Prologue
"Ma——-nang g-gutom na waykaa" naiiyak na sabi ng apat na taong gulang at bunso kong kapatid na si Lyka. Napapa-balikwas na siya at namimilipit sa sakit ng tiyan.
"Manang Lea,wala pa ba tayong makakain? Kanina pa tayong tanghali hindi kumakain" reklamo ni Lukas. Ang kapatid kong labing dalawang taong gulang na. Hawak-hawak niya ang kaniyang tiyan habang naka-harap sa lamesa namin na walang naka-hain kundi ang kandila na nagsisilbing ilaw ng bahay namin.
"M-manang" tawag sa'kin ni Lucky,ang labing apat na taong gulang kong kapatid.
Tiyak kong sumama nanaman siya kay Mang Berto para mangisda, dahil basa pa ang kaniyang damit.
"Oh Lucky nar'yan ka na pala" sumilay ang ngiti ko sa mga labi "May dala ka na bang makakain?" dinapuan ng tingin ko ang dala niyang plastic.
"Matumal Manang" ngumiti siya ng mapait at ibinaba ang sumbrero niya.
Agad itong pinagkaguluhan nila Lukas at Lyka. Nag una-unahan pa silang kuhanin kay Lucky ang plastic.
"Isda nanaman" tunog dismayado ang boses ni Lukas.
"Lukas ano ka ba" pinilit kong ngumiti "dapat nga'y nagpapasalamat pa rin tayo dahil binigyan tayo ng pantawid gutom" kinuha ko ang plastic at agad na isinalang sa lutuan naming de kahoy.
Hindi niya ako pinansin at nag mamartsang pumasok sa kwarto namin.
Habang nagluluto ay hindi ko maiwasang maiyak. Simula noong iwan kami nina Nanay at Tatay ay naging ganito na ang buhay namin. Sariwa pa sa ala-ala ko ang masaya at kumpleto naming pamilya dati...
"Ang tagal naman nina Tatay" nakapalumbaba sa lamesang sabi ni Lucky.
"Malapit na 'yon, panigurado ay marami silang nahuling isda at marami ring nabenta sa palengke" nakangiti kong sabi habang iniisip kung masarap ba ang magiging ulam namin ngayon.
"Sana nga Manang" ani Lukas.
"Andito na kami!" sigaw na nagmumula sa labas ng bahay namin.
"Tatay! Nanay!" sigaw naming lahat. Nag una-unahan kaming lumabas para salubungin sila Nanay at Tatay.
Sabay-sabay namin silang hinagkan.
"Amoy isda pa kami mga anak!" natatawang sabi ni Tatay habang inilalayo ang sarili sa amin.
"Pare-parehas naman tayong amoy isda,tay" natatawa kong sabi at muli siyang niyakap. Sumang-ayon naman sina Lucky at Lukas,si Lyka naman ay nanatiling buhat ni Nanay.
"Halika at pumasok na tayo may pasalubong kami sa inyo!" sigaw ni Nanay. Nanguna siya sa pag-pasok sa kubo naming bahay.
Parang alam ko ang amoy na iyon...
Sinundan ko ang amoy na iyon na nanggagaling sa dala nila Nanay.
"Manok!!!" tila hindi makapaniwalang anunsyo ko sa mga kapatid. Nanlalaki pa ang mata ko habang sinasabi ito sa kanila.
"Waaaaaaahhhh" nag-unahan sina Lukas at Lucky papunta sa lamesa.
"Dahan-dahan lang mga Lucky,Lukas,hindi kayo mauubusan" nakangiting sabi ni Nanay. Magkayakap sila ni Tatay habang pinagmamasdan kami.
Hindi ko na napigilang maki-agaw sa kanila. Naupo ako at nag umpisang kumain.
"Tay,Nay! Kain na po tayo" aya ko sa kanila. Hindi ako makapag-salita ng maayos dahil punong-puno ang bibig ko.
"Hindi na,makita lang namin kayong busog ay ayos na kami" nakangiting sabi ni Tatay.
Tumayo ako at humarap sa kanila.
"Tay naman, nag-drama nanaman" ngumuso ako.
"Hindi ako nagda-drama 'no, sadyang totoo ang aking sinabi"
"Hayaan mo na ang Tatay mo, gan'yan talaga kapag nagkaka-edad na" panunuya ni Nanay kay Tatay.
"Ah gano'n" nagsimulang kilitiin ni Tatay si Nanay dahilan para mapa-tawa ito ng malakas.
