Chapter One

1964 Words
KABANATA I Ang dagat... Ini-angat ko ang kamay ko at inisip na nahahawakan ko ang tubig sa dagat mula sa malayuan. Ang hangin... Tinatangay nito ang buhok ko patungo sa iba't ibang direksyon. Hindi sapat ang balabal ko para mapawi ang lamig. At ang mga bituin... Maluha-luha akong nag-angat ng tingin sa langit. Itinaas ko muli ang aking kamay,pawang nahahawakan ang mga bituin. Napakarami nila ngayon lalo na't pasado alas dose na ng hating gabi...sino kaya d'yan sina Nanay at Tatay?Dahil naniniwala akong isa sila sa mga bituin na nagmamasid lang sa amin. "Manang! Ito na ang bag mo!" sigaw ni Lucky mula sa likuran ko. Hindi ko siya pinansin at nanatili ang paningin sa dagat. Sa buong buhay ko,ngayon lang ako mawawalay sa dagat na ito. Paniguradong hahanap-hanapin ko ito sa Maynila. "Hoy!" niyugyog ako ni Lukas dahilan para maibaling ko ang tingin ko sa kaniya. Nag-peace sign siya nang makitang matalim ang tingin ko. "Kanina ka pa hinihintay ni Tiya Mercy sa sasakyan." "Ito na nga susunod na...sandali lamang" ibinalik ko ulit ang tingin sa dagat. Ang mga alon,hangin na humahampas sa balat ko,ang mga bituin na kailan man ay hindi pumalya na pasayahin ako, at...ang mga kapatid ko na tanging kayamanan ko. "Ma——nang!" Lumingon ako mula sa gilid ko at nakita si Lyka na nagpapabuhat sa akin. Napangiti ako at mabilis siyang binuhat. "Lyka,ading...'wag kang makulit ha. Lagi kang makikinig kay Manang Lucky" nilingon ko si Lucky sa kanan ko. "Sa'n i-ikaw p-punta ma——nang ?sama waykaa?" inosente niyang sabi habang nilalaro ang buhok ko. "Magta-trabaho lang ang Manang Lea ha...b-babalik ako,pangako" hindi ko na napigilang umiyak. Agad ko itong pinunasan at bumaling kay Lucky "Lucky,alam mo na ang gagawin...ikaw muna ang bahala sa kanila...'pag may kailangan kayo 'wag kayong mahihiyang tumawag kay Manang ha. At tsaka nariyan naman sila Tiya Lucy." nagpunas ulit ako ng luha "Ikaw,Lukas...makinig ka kay Lucky,'wag kang pasaway...'pag nalaman kong pasaway ka makakarating mula Maynila hanggang Dagupan,Panggasinan 'yong batok ko!" itinago ko na lamang ang lungkot sa biro ko. Kumamot na lang si Lukas sa ulo niya at nahihiya pang lumapit sa akin bago ako yakapin ng mahigpit. Agad naman sumingit si Lucky at sumubsob sa akin. Si Lyka naman na buhat-buhat ko pa rin ay niyakap rin ako. "Yleigha! Mikat tu yon!" nagmamadaling sabi ni Aling Mercy na sasakay na sa van. Kumawala ako sa pagkakayakap sa mga kapatid ko at ibinigay kay Lucky si Lyka. Maluha-luha ko silang tinignan isa-isa bago humakbang palayo "Mag-iingat kayo rito" huling salita ko bago tuluyang sumakay sa van. Hindi ko alam kung paano ko napag-desisyunan ito. Marahil hindi ako sanay malayo sa mga kapatid ko at sa dagat na kinalakihan ay sobra ang lungkot na nararamdaman ko. Nagda-dalawang isip pa ako nung una ngunit nang sabihin ng Doctor na kung hindi maagapan ang sakit ni Lyka ay maaari itong maglandas sa kaniya sa kamatayan...at hindi ko kayang makita ang kapatid ko na mawawalan ng hininga habang ako ay wala lang ginagawa. Bilang nakatatanda,hangga't may kaya akong gawin para sa kanila,gagawin ko....kahit na ikasasakit ng loob ko. "Tiya Mercy,saglit lang!" sigaw ko,naramdaman ko ang parang hinahalukay na sikmura ko,marahil hindi ako sanay sa byahe. Mabilis na pumreno ang sasakyan,hindi ko inalintana ang bigat ng katawan dahil kusa akong lumabas ng kotse para sumuka. "Huwag kang mag-alala Yleigha,masasanay ka rin. Ganiyan rin ako noong una" tinapik ni Tiya ang likod ko "Ire ang tissue" Nanlulumo akong marinig ang tunay kong pangalan mula kay Tiya Mercy dahil walang ibang tumatawag sa akin noon kundi ang mga magulang ko. Nakayuko pa rin ako at nakahawak ang parehong kamay sa tuhod. Unti-unti akong bumaling kay Tiya Mercy at kinuha ang tissue. Nang magbalik ako sa byahe ay gumaan na ang pakiramdam ko ngunit mabigat sa loob kapag naiisip kong malalayo ako sa kanila. Ni hindi ko alam kung anong magiging buhay ko roon sa Maynila...hindi ko rin alam kung may mabuting puso ba ang magiging amo ko. Wala naman akong ibang alam kundi maglangoy doon sa dagat at mag benta ng mga isda. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin ng mga dinadaanan namin. "Nalulungkot ka pa rin ba?" biglang tanong sa akin ni Tiya Mercy. Tumango lang ako at pilit ngumiti. "Gan'yan talaga Yleghia,naalala ko tuloy ang sarili ko sa'yo noon" natatawa niyang sabi "Takot na takot akong lumayo roon sa kinalakihan kong dagat...kulang na lang yata ay magtira ako roon. Kanya nga lang ay gipit na gipit na kami ng Manong Edgar mo noon...ang mga anak ko,wala akong maipakain sa kanila,kaya napilitan akong mamasukan bilang kasambahay kahit kapalit noon ay ang pangungulila sa kanila. Ang malayo sa kanila ay isang malaking sakripisyo" naluluha niyang sabi,mapait ang ngiti. Tama si Tiya. Sobrang hirap...ngunit kailangan. "M-mahirap ho ba ang mga gawin roon?" bigla kong natanong. "Sa una lang mahirap,s'yempre ay mangangapa ka pa sa mga gawain...ngunit kalaunan ay matututunan mo rin. Panigurado ako,hindi mo naman masyadong mararamdaman ang pangungulila dahil hindi lang tayo ang kasambahay roon...marami tayo at magaan silang makitungo" ngumiti siya sa akin. Marahan akong tumango "I-iyong Amo ho?" kinakabahan kong tanong. "Iyan pa ang itinanong mo" natawa siya "naku! Wala kang dapat ipag-alala sa mga Amo natin,napaka bait nila Ma'am Jaquilene at Sir Rowell" abot tenga ang ngiti niya. Nabawas kahit papaano ang kaba kong nararamdaman. Inilabas ko ang wallet ko na may picture naming magkakapatid. Hinimas ko ito at ngumiti. Para sa inyo ito Lucky,Lukas at Lyka. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakatingin sa litrato ng mga kapatid ko. "Yleighia...bumangon ka dali" narinig ko si Manang Mercy,marahan niya ako niyuyugyog. "H-ho?" idinilat ko ang mga mata ko,kinuskos ko pa ito ng ilang beses. "Tignan mo ang paligid" nakangiti niyang sabi. Nanlalata man ay mabilis akong dumungaw sa bintana ng van. Namangha ako sa nakita,ang mga mata ko ay pawang mga bituin sa pagkinang at ang hindi nakatakas ang labi ko sa pag-ngiti. "Gayon lamang ako naka-kita ng ganito sa tanang buhay ko" namamangha ko pa ring sabi habang naka tingin sa nagtataasang mga gusali. "Iyan ang palatandaan na nasa Maynila ka na" si Manang. Hindi ko siya naharap dahil hindi ko mai-alis ang tingin sa mga gusali. Binilang ko pa ang palapag ng isang buiding noong traffic. Laking gulat ko nang mahigit trenta iyon. "Manang!" ang gulat ay naroon sa boses ko "Mahigit trenta ang palapag ng gusaling iyon,hindi kaya'y bumigay iyon? O kaya'y malaglag ang mga tao sa lula" namamangha ko pa ring sabi,hindi ini-aalis ang tingin sa naturang gusali. "Hay nako Yleighia..." natatawang sabi ni Tiya Mercy habang umiiling "Idlip muna ako saglit,sumakit ako ulo ko sa byahe. Ngunit nakatitiyak ako na malapit na tayo" nakangiti niyang sabi bago ipikit ang mga mata. Buong byahe ay nakatuon lang ang paningin ko sa mga matataas na gusali. Hindi ko na alam kung gaano karaming gusali ang nabilang ko ang palapag. Ang driver naman ng sinasakyan naming van ay umiiling lang sa tuwing tinitignan ako. Hindi ko alam kung anong mali...natural lang naman na maging ganito ang reaksyon kapag unang beses rito sa Maynila,hindi ba? "Ate,we're here na" sabi noong driver,tinanggal ang shades niya. Agad napa-awang ang labi ko. Aba'y nag-ingles pa ito! Akala siguro'y amerikana ako! "Huwag kang mag ingles-ingles d'yan dahil kahit maubos ang laway mo ay hindi kita maiintindihan" natatawa kong sabi,nahihiya rin. Tinignan ko ang labas, mukhang kasalukuyan pa lang sumikat ang araw. "I-im sorry, I mean. Naritow naw tayow" nahihirapan