagpatay sa magkapatid.

Gumawa ang family Cruz ng paraan upang matukoy kung sino ba talaga ang pumatay sa kanilang anak.Pero wala siyang matukoy dahil wala naman daw kaalitan o kaaway ang pamilya nila.Hindi tumigil ang mga pulis sa pag hahanap ng paraan upang malaman kung sino.

Makalipas ng ilang buwan ay natukoy na kung sino ang pumatay pero hindi makapaniwala ang mag asawang Cruz dahil hindi nila akalain na ang ampon nila a ng gumawa ng krimen sa kanilang anak.

Halos sumuko na ang mag asawa dahil wala na rin daw halaga ang kanilang pagtatrabaho dahil wala narin ang kanilang dalawang anak.

Nakulong si Lea dahil napatunayan na siya ang may plano sa pag patay sa magkapatid.Gumawa siya ng krimen dahil sa inggit at selos dahil gusto niya masulo ang mag asawa ng walang kahati at siya lang.

Pero hindi siya nagtagumpay kaya siya ay nakulong at hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo.Masakit sa mag asawang Cruz ang ginawa ni Lea dahil hindi nila akalain na ang taong gagawa sa kanila ay ang batang inalagaan minahal at pinaaral nila.

Si Lea ay tinuring nilang hindi iba sa pamilya kundi parang totoong anak nila hindi nila pinaramdam na isa lang siyang ampon.Hindi inakala ni Aling Maila na ang batang malambing at tinuring niyang bunso ay may tinatagong kasamaan pala sa loob.

Halos mamatay ni Aling Maila si Lea dahil sa ginawa niya sa anak nila pero wala siyang nagawa kundi ibigay nalang sa mga pulis at sila nalang ang magparusa.

Nakulong si Lea at nagsisisi na ginawa niya yon. pero huli na ang pag sisi dahil kahit anung gawin niya ay hindi na niya kayang ibalik ang buhay ng dalawang bata namatay.

Makalipas ng ilang buwan ay tinanggap na ng mag asawa ang sinapit ng kanilang anak at nagpatuloy sa buhay dahil kahit anung gawin nila ay hindi na nila maibabalik ang buhay ng anak nila namatay.

Masakit mawalan ng anak lalo na maubos pa pero hindi nawalan ng pag asa ang dalawang mag asawa at sila ay nagpatuloy sa buhay.

Habang si Lea ay nagsisisi sa kulongan.Habang nagsisisi si Lea ay umalis ang mag asawa sa poblacion.

iniwan nila ang magandang trabaho upang manirahan sa probinsya.Bininta ng mag asawa ang kanilang bahay upang may baon sila sa pag uwe nila ng probinsya.

Nang maibinta ng mag asawa ang kanilang bahay ay lumuwas na sila at pumunta sa probinsya upang doon manirahan.

Mahirap ang situasyon ng mag asawa dahil hindi sila sanay sa buhay probinsya.Pero kinaya nila ang

Mahirap mawalan ng anak pero huwag mawalan ng pag asa dahil lahat ng tao may nakalaan para sa kanila.Mabuhay ng mapayapa at tahimik at may pananampalataya sa diyos upang tayo ay hindi makagawa ng masama.

Huwag mainggit sa kapwa at matutong makontento sa kung ano man mayron tayo dahil ang selos ay nakakamatay pag hindi mo ito kayang pigilan o makakagawa ka ng masama pag pinairal ang inggit sa kapwa mo.

Ang kuwentong ito ay basi sa totoong buhay pinalitan lamang ang mga character upang maiwasan ang hindi pag kaunawaan na sanhi ng away at g**o ng bawat isa.

Sana po ay mayron kayong napulot na aral sa aking kuwento mahaba ang story na ito sana po ay magustohan niyo at ipagpapatuloy ko ang aking kuwento

Thank you!