"Sali naman kami d'yan!" sigaw ni Lukas. Iniwanan namin ang pagkain at nakisali na rin sa kalitian nila Nanay.
Tumigil kami nang mapagod pare-parehas. Lahat kami ay naghahabol ng hininga habang naka upo sa upuan naming gawa sa kahoy.
"Tay,Nay..." lumunok ako bago magsalita ulit "kahit ho hindi na manok ang ulam natin,kahit ho isda na lang parati...basta magkakasama tayo at masaya,ayos na po"
Nanatili sandali ang katahimikan.
"Uy drama-rama" biglang panunuya ni Lukas. Kahit kailan talaga ay napaka-gaso nito.
Sumama ang tingin ko sa kaniya.
"Lukas" saway ni Nanay. "Tama naman ang Manang Yleighia niyo...kung tutuusin ay higit tayong mapalad kaysa mga taong masasarap ang kinakain,dahil sila mararangya nga ang buhay ngunit malungkot at hindi naman kumpleto ang pamilya" seryoso niyang sabi habang nakatingin sa aming apat.
"Kaya mga anak,lagi ninyong tatandaan na hindi tunay na kayamanan ang karangyaan...kundi ang pamilya at pagmamahal" sabi ni Tatay. Lumapit kami sa kanila at niyakap sila.
Bumalik ako sa ulirat nang yugyugin ako ni Lucky.
"Hoy Manang!"sinigawan niya ako sa tenga.
"A-ano?!" sigaw ko rin sa kaniya.
"Sabi ko sunog na iyang niluluto mo!" nginuso niya sa akin ang umuusok na kawali "kanina pa kita tinatawag pero tulala ka d'yan"
"Ba't 'di mo ko tinawag agad ayan tuloy nasunog, maghain ka na nga do'n" utos ko sa kaniya at agad naman siyang pumasok sa loob ng kakamot-kamot sa ulo.
Nang matapos ako magluto ay agad akong pumasok sa loob.
Kumakain na sina Lyka at Lucky ngunit si Lukas ay wala pa rin.
"Lukas! Kakain na!" tawag ko sa kaniya.
Hindi siya sumasagot kaya't minabuti kong tignan na siya sa kwarto...ngunit wala siya roon.
Alam ko na kung saan nanama pumunta ang batang iyon!
Sa dalampasigan,kung saan kita ang maraming bituin sa langit...
"Hoy! Sabi na nga ba dito ka lang pupunta,e" tumabi akong umupo sa malaking kahoy.
"May tampo ka pa rin ba sa amin ng Manang Lucky mo?" tanong ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang patpat sa gilid at nagsulat sa buhangin.
Oo.
"'Wag ka na magtampo, huwag kang mag-alala pag nakahanap ng trabaho si Manang,kahit araw-araw pang manok ang i-ulam mo" binunggo ko ang braso niya. Pinipigilan ko ang nagbabadyang mga luha. Lumanghap ako ng sariwang hangin habang nakatitig sa dagat na katamtaman lang ang lakas ng alon.
Muli niyang hinawakan ang patpat at nagsulat sa buhangin.
Kailan pa? Lagi mo sinasabi iyan.
"Lukas magsalita ka nga,kausapin mo ako ng maayos..."napipikon kong sabi,nakatingin ng masama sa kaniya "Pag ikaw ay nahipan ng hangin at tuluyang hindi nakapag salita,hay nako! Ewan ko lang sa'yo" may bakas ng pananakot sa boses ko.
Bumaling siya sa akin na halos nanglalaki ang mata "G-ganoon ba iyon,Manang?" nag-aalala niyang tanong.
Uto-uto.
"Oo kaya! Bahala ka,baka bukas pipi ka na" pananakot ko. Tumayo ako at naghanda para tumakbo dahil sigurado akong hahabulin ako nito.
Binitawan niya ang patpat at tumayo "Waaaahhh Manang!!!Bawiin mo 'yon!!! Ayoko maging pipi!!!" sigaw niya habang hinahabol ako.
Hirap na hirap akong tumakbo sa buhanginan kaya naman mabilis niya akong naabutan.
"Bawiin mo 'yon,Manang" hinihingal niyang sabi.
Naniwala nga talaga.
"Oo na,hindi ka na magiging pipi,sige" tumatawa kong sabi habang hinahabol ang hininga.
"Pero pangako 'yan Manang ah...pag naka hanap ka na ng trabaho,kahit araw-araw manok ang ulam ko" umaasa niyang sabi,nakanguso.
"Oo,pangako...pero sa ngayon,tiis-tiis muna" inakbayan ko siya habang naglalakad kami pauwi "naalala mo ba ang laging sinasabi noon ni Tatay noong nabubuhay pa siya?...hindi tunay na kayamanan ang karangyaan,kundi ang pamilya at pagmamahal" napa-ngiti ako nang maalala sila tatay,tumingin ako sa mga bituin sa itaas.
"Oo naman Manang"tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Yleighia!" sigaw ni Tiya Mercy.
Napahinto kami sa paglalakad.
"Tiya Mercy?!Kailan pa ho kayo nauwi? Mukhang pumuputi ho kayo roon sa Maynila ah" natutuwa kong sabi,inalis ko ang pagkaka-akbay kay Lukas.
Si Tiya Mercy ay namamasukan bilang katulong sa Maynila. Buti nga'y umuwi na dahil mag-iisang taon na yata itong hindi nauuwi.
"Kahapon lamang Yleighia...sinadya talaga kitang puntahan dahil may iaalok ako sa iyo" kumapit siya sa braso ko.
Mukhang mahaba-habang kwentuhan ito.
"Lukas,mauna ka nang umuwi,kumakain na sila do'n. Susunod na ako pamaya-maya" tumango ako sa kaniya.
Agad niya naman akong sinunod at naglakad pauwi.
"Maupo muna tayo rito" iginaya niya ang upuan sa ilalim ng puno. Hanggang rito ay tanaw pa rin ang kalamadong dagat at ang hangin ay pawang yumayakap sa akin "ad dati i bagak kin yam"
"Ano ho ba iyon?"
"Nangangailangan kasi kami ng isa pang katulong roon sa Maynila...ikaw agad ang unang pumasok sa isip ko dahil alam kong nangangailangan kayo ngayon...lalo na't naawa ako sa mga kapatid mong maagang naiwan ni Mareng Lisa"
"Ho? H-hindi ko ho iiwan ang mga kapatid ko. 'Di bali na hong magutom kami rito,basta't magkakasama kami" sumama ang loob ko at matalim na tumingin sa dagat.
"Iha,nagmamagandang loob lang naman ako. Uuwi naman tayo,kung gusto mo buwanan kang umuwi" hinawakan niya ang kamay ko "naalala ko lang ang mga kapatid mo...lalo na't napamahal na rin kayo sa akin." nangungusap ang mga mata niya. "isa pa't kasama mo naman ako...hindi ka maho-home sick"
Si Tiya Mercy ang matalik na kaibigan ni Nanay,halos nasubaybayan nito ang paglaki namin.
"Tiya Mercy,pasensya na ho. Hindi ko ho talaga matatanggap ang alok niyo." ngumiti ako bago tuluyan siyang iwan.
Nag isip-isip ako habang naglalakad pauwi.
Kailan man ay hindi ko sila iiwanan.
"MANANG!!!MANANG!!!MANANG LEA!!!"narinig kong sigaw na sigurado akong nanggagaling sa aming bahay.
Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay at nakitang nakahandusay sa sahig ang bunso kong kapatid na si Lyka. Pawang nagliliyab siya sa init.
"Lyka!!! Ading!!!Anong nangyari?!" aligagang sigaw ko.
Gabing-gabi ay dinala namin siya sa malapit na center dito sa amin.
"Doc" napatayo ako ng makita ang Doctor. "A-ano hong balita?" nag-aalala kong tanong.
Binasa niya ang nakalagay sa papel "May leukemia ang kapatid mo"
Parang umalingawngaw sa tenga ko ang sinabi ng Doctor. Hindi ito maaari...
"Lucky, ikaw munang bahala rito. May pupuntahan lang ako" humalik ako sa noo ni Lyka bago umalis.
"Ate! Saan ka pupunta?!" habol ni Lucky,ngunit hindi ko siya pinansin.
Naglakad ako papunta kila Tiya Mercy.
"Tao po!" sigaw ko habang kumakatok sa pinto "Tiya Mercy!"
"Oh Yleighia,anong sadya mo? Gabing-gabi na,ah" nagbalot siya ng balabal. Mukhang naabala ko pa yata ang pagtulog niya.
"Tinatanggap ko na ho ang alok ninyo."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
In Ilocano;
Ading - bunsong kapatid/bata
Manang - nakatatandang kapatid na babae/babaeng matanda sa iyo
Id dati i bagak kin yam- may sasabihin ako sa iyo
^_^