Nang mag-asawa ulit ang ina ni Zarnaih ay kinailangan nilang tumira nang ina niya sa bahay nang asawa nito. Doon niya nakilala ang kaniyang stepbrother na si Wilson. Na may galit sakanya dahil pakiramdam nito ay pera lang ang habol nila sa ama nito.
Sa tuwing wala ang kanyang ina at ama nito ay pinahihirapan siya nang kanyang stepbrother, at minsan ay isinasama siya sa kompanya nito upang ipahiya. Ngunit kahit ganun siya tratuhin ng lalaki ay nagawa niya pa rin itong mahalin.
Mahalin rin kaya siya ni Wilson gayong labis labis ang inis nito at sakanyang ina dahil simula nang tumira sila sa bahay ng mga ito ay palagi na lang lumalabas na masama ang lalaki.
Hiding The Billionare's Heiress
Dahil sa takot na mawala sa kanya ang anak niya ay iniwan ni Grace ang asawa. Alam niya kasing kapag nakapanganak siya ay kukuhanin ng pamilya ng asawa niya ang kanyang anak lalo pat ayaw ng ina nito sa kanya.
Mahirap lang kasi si Grace bago niya naging asawa si Matthew Delgado. At una palang alam niya ng ayaw ng mga magulang nito sa kanya. Sa tuwing umaalis nga ang asawa niya sa mansyon ay sinasaktan siya ng ina nito kahit na alam nito na buntis siya.
Sinabi din ng ginang na kapag nakapanganak na siya ay pwede na siyang makalayas sa mansyon na yon at kukunin nito ang bata at sila na ang mag-aalaga. Lalo pat may gustong ibang babae ang ina ni Matthew mas na nararapat daw sa kanyang anak imbes na siya