Part 2

chap-preview
Free preview
The Cruz Family And One Siblings
Character: Maila Cruz: Mother Carlo Cruz: Father Analou Cruz: Daugther Setting: Probinsya ng matalam north cotabato. Chapter: 1 Pagkatapos ng malagim na pangyayari ng mag asawang Cruz dahil sa pagkamatay ng dalawa niyang anak ay nag pasya silang dalawa na mag asawa na tumira sa probinsya upang hindi masyado maalala ang sinapit ng mga anak sa poblacion ng matalam. Lumipas ang dalawang taon ay nabuntis si Maila subrang saya ng mag asawa dahil magkakaroon na ulit sila ng anak.Hindi bumitaw ang mag asawa sa pananampalataya na sana biyayaan sila ng anak.Dumating ang araw na mayron nabuntis ang si Maila ang asawa ni Carlo. Makalipas ng ilang buwan ay nanganak na si Maila at ang batang lumabas sa sinapoponan niya ay batang babae.Pinangalan nila ng Analou, kita sa dalawang mukha ng mag asawa ang saya at pananabik sa kanilang anak na isinilang.Sa pagkat may anak na sila ay hindi parin kinalimotan ng mag asawa ang sinapit ng dalawang anak. kaya agad silang pumunta ng Poblacion upang bisitahin ang puntod ng namayapang anak. Masaya na ang mag asawa dahil subrang cute ng batang si Analou maliit pa lamang ay mahilig ng tumawa at nakakawala ng pagod ang kanyang mukha. Si Analou ay hindi nakaranas ng marangyang buhay katulad ng naranasan ng dalawa niyang kapatid na namatay.Dahil siya ay lumaki sa probinsya at mabubukid lang ang kanyang tatay at ang nanay naman niya ay labandera lang. Kaya halos hindi maibigay ng mag asawa ang lahat ng gusto ng anak.Pero kahit ganun ang estado ng pamumuhay nila ay masaya ang mag asawa na tahimik ang kanilang pamumuhay at bou ang pamilya nila. Hindi nawala sa mag asawa ang pananampalataya na kahit mahirap lamang sila ay pinapanalangin nila na sana hindi na maulit ang pagsubok sa kanilang buhay kasi baka hindi na daw kayanin ng mag asawa. Malaki na si Analou siya ay naga aral na sa elementary hindi na siya naka pag kender dahil alam na ni Analou magbilang at sumulat ng pangalan niya.Dahil 3yrs old palang noon ay tinuturuan na siya ng nanay niya. Si Analou ay mabait na bata at matalino dahil kahit walang baon pera ay naga aral parin siya dahil ayaw niya na maliban sa klase. Gusto niya makapag aral at lumaki ng mabilis dahil kuwento niya sa kanyang mga guro.Na naawa daw siya sa magulang niya dahil hirap na hirap na daw ang nanay at tatay niya kaya gusto niya na makatapos ng pag aaral upang makapag trabaho at siya nalang ang bubuhay sa kanyang mga magulang. Naawa ang mga guro sa kanya kaya kapag walang baon ay binibigyan nila ng pagkain pang reces niya.Kapag may pera Si Carlo ang tatay ni Analou ay binibigyan naman nila.Pero nagtataka ang mga magulang ni Analou kung saan ba niya pinupunta ang pera niya at bakit hindi siya nakakabili ng pagkain niya. Ayaw mag hinala ng mag asawa sa ginagawa ng batang si Analou dahil bata pala mang ito. Si Analou ay nasa grade 3 na at siya ay 8yrs old na sa murang edad ba yon ay marunong na siya maglinis ng bahay at mag hugas ng pinggan.At minsan siya na ang naglalaba ng damit nila pag maraming labahan ang nanay niya. Hindi nawala sa mag asawa ang pag alala sa kanilang anak kung saan ba dinadala ni Analou ang pera na binibigay nila. kaya hindi na hinintay ni Maila ang mahuli pa niya na nag lalaro ito o kung ano man ang ginagawa niya. Maila: Analou! halika nga, " Analou" anu po yon