niyang sabi. Ano ba naman 'tong nakuhang driver ni Manang,amerikano pa yata! "Manang Mercy" tinapik-tapik ko siya sa balikat. "Manang andito na raw ho tayo" sabi ko habang isinusukbit sa balikat ang dala kong mga bag. "Napa-sarap yata ang tulog ko" natatawa siyang bumangon at isinukbit ang mga bag. "Mikat tu yon,Yleighia" tawag niya sakin. Pagbaba ko ay bumungad sa akin ang isang malaking bahay. Nasa labas pa lamang ako ng malaking gate ngunit kitang-kita ko na kung gaano kalaki ito.Hala! Ay parang kasya na rito ang buong baranggay namin! Sa taas ng malaking gate ay may arko roon at naka lagay ang Welcome to Romero's. Ang yaman talaga! Doon sa amin nakaka-kita lang ako ng mga arko 'pag ibang baranggay na. Naka-nganga ko itong tinignan. May ganito pa lang klaseng bahay...sa amin ay puro kubo lamang,ngunit masaya. Nagkikita-kita pa kaya ang mga nakatira rito? "Auntie Mercy!" sigaw na nanggagaling sa loob bakuran at binuksan niya ito upang salubungin si Tiya Mercy. "Ma'am Jaquilene!" niyakap niya ang babaeng mukhang hindi nalalayo ang edad sa akin. Maamo ang mukha nito at mukhang mabait. "Ate Mercy! Akala ko hindi ka na babalik" natatawa nitong sabi at ibinaling ang tingin sa akin. "Siya na ba ang sinasabi mo?" nakangiti niyang sabi sa akin. Gumanti ako ng ngiti sa kaniya. "Opo Ma'am! Siya na nga po...halika,Yleighia" hinila niya ako palapit sa kanila "magpakilala ka kay Ma'am" Dapat positibo lang! Ibinaba ko ang mga dala kong bag "Maganda araw ma'am Jaquilene!" masigla kong sabi "Ako ho si Yleighia,Lea na lang ho para mas maikli!" masaya kong sabi. Natawa siya sa akin,tila nawalan ng mata "You're so cute" natatawa niya pa ring sabi "Ang bibo naman pala ng isinama mo Auntie Mercy" ngumiti siya kay Tiya Mercy "Ilang taon kana iha?" binalik niya ang tingin sa akin. "Disi-sais ho" "Napaka bata mo pa pala iha, halos ka-edad mo lang ang anak ko" hindi pa rin naaalis ang ngiti niya. Napaka ganda niya at ang kinis pa. "M-may anak na ho kayo?!" nanlaki ang mga mata ko. "Yes" natatawa niyang sabi "Bakit hindi ba halata?" tumatawa niya pa ring sabi. Mukhang nahihirapan siyang magsalita ng tagalog. "Mukha ho kasing ang bata ninyo" nakangiti kong sabi. Agad naman kaming pinapasok ng bahay. Hindi ko maiwasang mamangha, akala ko ay maganda na ito sa labas ngunit mas maganda pala ito sa loob. Napakalawak nito,mukhang maliligaw ako. Ni hindi ko yata kayang lagyan ng dumi itong sahig nila na kumikintab sa linis. Naibaba na namin ni Tiya ang mga gamit namin sa kwarto. Kami ni Tiya Mercy ang magkasama sa kwarto. "Yleighia,ito ang uniporme natin rito. Small iyan,mukhang sakto sa iyo" inabot niya sa akin ang paper bag na may laman na asul na pa bistida. "Naroon ang banyo" inginuso niya ang gawing kanan. "magbihis ka na para makapag umpisa na tayo sa mga gawain,nakakahiya kila Ma'am" nakangiti niyang sabi. Mabilis akong nagtungo paroon sa sinasabing banyo ni Tiya ngunit pagdating ko roon ay dalawa ang pinto. Hala! Dalawa ang banyo rito?! Sosyal! Mini-mini maynimo na lang kung saan ako magbibihis...Nang matapos na ako magmini-mini maynimo ay pumasok ako sa natapatang kwarto. Agad kong hinubad ako suot ko. Parang hindi yata ito banyo? May kama,e. Ang taray! May kama ang banyo nila! Ano iyon p'wedeng mahiga habang naliligo? Ang yaman-yaman talaga. Napatakip ako ng damit sa katawan ng may marinig na kaluskos sa mula sa likuran ko. Mabilis akong humarap "Sino ka?! WAAHHHHHH!!!! TULONG!!!! m******s!!!!" nakapikit kong sigaw habang tinatakpan ang buong katawan ko. Basa ang buhok niya at tanging twalya lang ang nakabalot sa pambabang bahagi ng katawan. G'wapo sana kaso manyak! "WHO ARE YOU YOU?!!!!!" sigaw niya rin. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ In Ilocano; Mikat tu yon - halika na ^_^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD