Chapter Two

1897 Words
KABANATA II "WHO ARE YOU?!!!!!" "WAAAHHHH TULONG TIYA MERCY!!!" Mabilis na bumukas ang pinto at tumambad sina Ma'am Jaquilene,Tiya Mercy at ang isa pang kasambahay na babae. "Diyos kong mahabagin!" sigaw ni Tiya Mercy at mabilis na kumilos para takpan ako ng kumot. "Jake,go to the bathroom. Elsa,assist Jake" kalmadong sabi ni Ma'am Jaquilene. Nakita ko kung paano niya ito inalalayan. Napaka kapal ng mukha! Siya na nga itong namboboso,siya pa ang kailangan asikasuhin! Ano siya bata?! Ako ang biktima rito,hoy! "Diyos ko,Yleighia ano ba'ng nangyari? Bakit rito ka napunta?" tanong ni Tiya Mercy. "Sinunod ko lang naman ho kayo. Sabi ho ninyo kanan" nakayuko kong sabi habang hawak ang kumot na bumabalot sa katawan ko. "Jusmiyo marimar! Hindi ito ang banyo." napa-sapo sa noo si Tiya Mercy "Pasensya na Ma'am" naglipat siya ng tingin kay Ma'am Jaquilene "Hindi pa ho niya masyadong gamay rito" "It's okay" nakangiti niyang sabi sa akin nang biglang tumunog ang telepono niya. "Hello...alright alright,i'm on my way" nagmamadali niyang sabi. Auntie Mercy,kayo na bahala rito." nakangiti niya pa ring sabi at tsaka dumeretso paalis. "Ay Diyos ko,Yleighia! Halika na roon sa labas,baka magalit si Sir!" sabi niya habang inaakay ako palabas ng kwartong iyon. "Ano ho?! Iyon?! Sir?!" gulat na gulat kong sabi. "Oo,ayan na ang banyo" itinuro niya ang katabi ng kwartong iyon. "Manang, binosohan niya 'ko!" nagmamaktol kong sabi. "Hindi p'wede iyon! Ang katawan ko ay para lamang sa lalaking una at huli kong mamahalin!" maiiyak ko nang sabi. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo d'yan?" natatawa niyang sabi "Dalian mo at magbihis ka na para makapag handa na tayo ng tanghalian" lumakad siya palayo. "Pero Manang!" "Magbihis ka na!" sigaw niya sa akin mula sa malayo. "Siya na nga 'tong namboso,siya pa'ng pinapanigan ng lahat! Wala akong paki-alam kung sino ka, kahit amo pa kita, nasa katuwiran ako kaya ipaglalaban ko iyon! Tama Lea! Ipaglaban mo!" tumatango-tango na kausap ko sa sarili habang nagbibihis sa loob ng banyo. Dignidad na lang ang nasa akin,hahayaan ko pa ba itong mawala? "Yleighia,paki-abot ang gulay" sabi ni Tiya habang abalang-abala sa pagluluto. "Tiya Mercy,huwag niyo na ho akong tawaging Yleighia. Lea na lang ho" sabi ko habang kinukuha ang mga gulay sa lamesa. Grabe itong kusina nila, para bang kapag mag luluto ay kayang pakainin ang isang baranggay! Napaka-laki! "Ay ganoon ba, osige Lea" natatawa niyang sabi. "Punasan mo na ang mga plato na nariyan sa gilid" sabi niya,hindi ini-aalis ang tingin sa niluluto. "Tiya....bakit naman hindi mo ako ipinag-tanggol kanina? Nakita mo 'yong lalaki na'yon! Napaka manyak!" inis kong sabi habang nagpupunas ng mga plato. "Siya ang anak ni Ma'am Jaquilene." "Kahit na Tiya,alam mo naman tayong mga Ilocano,wala tayong inuurungan. Laban kung laban! Hangga't nasa katuwiran" "Hay nako bata ka, ayusin mo na lang ang pagpupunas mo niyan. Malapit na itong maluto" May dumating na tatlong babae na mukhang matanda sa akin ng kaunti. Naka suot sila ng uniporme na katulad nung sa akin kaya naka sisigurado ako na kasambahay rin sila dito. "Oh andito na pala kayo Elsa. Tapos na kayo maglinis sa taas?" si Manang. "Opo" sagot nung isang babae na medyo maputi. Sana lahat maputi...pero ayos lang. Iba pa rin ang kulay kong kayumanggi at ang buhok kong kulot, ito kaya ang dalagang pilipina! "Ito nga pala si Yleigh——-ay Lea pala" pakilala ni Manang sa akin. "Y——lea ito sina Elsa,Rhian at Cindy" "Magandang tanghali!" masiglang bati ko sa kanila. Tumawa 'yong Rhian "Magandang tanghali rin Lea. Nice to meet you" inilahad nung Rhian iyong kamay niya,masaya ko itong