Nay! Maila" tinatanung ko ang mga ka klase mo kung bumibili ka ng pagkain sabi nila wala daw? Analou: Nay! bakit niyo po tinatanung magalang na pag sagut ng anak. Maila: Kasi Analou binibigyan ka namin ng pera upang may pangbili ng pagkain mo hindi yon saan mo dinadala ang pera.Analou nakikita mo naman ang hirap namin ng tatay mo halos walang matira sa sahod ko sa paglalaba at ang tatay mo lahat ng sahod sa bukid ay binibili sa pangangailangan sa bahay. Hirap na hirap na tayo Analou, Bakit ikaw hindi mo maisip ang lahat ng sacrifice namin sayo. hindi napigilan ni Maila na maiyak sa pag sasalita habang pinagsasabihan ang anak. Analou! Nay, ano pala ang iniisip niyo sa akin ang winawaldas ko ang pera na binibigay niyo nay, hindi ko magagawa yon.Huwag na po kayo umiyak at malalaman din ninyo ni tatay kung saan ko dinadala ang pera na binibigay niyo sa akin. Niyakap ni Analou ang nanay at niyaya na niya itong kumain dahil tapos na siya mag luto. Dumating na ang ama na parang matamlay si Carlo.At halata sa kanyang mukha ang may dinadamdam. Bakit matamlay ang mukha mo Carlo? sabi ni Maila. Wala lang ito mahal ko! pagod lang ako kaya ganito. sabi ni Carlo. Habang kumakain sila ay linabas ni Analou ang kanyang Card. Na nagpapatunay na siya ay matalino sa school dahil siya ang 1st honor. Subrang saya ng mag asawa dahil hindi nila napapabayaan ang anak sa kanyang pag aaral dahil kahit ganyan ang estadong kanilang buhay ay hindi hadlang upang hindi mag aral ng mabuti si Analou. Lumipas ang ilang buwan ay si Analou ay nasa ikaanim na baitang na.At siya mag tatapos na ng pag aaral. Pero ang mga magulang nito ay hindi maiwasan na magtaka kung anoang binibili ng kanilang anak sa pera na binibigay nila. Mabait na bata si Analou pero hindi parin maiwasan ang may kontrabida sa kanya at may naiinggit dahil kahit mahirap lang sila ay marami siyang kaibigan at gusto ng mga guro dahil sa kabaitan niya at palakaibigan. Dumating na ang araw ng kanilang pagtatapos sa paaralan ay pinaalam na sa mga magulang ang petsa ng pagtatapos. Si Analou ay valedictorian dahil siya ang pinakamagaling sa kanilang classroom.Subrang saya ng magulang nu Analou dahil sa wakas ay magtatapos na ang nila at siya ay mag junior highschool. At kahit mahirap lamang sila ay nakayanan parin ng mag asawa na bilihan ng sapatos at damit si Analou sa kanyang graduation. Pero si Analu ay hindi na naghahangad ng magandang damit sapagkat ayaw na niya mahirapan pa ang magulang.Masaya na nag martsa si Analou kasama ng kanyang magulang. Sa kanyang pagsasalita sa entablado ay sinalysay niya ang buhay mahirap. pero hindi hadlang upang siya ay huminto ng pag aaral.Dahil naging inspirasyon niya ang pagiging mahira. Analou: Speech!! Ang pagiging mahirap ay hindi hadlang upang tayo ay bumitaw at sumuko dahil.ito ang inspirasyon natin upang lumakas ang loob at manindigan na mag aral ng mabuti upang ang paghihirap ng magulang ko ay aking masuklian. Huwag ikahiya ang pagiging mahirap dahil ito na ang binigay saatin ni Lord ang maranasan ang hirap sa buhay.Lahat tayo may kanya kanyang buhay na nakalaan huwag mainggit sa mayaman dahil sila natanggap na nila ang biyaya para sa kanila. Huwag tayong mawalan ng pag asa at dapat tayong manalig at magtiwala na may diyos na gumagabay saatin at nabibigay liwanag sa tulad natin mga mahihirap. Ako, si Analou anak mahirap lamang pero hindi ko kinakahiya ang pagiging mahirap dahil kita niyo ako ngayon nasa harapan niyo nag sasalita at nagtatapos at valedictorian ng paaralan ito.Hindi tumigil ang nanay at tatay ko sa pagtatrabaho makapag aral lang ako.At hindi ko kinakahiya ang mga magulang ko at proud ako sa kanila na sila ang magulang ko. Marami pa tayong pagsubok na mga magtatapos dahil ito pa lang ang simula at sa pagdating natin ng mataas na antas ng paaralan ay doon natin malalaman kung kakayanin pa natin.pero hanggat hindi tayo bumitaw ay makakaya natin ang lahat.Maraming salamat at nagpapasalamat ako sa mga guro na nag turo sa amin at nagtiyaga sa kapasawayan ng mga classmate ko at sa akin narin.At sa mga classmate ko naman ay salamat sa mahabang taon na tiniis niyo ako at palagi niyo binibigyan ng pagkain kasi parati akong walang pera. Special na pasasalamat sa aking mga magulang na nag sacrifice at hindi tumigil sa pag alaga at pagpapaaral da akin. Natapos na ang graduation si Analou ay tumanggap ng maraming medalya at siya ay maraming parangal sa paaralan nila. Umuwe na sila at kita sa mga mata ng mag asawa ang tuwa at lungkot Bakit malungkot kayo tay! nay! at sinabit ni Analou ang medalya sa nanay at tatay niya. Anak kasi lahat ng kaklase mo may handaan sa bahay nila at may regalo pa sila.Samantalang ikaw wala man lang kami naibigay sayo. Nay! tay! huwag kayong malungkot dahil hindi naman ako humihingi ng regalo. Dumating na sila ng bahay nila ay biglang may linabas si Analou at sinabi sa tatay at nanay na surprise.......,, Ano naman ito anak bakit nakabalot sabi ni Maila. Anak saan mo ito kinuha huwag mong sabihin na nangutang ka.?sabi ni Carlo sa anak. Grabe naman kayo sa akin tay! nay! pera ko yan. sabi ni Analou, Saan ka kumuha ng pera anak? tanung naman ni Maila sa anak. Nay! naalala niyo yong pera na binibigay niyo sa akin iniipon ko hindi ko binibili upang sa aking pagtatapos ay may mabili ako sa inyo.Kaya kahit anong pilit niyo ipaamin sa akin kung saan ko dinadala ang pera ko ay hindi ko sinasabi dahil pag sinabi ko hindi na kayo ma surpresa. sabi ni Analou sa tatay at nanay. Nay! tay! nagustuhan niyo ba? binili ko yan dahil naawa na ako sa inyo dahil wala na kayong bagong damit na isinosout. sabi ni Analou sa kanyang tatay at nanay. masaya ang mag asawa dahil nagtapos ang anak sa elementarya at may natanggap pa silang regalo sa anak. Lumipas ang ilang araw ay bakasyon ni Analou kaya nakakatulong siya sa kanyang mga magulang dahil walang pasok sa paaralan. Nagkasakit ang nanay ni Analou kaya walang maasahan ang kanyanh ina kundi siya lamang. mahirap ang dinanas ni Analou sa murang edad niya ay pinapasa niya ang hirap sa buhay.Na dapat pa sana sa kanya ay naglalaro lamang. Malala na ang sakit ni Maila hindi nila madala sa hospital dahil walang wala sila. Nagpasya humingi ng tulong si Carlo sa kanyang boss upang maipagamot ang may sakit na asawa pero hindi siya pinagbigyan na mag cash advance.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cousins' Obsession

read
193.4K
bc

Wife For A Year

read
71.8K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
64.0K
bc

His Six Months Rule

read
32.5K
bc

Daddy Granpa

read
295.6K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
58.4K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
262.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook