Isang babaeng galing sa hindi masayang pamilya na puno ng lungkot ang puso, gano'n pa man ay lumaki siyang may busilak na puso. Nakita niya kung paano hinarap ng mga magulang niya ang mga pagsubok ng buhay. Namulat siya sa hindi patas na mundo.
May duda man sa bawat haharapin ay muli siyang magtitiwala sa isang kaibigan,isang espesyal na kaibigan kung saan ay mahuhulog ang loob niya. Panatag ang loob niya na hindi siya nito kailan man bibiguin. Siya nga ba?
Minsan ang taong sagot sa iyong mga katanungan sa mundo ay siya pala'ng mag iiwan sa'yo ng mas marami pang katanungan.
Nang mamatay ang magulang ni Yleighia ay sinalo niya na ang responsibilad sa kaniyang mga kapatid. Sa murang edad ay natunan niyang dumiskarte sa buhay upang buhayin ang tatlo niyang mga kapatid. Hanggang sa matuklasan niyang may sakit ang kaniyang kapatid na bunso kaya mapipilitan siyang mamasukan bilang kasambahay sa Maynila.
Si Jake Lowell Oliver Romero ay lumaki sa marangya at kilalang pamilya. Sikat siya sa pagiging magaling na car racer. Ngunit sa pag-ibig ay minsan na siyang nabigo , iyon ang naging dahilan ng malaking trahedya sa kaniyang buhay. Ang trahedyang iyon ay nagpalimot sa kaniya maging masaya.
Kayanin kayang ibalik ni Yleighia ang kaniyang mga ngiti?