tinanggap. Si Elsa at Rhian nanatili lang magkatabi at nagbubulungan,paminsan-minsan ay tumatawa. Ako na nga mag kusa! Kung ayaw nila makipag kaibigan sa akin,edi ako ang makikipag kaibigan sa kanila. Ialis ang negatibo palitan ng positibo! Binitawan ko ang pinupunasan na mga plato at pasimpleng lumapit kila Elsa at Rhian na naghahanda sa lamesa. Nag-punas ako ng kamay sa uniporme ko bago at umubo ng bahagya "Tapos na kayo?" panimula ko,may masiglang tono. "Hindi pa,bakit?ikaw ba tapos na?" may pagka mataray ang boses nitong si Elsa pero keri lang! "Hindi pa rin" natatawa kong sabi "Apir!" itinaas ko ang kamay ko. Lumipas ang ilang segundo pero walang tumutugon sa kamay ko kaya kumamot na lang ako sa ulo. Nanatili ang dalawa na mataray ang tingin sa akin. "Lea! Ihain mo na ito!" sigaw ni Tiya. "Balik na ako do'n ah, hehe" nag paalam pa rin ako kahit mukhang ayaw nila ako kausap. Dali-dali akong pumunta sa kusina. Nilagyan ko lang ng ulam na pinakbet ang isang malaking mangkok. "Isa lang Tiya Mercy?" kunot noo kong tanong. "Oo,mag-isa lang naman si Sir Jake kumakain tuwing tanghali at gabi" Biglang nag-init nanaman ang dugo ko nang marinig ang pangalan ng Jake na 'yon! Buti nga sa kaniya! Mag-isa lang kakain! "Bakit naman ho? Akala ko'y maraming kakain,ang dami-dami pa naman nito" tanong ko habang naglalagay pa rin ng ulam. "Parehas busy ang mga magulang niya sa pag-aasikaso ng negosyo nila" sabi niya habang nag-huhugas ng mga pinggan. Biglang lumambot ang puso ko. Hindi niya kaya naranasan ang makasama sa hapag ang pamilya niya? Ang saya kaya no'n. Iyong kumpleto at sabay-sabay kayong kumakain habang nagku-kuwentuhan. Kami dati,kahit nag-aagawan sa ulam,ayos lang...basta't hindi kami nauubusan ng tawanan. "Osiya,andiyan na si Sir,ihain mo na 'yan doon Lea...ako'y mag-uurong lang dito" sabi niya,habang nakalingon sa lamesa. Lumingon ako at nakita si manyak...este Sir Jake na naka-upo na sa lamesa. Likod lang ang kita ko at ang basa niyang buhok...ang kulay ng kaniyang damit ay pink?! Pink talaga?! Nag-umpisa akong maglakad patungo sa lamesa,bitbit ang malaking mangkok. Dahan-dahan kong itong inilapag sa lamesa. Iniiwasan ko ang tignan si Sir Jake,baka hindi ako makapag-pigil at ibuhos ko na lang bigla sa kaniya itong ulam. Hindi naman ako nakatakas sa masamang tingin ni Elsa at Cindy na nasa likod ni Sir Jake...pasimpleng inaamoy ang manyak! "Headphones" sabi niya. Diyos ko! Bakit napaka ganda sa pandinig ko ang boses ng manyak na ito?! "Ano 'yon Sir?" mabilis na tugon ni Elsa,kinikilig pa. "Headphones." maikli at masungit niyang sabi. Dahan-dahan akong pumihit papunta sa kusina. Hindi ko pa rin siya tinitignan... "Hoy Lea,kunin mo headphones ni Sir sa kwarto niya. Do'n sa pinuntahan mo kanina...doon sa ibabaw ng computer niya" utos ni Elsa,pinagpatuloy ang pag-amoy kay Sir. Ibig sabihin kwarto niya 'yong napasok ko kanina??? Pero hindi! Binosohan pa rin niya 'ko! Tama! Binosohan niya talaga ako! Ito namang si Elsa,kung maka-utos kala mong siya ang amo ko. Kung hindi lang ang pinalaki ng maayos ng magulang ko....hay nako! Mabilis akong sumunod,pabor naman sa akin iyon dahil ayokong makita ang pagmumukha ng manyak kong amo! Pag-pasok ko sa kwarto ay lubos akong namangha. Kanina kasi ay nagmamadali ako kaya hindi ko masyadong napansin ang kabuuan nito. Kulay itim ang pintura nito, may computer sa gilid,at may mga collections ng mga sasakyan sa tabi ng computer. Ang kama ay napaka laki...lumapit ako rito at naupo. Napaka lambot! Para akong nasa langit. At ang kisame...puno ng bituin! Napaka ganda... Hindi ko namalayan na nakahiga na ako habang tinititigan ang mga bituin sa kisame. Nang-gilid ang mga luha ko...nangibabaw ang pangungulila ko sa mga magulang ko, sa mga kapatid ko at sa lugar na kinalakihan ko. "Lea! Nakita mo ba?!" sigaw ni Lea na parang nanggagaling sa kusina. Ang lakas naman niya sumigaw,ang layo no'n rito,ah. Bumalik ako sa ulirat at nagmadaling tumayo. Agad ko naman nakita ang headphones sa ibabaw ng computer,at bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ay tinignan ko ang mga bituin sa kisame...ini-angat ko ang mga kamay ko at kunwaring nahahawakan ko ito. "Ang tagal mo naman!" reklamo ni Elsa. Hindi na ako nagsalita at ibinigay na lang sa kaniya ang headphones. May mga sinasabi pa siya ngunit napipikon na ako kaya minabuti kong bumalik na lang kay Manang sa kusina. Tinulungan ko magligpit si Manang Mercy ng mga gamit. "Hay! Sa wakas natapos na rin tayo!" nag-punas siya ng pawis sa noo. "Ano na hong susunod?" masigla kong sabi. "Aba'y napaka giliw mo" natatawa niyang sabi. Ganito lang pala ang gawain rito...mas nakaka hamon pa ang magbenta ng mga isda dahil may mga nakakalaban akong tindera,agaw kami lagi ng mamimili! "Halika doon" inaya ako ni Manang kung nasaan si Sir Jake manyak. "Kayo na lang ho" "Halika na..." Wala akong nagawa kundi sumama. "Ano pa'ng kailangan niyo Sir?" tanong ni Manang Mercy kay Sir,hindi ko pa rin siya tinitignan. Nakatayo lang ako rito sa likuran niya,katabi sina Elsa. "I'm done. I'll go to the garden" sabi nito. Tuwing magsasalita siya ay napapapikit ako. "Let's go sir!" biglang sabi nitong si Elsa. "Hephep! Nakalimutan niyo na bang maglilinis pa kayo sa ikatlong palapag?" singit ni Tiya Mercy "At ako nama'y maglilinis rito sa baba....ikaw na lang Lea ang sumama kay Sir" bumaling siya sa akin. Ako?! At bakit ko naman sasamahan 'yang manyak na 'yan? Kaya niya na 'yan! Ang laki-laki niya na! Lumapit sa akin si Tiya Mercy at bumulong "Alalayan mo siya at bantayan mo ng maigi,huwag mong ialis ang paningin mo sa kaniya." madiin niyang sabi sa akin. Nagsimulang maglakad itong si Sir...napaka bagal. Tatanungin ko sana kung may prusisyon at may dala pang tungkod! Ano 'to pamalo? Nang makarating kami sa malapit sa swimming pool ay napako ang tingin ko roon. Na-miss ko tuloy ang maglangoy sa dagat...iyong may makakasabay akong mga isda. Naupo siya sa gilid ng pool,muntik na mahulog kaya medyo na alarma ako. Buti na lang ay hindi natuloy dahil.... tatawanan ko siya. Tinignan ko siya mula sa likod, wala akong balak tignan ang mukha niya dahil maaasar lang ako! "Juice." maikli at naroon pa rin tono niyang masungit. Aba't napaka kapal ng mukha! May kasalanan pa rin siya sakin! "Hoy ikaw! 'Wag mo kong utusan ha! 'Di porke amo kita e pagbibigyan kita sa mga kalokohan mo! Haler! Dalagang Pilipina kaya 'to!" nakapamewang kong sabi mula sa likuran niya,naghahamon. "Shut up. Juice" hindi siya lumingon man lang sa akin. Napaka kapal talaga ng mukha! Napa-ngiti ako ng makaisip ng igaganti. "Okay sir" nakangiti at magiliw kong sabi. Bahala siya rito! Habang buhay siyang maghintay ng juice! Magiliw at ngingiti-ngiti akong naglalakad papasok sa loob ng bahay. "Tiya Mercy,ano po ba'ng maitutulong ko sainyo?" sabi ko kay Tiya Mercy na ngayon ay nagwawalis. "Napaka bilis naman yata malibang ni Sir Jake ngayon? Naihatid mo na ba sa kwarto niya?" sabi niya,hindi nag-abalang tumingin sa akin. "Mabilis ho talagang malibang" natatawa kong sabi "hindi niya nga alam na iniwanan ko na siya,manhid" tumatawa kong sabi. Nagulat ako nang mabitawan ni Tiya Mercy ang walis at tumingin sa akin. "ANO?!!! BAKIT MO SIYA INIWAN?!! DIYOS KO!!! SIR JAKE!!!" dali-dali siyang pumunta sa pool. "B-bakit ho?" aligaga ko siyang hinabol ko. "BULAG SIYA,YLEIGHIA!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD