Hi, I'm Annie Stories from El Nido Palawan, I write painful, romantic, and family drama stories that will make you cry, smile, and fall in love. My stories are full of twists, secrets, and lessons about love.
Follow me for daily updates. Your support means a lot! đź’•
Janelle has always been used to getting what she wants. Gorgeous, effortlessly sexy, and magnetic, alam niya kung paano paikutin ang mga lalaki sa palad niya. But there is one person completely immune to her charms—ang bago niyang stepbrother na si Gabriel.Gabriel is brooding, distant, and deeply devoted to Sofie, the absolute greatest love of his life. Para kay Gabriel, walang papantay kay Sofie, at seryoso siya sa relasyon nila. Dahil dito, cold at deadma siya sa lahat ng mapanuksong tingin at ganda ng mapangahas niyang stepsister.Naiinis at lalong naaakit si Janelle sa pagiging mailap at seryoso ni Gabriel. She takes it as a challenge. Nag-umpisa siya ng isang mapanganib na laro—isang high-stakes mission of seduction para agawin si Gabriel mula kay Sofie at patunayang kayang-kaya niyang makuha kahit ang lalaking pag-aari na ng iba.As lines blur and forbidden tension builds between them under one roof, mas lalong nagiging kumplikado ang sitwasyon. Malulusaw ba ni Janelle ang katapatan ni Gabriel kay Sofie? O matatalo lang siya sa sarili niyang laro kapag siya na ang tuluyang nahulog?
Pagod at lasing ako nang pumasok ako sa maling kwarto. 204, hindi 205. Madilim, may estranghero sa loob. Isang gabi lang. Akala ko tapos na ang lahat. Kinaumagahan, ngumiti ang kapatid ko at sinabing, "Siya si Raigo, asawa ko." Siya pala ang lalaking kasama ko kagabi. Pagkalipas ng dalawang buwan, dalawang linya ang lumitaw. Buntis ako, at ang ama ay asawa ng kapatid ko.
Siya ang FIRST LOVE ko. Hindi niya alam na mahal ko siya. Ako si Elisa, tahimik, simpleng estudyante lang sa paaralan.Siya si Tristan Monteverde. Ang sikat. Ang matalino. Ang pinakamayaman sa school. Ang first love ko.Apat na taon ko siyang lihim na tinitignan sa hallway. Sa library. Sa basketball court. Wala siyang ideya na exist ako. Ako lang yung babaeng laging nasa likod, nakatingin sa kanya habang siya, nakatingin sa greatest love niyang si Alexa.Hanggang sa gumraduate siya at lumipad ng America para sundan si Alexa. Akala ko doon na matatapos ang kwento ng lihim kong pagmamahal.Pero bumalik siya.At sa harap ng pamilya ko, lumuhod siya.Hindi para mag-propose dahil mahal niya ako.Kundi dahil may kapalit."Pakasalan mo ako, Elisa. Bigyan mo ako ng isang taong kasal, ibibigay ko sayo ang 10 Milyon. Kapag hindi kita pinakasalan, wala akong mamanahin kahit piso sa Lolo. Kailangan kita."Napilitan lang siya. Dahil ako ang babaeng pinili ng Lolo niya. Dahil ako lang ang susi para makuha niya ang bilyon-bilyong mana ng mga Monteverde.At ako? Pumayag ako. Hindi dahil mahal ko pa siya.Pumayag ako dahil mamamatay ang Nanay ko kapag hindi siya naoperahan. At ang 10 Milyon na yun lang ang makakaligtas sa kanya.Pumirma ako sa marriage contract. Isang taon lang. Pagkatapos, divorce at kalimutan na parang walang nangyari.Pero hindi pala ganun kadali.Paano kung sa iisang bahay, sa iisang kama, sa iisang gabi... bigla niya akong halikan at sabihin:"Elisa, hindi ko alam kung kailan, pero parang hindi na pera lang ang habol ko sayo."At paano kung sa mismong araw na unti-unti na akong nahuhulog ulit sa kanya...Bumalik ang greatest love niya.At buntis ito. At sinasabing siya ang ama.Ano ang pipiliin niya? Ang babaeng napilitan niyang pakasalan? O ang babaeng tunay niyang minahal at may dala ng anak niya?